top of page
Search

ni Ka Ambo @Bistado | Oct. 1, 2024



Bistado ni Ka Ambo

Tatakbo sa Senado si Bosya Imee nang solo.

Kumbaga, hiwalay muna ang decolor-sa-puti.


----$$$--


MALAKING bawas sa kalidad ng Bagong Pilipinas Senate slate ang presidential sister.

Meaning, hindi pa man nagsisimula — nanghina na.


----$$$--


NAUNA nang nagpahayag si ex-Sen. Ping Lacson na siya rin ay tatakbong independent tulad ni Manay Imee.

Ibig sabihin, less two na agad ang tiket ni PBBM.


------$$$--


MALINAW na hindi solido ang Bagong Pilipinas ni PBBM.

Aktuwal nang natunaw ang UniTeam.


----$$$--


DAHIL sa pagkawala ni Madame Marcos sa admin ticket -- hindi ito matatawag na “Marcos Team”.

Malinaw na ang milyung-milyong “botong Marcos” ay hindi mahihigop ng admin ticket.


-----$$$--


KUNG susuriing mabuti, ang admin team ay hindi isang Marcos Team dahil walang “Marcos dito”.

Opo, tama kayo, ang Bagong Pilipinas ay isang “Romualdez Team”.


-----$$$--


IMBES na impluwensiya ng Marcos sister ang nagbuo sa admin ticket, hinihinalang may lihim na “kamay dito” si Speaker FM Romualdez.

Malaki talaga ang “tama ninyo”: Ang midterm election sa Mayo 2024, ay preview ng magaganap sa 2028 election.


-----$$$--


ANUMANG resulta ng midterm senatorial election ay hindi repleksyon ng performance ni PBBM, bagkus ay masasalamin dito ang potensyal ng Romualdez presidential dream.

Sa ganyang pananaw, mabubuo ang oposisyon -- at pagbuo ng karibal na ticket.


-----$$$--


MATAPOS ang eleksyon sa Mayo, tulad sa mga nagdaang panahon ang “poder” ng sinumang pangulo ay unti-unting ninipis — at lalabas ang kulay ng mga oportunista.

Lalayo na sa kanyang puwitan ang mga hunyango.


----$$$--


ANG mga hunyango ay lilipad tulad ng mga paruparo at dadapo sa inaakalang magwawagi sa 2028 election.


Sakaling maramdaman na si Speaker Romualdez ang magwawagi — ang poder ay biglang mahihigop mula kay PBBM patungo sa kanyang pinsan.

Senaryong iyan, papayag ba si VP Sara na maagaw nang lihim ang Malacañang ng isang kinukutya niyang Tambalolos?


-----$$$--


KAHIT si Manay Imee ay mahihirapang tanggapin na ang magiging susunod na tagapagmana ng Malacañang ay isang Romualdez.

Ang anumang maniobra sa midterm election ay panukat sa 2028.

‘Yan mismo ang barometro na gagamitin nina Romualdez, Imee at mga Duterte.


-----$$$--


ANG ibang grupo ay nagkalasug-lasog pero antayin ang maniobra ng mga multi-bilyonaryo.

Binansagan ng batikang komentaristang si Ka Popo, a.k.a. Rolly Cleofas ang mga ito bilang komprador.


----$$$--

ANG alyansa ng mga komprador — ay siyang lihim na nagdidikta umano ng resulta ng alinmang eleksyon tulad din sa United States.

Ang unlimited resources ng mga komprador ay pinakakawalan sa lahat ng grupo.

Pinakamalaki sa kandidatong kaya nilang diktahan.


----$$$--


ANG mga komprador din ang gumagastos sa mga “pekeng presidentiable” na nagkakamal ng salapi — matalo man o manalo, mayroon na silang “tabo”.

Tumutustos din ang mga ito sa mga potential winner sa lehislatura upang maidikta umano ang mga probisyon ng batas na pabor sa kanilang interest.


Entiendes?!



Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


 
 

ni Ka Ambo @Bistado | Sep. 24, 2024



Bistado ni Ka Ambo

KALABOSO na sina Alice Guo at Pastor Quiboloy.

Bababa ba ang presyo ng mga bilihin?


-----$$$---


MALINAW na tapos na ang UniTeam.

Nauulit lang ang kasaysayan.


----$$$--


DINALAW ng mga pulitiko si ex-VP Leni.

Magkano? Este, ano kaya ang inaalok nila?


-----$$$---


AKTUWAL na ang giyera ng Israel at Lebanon.

Antayin natin ang mga ground troops.

Masasaksihan natin ang modernong Vietnam War.


----$$$--


ANUMANG araw ay posibleng bigyan ng go signal ang long-range missile ng Ukraine kontra Russia.

