top of page
Search

ni Ka Ambo @Bistado | Oct. 18, 2024



Bistado ni Ka Ambo

DEADLOCK na sina ex-US President Donald Trump at VP Kamala Harris.

Meaning, nag-plateau ang graph ni Harris at nagse-second win si Trump.


-----$$$--


KUNG sino sa dalawa ang mag-peak sa bisperas o petsa ng election — siya ang magwawagi.


Ibig sabihin, mahalagang maitimpla ang “graph” sa panahon ng kampanya hanggang sa eleksyon.


-----$$$--


KAKAUNTI ang nakakaunawa ng “campign graph” at walang gumagawa nito bagkus ay panay survey-survey lamang.


Ang survey ay bahagi lamang ng “campaign graph”.

Ito ay upang matukoy lamang ang angat o bagsak ng bilang ng boto o suporta sa isang kandidato.


-----$$$--


KAPAG maagang nag-peak ang kandidato, walang duda, matatalo siya sa araw ng eleksyon.


Ang “peak” ang rurok ng popularidad at bilang ng suporta ng kandidato.

Matapos mag-peak, dadausdos o bubulusok na ang support sa candidate.


-----$$$--


NATUTUKOY ang “peak” sa iba-ibang paraan kabilang ang “opinion survey”, pero kasama rin dito ang aktuwal na sitwasyon tulad sa pagkakasakit ng kandidato o pag-aaway-away o intrigahan sa loob ng kampo.


Kapag matapos mag-peak ay nag-away-away sa loob ng kampo o may negatibong insidente, ibig sabihin, ay papadausdos ang suporta — at matatalo ang kandidato.


-----$$$--


TINITIMPLA ang “peak” batay sa aktibidad na puwedeng gawin.

Kapag maagang nag-vote buying ang kandidato, maaga siyang magpi-peak.


Pero, kapag naiiwan sa “graph” ang kandidato, kailangan niya ng aktibidad tulad sa vote buying upang matimpla ang “peak” bago mag-eleksyon — bisperas o  umagang-umaga bago bumoto ang mga tao.


-----$$$---


MALINAW na kailangan ang “survey” para matukoy kung ano ang sitwasyon sa “graph” upang matimpla ang peak.


At ang “peak” ang kongkretong batayan dapat ng bawat aktibidad, desisyon o talumpati o “press release” ng bawat kampo.


-----$$$--


MAY alam sa ganyang sitwasyon ang ilang kampo kung saan, kapag mababa ang graph, nagbo-vote buying na o nang-aambus.


Kapag matayog ang “peak ng isang kandidato” batay sa reliable survey, dapat siyang mag-ingat.


Maaari kasi siyang madaya o ma-ambush upang mag-peak ang kalaban at bumulusok naman ang kanyang graph.


-----$$$--


SCIENTIFIC na ang proseso ng kampanya ngayon pero kakaunti pa rin ang nakakaunawa nito.


Siyempre, tradisyon na nagwawagi palagi kung sino ang may pinakamalaking campaign fund na tutustos sa maniobra at diskarte.


Sana ay maging lehitimo ang mga aktibidad ng bawat kandidato.


Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


 
 

ni Ka Ambo @Bistado | Oct. 17, 2024



Bistado ni Ka Ambo

Nagkalat sa Pilipinas ang substandard na reinforcement bar sa mga hardware.

Hummm, tipong gawang China ‘yan.


-----$$$--


PUWEDENG sinasadya ito ng China upang ‘pag nagkalindol, unti-unting guguho ang mga gusali sa Pilipinas.

Hindi na kailangan ang ballistic missile o bomba na magmumula sa kanila.


----$$$--


MISTULANG “bomba” o “dinamita” ang mga substandard rebar na made in China.

Napakatagal nang “epidemya” ‘yan sa construction industry pero dinededma lang ng gobyerno ng Pilipinas.


-----$$$--


MAIKUKUMPARA ang substandard na hardware materials sa “plastic bomb” na inilagay ng intel agent ng Israel sa walkie-talkie at pagers sa Lebanon.

Mas malalim ang diskarte ng mga Tsekwa kasi walang “bomba” pero guguho ang mga gusali.


