top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Numero | August 24, 2024


Dear Maestro,


Isa akong Taong Kuwatro, dahil ang birthday ko ay February 13, 1998, (ang 13 ay 1+3=4). 


Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil gusto kong malaman kung ano ang magiging kapalaran ko sa hinaharap? Totoo bang topakin at mahirap makasundo ang mga Taong Kuwatro tulad ko?


Napapansin ko kasing maraming umaaway at naiinggit sa akin, gayung mabait naman ako. Kaya sana ay mabigyan n’yo ako ng gabay kung paano ako magtatagumpay at magiging maligaya, minsan kasi ay nalulungkot ako sa kalagayan ko na hindi ko naman alam ang dahilan.


Umaasa,

Jannet ng San Pablo, Binalonan, Pangasinan




Dear Jannet,


Tama ang iyong kompyutasyon, kung saan ikaw nga ay napapabilang sa Taong Kuwatro dahil ang birth date mong 13 ay 1+3=4, at nagkataon pang ang zodiac sign mong Aquarius ay may kaakibat ding numerong 4 dahil sa ruling planet na Uranus.


Samantala, hindi naman mahirap pakisamahan ang mga Taong Kuwatro. Sa halip, masarap lang silang bola-bolahin dahil madali silang maniwala, lalo na kung ang mga taong makakakuwentuhan nila ay masayahin at palabiro din.


Kaya naman parang may topak ang mga Taong Kuwatro, karamihan kasi sa kanila ay humbak o void ang kanilang puso. Ibig sabihin ng “void”, basyo, walang laman o parang may kulang. Ang salitang “void” ay tulad ng nasabi na, eksklusibong ginagamit sa isang bagay na walang laman dahil nararamdaman niya ang kakulangan, laging parang may kulang sa kanyang puso at buhay.


Dahil dito, ang mga Taong Kuwatro na nasabing madaling mabola at mapaniwala ng mga mapagsamantala dahil ‘yun ang kulang sa kanilang malalim na pagkatao, at ito ang nakikita nila sa mga nagiging kaibigan nila.


Sinu-sino ang mga taong maaaring manloko o manamantala sa mga Taong Kuwatro?


Una, ‘yung mga taong walang trabaho, hindi nakapag-aral o sabihin na nating “palutang”. Ito ang mga taong walang silbi sa lipunan, kung saan madalas niyang ma-magnet ang mga Taong Kuwatro, lalo na ‘yung mga malulungkutin.


Kaya naman ang nasabing mga tao na walang magawa at pakalat-kalat lang sa inyong bahay o lugar ang dapat mong iwasan.


Huwag kang makikipagkaibigan sa mga taong istambay, walang pinag-aralan, walang modo at walang kuwenta dahil ang mga taong ito ang siguradong magpapalugi at wawasak ng magandang landas na tinatahak mo sa kasalukuyan.


Sa pakikipagrelasyon, upang maging matagumpay at lumigaya ka habambuhay, piliin mo ang taong ka-level mo. Ibig sabihin, kung mayaman kayo sa buhay, dapat mayaman din ang iyong magiging boyfriend.


Kung college graduate ka, piliin mo ang taong nakapag-aral ng kolehiyo at naka-graduate upang sa pagtatayo ng sariling pamilya ay habambuhay kang umunlad at lumigaya.


Ganu’n lang ka-simple ang dapat mong gawin— kung ano ang level mo sa lipunang iyong ginagalawan, ka-compatible mo man o hindi ang isang lalaki, siya ang piliin mo, at makikita mo na sa pag-ibig at pag-aasawa, magtatagumpay ka at habambuhay na liligaya.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Numero | August 21, 2024



Dear Maestro,


May boyfriend ako ngayon. Matagal din bago ako muling nagka-boyfriend, kaya naman tuwang-tuwa ako noong dumating siya. 


Kaya lang, hindi ako malambing at bihira ko lang din siyang i-text. Iniisip ko kasi na baka masanay siya, hanggang isang araw, tuluyan na nga siyang humingi ng “space” sa akin.


Dalawang buwan na rin kaming hindi nagkikita. Maestro, mapapatawad pa kaya niya ako? At magkakaayos pa kaya kami? Nagiging emotional kasi ako sa tuwing naiisip ko ang pinagsamahan namin. 6 months din kasi kaming nagsama. 


December 4, 1999 ang birthday ko habang December 8, 2000 naman ang boyfriend ko.