Hindi ba’t buwelo ‘yan sa Ikatlong Digmaang Pandaigdig na aktuwal nang nararamdaman?


----$$$--


SA Ikatlong Digmaang Pandaigdig, damay daw ba ang Pilipinas?

Siyempre!


----$$$--


NASA Northern Luzon ang missile launchers ng US.

‘Yan ay buwelo rin sa WW3.


----$$$--


MALINAW na makiki-join na ang China sa Russia, North Korea, at Iran kapag sabay-sabay na nakisawsaw ang mga ito.

Iyan na ang tinatawag na ‘paghahalo ng balat sa tinalupan’.


----$$$--


KAPAG naggiyera, tulad sa COVID, may calamity fund pa ba?

Huh, ‘armageddon fund’ na ang tawag d’yan.

Bokya po!


----$$$--


AYON kay ex-Sen. Ping Lacson, higit sa 2,000 spy-soldiers ng Tsekwa ang posibleng nakabaon sa komunidad ng ‘Pinas.

‘Yan mismo ang taktika na ginamit ng Japan sa WW2.

Nihawww!


-----$$$--


IPAGDASAL natin na mapigilan ang WW3.

Kailangan ng Oratio Imperata sa lahat ng relihiyon.


----$$$--


ALING bansa ang ligtas sa WW3?Wala po.

Kahit ang moon at Mars — ay hindi makakaiwas sa giyera-mundial, masusunog din sila.


Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


 
 

ni Ka Ambo @Bistado | June 22, 2024


Bistado ni Ka Ambo

Masarap makisawsaw ngayon sa mga isyu.


Nagbitiw sa gabinete si VP Sara.


Kumbaga, pagkahaba-haba man daw ng prusisyon… kung matinik ay malalim.

He-he-he!


-----$$$--


Nagsintir na si Inday.


Bulalas niya kaharap ng palanggana: Hiwalay ang puti sa dekolor, hiwalay kung hiwalay.

Matindi ang lamukot niya sa “maong”, pero hindi sapat ito upang matanggal ang tubig.


Excuse po, spinner ang kailangan ninyo madam, isang American Home!


-----$$$---


Dakdak pa rin ang panangga ng mga Pinoy kahit ginamitan na ng China ng “armas” ang mga Navy kung saan naputol ang daliri ng isang sundalo.


Hindi nilinaw kung hinlalaki, hinlalato o hintuturo ang naputol.


Huwag kayong mang-intriga — aktuwal pong daliri ang naputol— mala-MARWAN.


-----$$$---


Muntik nang mag-away sa isang barbershop ang mga tsismosong barbero.


Bakit daw nagpapaapi ang Pinoy gayong matagal nang patay si Da King?


Kung si Tanggol ang nakalaban ng mga Tsekwa, tiyak na ubos ang mga kaaway — nang hindi man lang nagugusot ang buhok ng anak ni Marites.


 -----$$$---


Hindi na si PBBM o FL Liza ang kalaban ni VP Sara.


Ngayon ay Inday vs. De Lima na — sa liderato ng oposisyon.


‘Ika nga ng yumaong Macoy sa oposisyon: The more the merrier.


-----$$$--


Malaki na ang palitan ng piso kontra dolyar.


Tataas pa ‘yan kapag giniyera ng Israel ang Lebanon.


-----$$$--


Opo, malaki ang tama ninyo, inamin ng Israel na aprubado na ang “all-out-war” kontra Hezbollah.


Inaamin ng mga eksperto na 10 ibayo ng puwersa ng Hamas ang kapasidad ng Hezbollah.


Madadamay na sa digmaan ang buong Israel.


 ----$$$--

Nag face 2 face na sina Vladimir Putin at Kim Jong Un para sa mutual defense pact ng Russia at North Korea.


Walang duda, aktuwal na buwelo ito sa Ikatlong Digmaang Pandaigdig.


----$$$--


Kapag nag-export ng armas ang South Korea sa Ukraine tulad sa iniuulat ng international press, ipagagamit ni Putin kay Kim ang armas nuclear ng Moscow.


Yare ang buto-buto.


-----$$$--

Nilinaw ng Malacanang na hindi ang Pilipinas, ang unang magpapaputok sa away sa West Philippine Sea.


Okey lang sa kanila, kahit pumutok ang kilay ng mga sundalong Pinoy kapag binubugbog ng Tsekwa.


Idol talaga nila si FPJ.


-----$$$---


Ang unang putok sa WPS ay posibleng maging mitsa sa paglusob ng China sa Northern Luzon at pagkubkob mismo sa Taiwan.


Iyan ang hula ng mga nagdudunung-dunungan tulad natin.


-----$$$---


Ang giyera sa WPS ay magsisilbing hudyat sa Ikatlong Digmaang Pandaigdig.


Magdasal tayo ng walang patid!


Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page