------$$$--


‘CORRUPTION’ sa gobyerno ang sanhi ng nagkalat na substandard materials mula China.

Dispalinghado ang enforcement agencies sa Pilipinas na tila nagkakamal ng protection money mula sa mga buwitreng importer.


-----$$$---


UMAANGAT pa ang ekonomiya ng Russia imbes na bumagsak.

Gabundok kasi ang reserba nilang “ginto”.

Hindi iyan ibinubunyag ng mga pekeng “eksperto” sa ekonomiya.


----$$$--


BAGO sinakop ng Russia ang Ukraine, nag-imbak muna sila ng tone-toneladang ginto.

Ginto pa rin at hindi dolyares ang pundasyon ng ekonomiya sa ibabaw ng lupa.


------$$$--


NAPAKARAMING ginto sa Pilipinas.

Hindi ito naubos ng iba’t ibang superpower na sumakop sa ating bansa.


----$$$--


HINDI rin nagawang ubusin ng mga ‘buwaya’ sa pamahalaan ang ginto sa Pilipinas.

Ang ginto ang biyaya ng Panginoon sa lahing kayumanggi.


----$$$--


IDEOLOHIYA pa rin ang panukat sa isang matinong lider ng bansa.

Kapag hindi nauunawaan ng mga kandidato ang angkop na ideolohiya na dapat niyang yakapin, walang direksyon ang ating Republika.


-----$$$--


GULO sa buong daigdig ay sanhi ng magkakatunggaling ideolohiya.

Nagsimula ang ideolohiya sa mistiko at relihiyon.


----$$$--


NALIGAW ang mga lider dahil sa paggamit ng “terorismo” upang maghari ng pinaniniwalaan nilang ideolohiya.


Nauunawaan ba iyan ng mga pulitiko, nauunawaan ba ‘yan ng mga botante, nauunawaan ba ‘yan ng ordinaryong mamamayan?


Hindi!


Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


 
 

ni Ka Ambo @Bistado | Oct. 6, 2024



Bistado ni Ka Ambo

Inambus at napatay ang isang bokal at kanyang driver sa Bulacan.

Madugong halalan.


-----$$$--


ABSUWELTO ang sentenaryong si Manong Johnny Enrile at kanyang ka-“LIHIM” sa kasong plunder.


Yayao siya sa mundo nang mapayapa.


----$$$--


SINAMAHAN si Manay Imee sa Comelec ni ex-FL Meldy.

Buwenas daw ang kanyang nanay na isang ‘Romualdez’.


----$$$--


PINAULANAN ng Iran ng ballistic missiles ang Israel.

Dati-rati ay isang paniwalaan-dili lang ito, pero ngayon -- aktuwal nang giyera ang dalawang bansa.


----$$$--

INAAMIN ng China na nababangkarote ang kanilang ekonomiya.

Beh, buti nga!


----$$$--


BAKIT daw hindi pa rin gumuguho ang ekonomiya ng Russia kahit sangrekwa ang sanctions?


Ano ang kongkretong sagot?

Gabundok kasi ang reserba nilang ginto bago pa lusubin ang Ukraine.


-----$$$--


NAKASANDAL pa rin ang daigdig sa sinaunang pundasyon ng kalakalan.

Ginto pa rin ang batayan ng ekonomiya, imbes na dolyar.


-----$$$---


KAYRAMING artistang tatakbo sa 2025 midterm election.

Malaking drama ang ating Republika.


----$$$--


KAKANDITO ang pamilyang Santos-Recto sa Batangas.

Ala-eyy, anu bah ‘yan?


----$$$--


INAANTAY ang COC ni Digong sa Comelec.

Isa nang sure slot ‘yan ng oposisyon.


----$$$--


MAGME-MAYOR na lang si ex-VP Leni imbes mag-senador.

Napakalaki ng kanyang tama!


----$$$--


BINUGBOG at pinirata ng mga Tsekwa ang mga Vietcong sa West Philippine Sea.

Ang mga Pinoy ay malinaw na hindi nag-iisa.


----$$$--


NALITSONG de-leche ang mga paslit nang sumabog ang isang bus sa Thailand.

Nadagdagan ang mga anghel sa langit!


Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page