Umaasa,

Jen ng Santa Ana, Manila



Dear Jen,

Kapwa kayo nagtataglay ng zodiac sign na Sagittarius, habang ang destiny number mo namang 4 ay siya ring destiny number ng boyfriend mo. Nangyaring ganu’n dahil ang birthday mong December 4, 1999 ay kinokompyut ng ganito: 12+4+1999=2015/ 20+15=35/ 3+5=8.


Habang ang destiny number naman ng boyfriend mo na 4 ay siya namang birth date mo. Nangyari namang ganu’n, dahil ang birthday na December 8, 2000 ng boyfriend mo ay ganito kinokompyut: 12+8+2000=2020/ 20+20=40/ 4+0=4.


Ibig sabihin, hindi lang kayo sa Western Astrology tugma o compatible. Sa halip, compatible at tugma rin kayo sa Numerology.


Sa madaling salita, ayon sa iyong mga datos sa partikular sa birth date mong 4 at sa destiny number mong 8, at ang birth date na 8 at destiny number na 4 ng boyfriend mo, tiyak ang magaganap sa taon ding ito ng 2024, na nagkataong 8 ang sumatotal ng year 2024 (20+24=44/ 4+4=8) hindi matatapos ang ika-8 buwan ito ng Agosto, magkakabalikan na kayo upang minsan pa at muling pagsaluhan ang isang matamis na pag-iibigan. Malaki ang tsansa na sa taon ding ito o kaya sa susunod taong 2025, tuluyan na ring kayong magpapakasal at magsasama habambuhay upang bumuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Numero | August 19, 2024


Dear Maestro,


Problema ko ngayon ay ang aking mister. Kakagaling niya lang sa abroad at sa probinsya siya umuwi kaysa na sa amin. Ang balitang nasagap ko ay may iba na siya roon, at ibinahay pa niya ang kerida niya. 


Nang nagkausap naman kami, sabi niya ay wala siyang babae at dinalaw lang umano niya ang nanay niya na may sakit na isinugod sa ospital. Once na gumaling na umano ito, uuwi na siya rito sa amin. 


Nagpapadala naman siya ng pera. Kaya lang, natatakot ako sa tsismis na baka totoong may babae na siya sa probinsya. Maestro, babalik pa kaya siya sa amin? 


Ang birthday ko ay January 6, 1979, habang January 3, 1979 naman ang mister ko. 


Mag-iisang buwan na rin kasi siya sa probinsya nila sa Sorsogon.


Umaasa,

Rose Anne ng San Pedro, Morong, Rizal



Dear Rose Anne,

 

Hindi ka pa dapat mag-alala dahil ang dapat mong paniwalaan ay ang sinasabi ng mister mo kaysa sa tsismis o hinala na walang basehan. Ganyan ang dapat mong gamiting attitude o maging positibo ka, dahil ayon sa zodiac sign mong Capricorn at nagkataong Capricorn din ang iyong mister, compatible kayong dalawa dahil kapwa kayo pinaghaharian ng elementong earth o lupa.


Ibig sabihin, maghintay ka lang dahil kapag naging normal na muli ang lahat, at nagkaroon na ng pagkakataon ang mister mo na nasa malayong lugar ngayon, makikita mo na siyang darating sa inyong lugar d’yan sa Morong, Rizal.


Dagdag pa rito, sa pag-aanalisang Numerology ay halos tugma rin kayo. Ang birth date mong 6 ay suwetung-suweto rin sa birth date na 3 ng iyong mister dahil ang 6 at 3 ay kapwa nasa grupo ng mga numero na kung tawagin ay “divisible by 3”. Ibig sabihin, hindi lang kayo sa Astrology o zodiac sign tugma ng mister mo kundi pati sa Numerology. 


Samakatuwid, dahil tugma ang inyong tadhana, ayon sa Astro-Numerology na pag-aanalisa, sa bandang huli ang kapalaran din ang gagawa ng paraan upang muli kayong magkabalikan at mabuo ang inyong pamilya. Ito ay nakatakdang mangyari ngayong 2024, sa buwan ng Disyembre. 


Darating ang isang araw, habang unti-unting dumidilim ang kapaligiran, kasabay ng nagliliwanag na Christmas light na nakaikot sa Christmas tree, kakatok sa inyo ang mister mo, at sa sobrang kagalakan mo, mapapayakap ka sa kanya. Doon na muling magsisimula ang pagbuo n’yo ng isang maligayang pagpapamilya.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page