top of page
Search

ni Ka Ambo @Bistado | Jan. 11, 2025



Bistado ni Ka Ambo

Nakatutok pa rin ang lahat sa intrigahan nina PBBM at pamilya Duterte.

Hindi maawat ang patutsadahan.


-----$$$--


Nakikisawsaw na rin ang mga “marites”.

Aba’y ang tsismis, may lihim na maniobra na mapasok ang inner circle ni Junior.

He-he-he!


----$$$--


Pero, matalas ang pakiramdam ng mga nagmamahal nang tapat kay PBBM.

Naaamoy nila ang panganib.

Parang pusa.

Ha! Ha! Ha!


-----$$$--


NAKATUON ang mga nagmamasid sa mga ikinikilos ng mga aninong gumagalaw sa tanggapan ng SAP.


Nagtataka kasi ang mga intrigera kung bakit inilalapit nang lihim kay PBBM ang isang hinihinalang dawit sa smuggling at POGO.


Eh, sino kaya ang may pautot?


-----$$$--


INIINTRIGA ngayon ay kung sinong importante ang nagbitbit sa isang “Mr. T” sa pagbisita ni PBBM sa Davao del Norte kamakailan.


Iyan ngayon ang pinagpipiyestahan ng mga marites sa paligid ng Palasyo.


-----$$$--


UMIGKAS ang kilay ng mga dumalo sa naturang event na sinasabing “strictly for incumbent officials”.


At naku, nagkaroon ng exemption!

Ngek!


-----$$$--


NAKALIGTAS sa mapanuring mata ng cordon sanitaire ang pagtatangka na ilarawan ang Pangulo na nakikisalamuha sa mga kontrobersiyal na personalidad.


‘Yun lang naman ang motibo at malasakit ng mga nang-iintriga — iligtas si PBBM mula sa buwelta ng kanyang mga kalaban sa pulitika.


----$$$--


NABABAHALA tuloy ang mga tunay na nagmamalasakit sa mga Marcos sa posibleng sabotahe.


Delikado na mataniman ng “masamang damo” ang bakuran ng Malacanang.


---$$$--


ANG iniintrigang si “Mr. T” ay sinasabing malapit sa kampo ng mga Duterte.

May tsismis na kasosyo sa mga negosyo nito ang mga ayudante ng dating pangulo.

Weh, ‘di nga?


-----$$$--


MARAMI ang nagtatanong: May posibilidad bang makapasok pa uli ang “Davao” nang lihim sa kampo ng mga Marcos?


Totoo kaya na si “Mr. T” ay kasali na rin sa PFP?

Nagtatanong lang naman.


----$$$--


May protocol ba na ipinatutupad kung paano iingatan si PBBM mula sa impluwensiya ng mga kontrobersiyal na personalidad?

ALAM kaya ito ni FL?


Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


 
 

ni Ka Ambo @Bistado | Jan. 10, 2025



Bistado ni Ka Ambo

Nagkakainitan na ang away nina PBBM at VP Sara.

Hindi na biro.


-----$$$--


Sa totoo lang, hindi naman talaga si PBBM ang kaaway ni VP Sara.

Hulaan ninyo kung sino?


----$$$--


AMININ man o hindi, naggigirian para sa 2028 presidential election.

Para hindi kayo maligaw o magoyo at maunawaan ninyo ang mga nagaganap, iayos ninyo ang “konteksto” sa mga impormasyon na natanggap ninyo.


----$$$--


MALINAW na maniobrang pulitika ang lahat.

Ibig sabihin, ang “kaso-kaso” o “isyu-isyu” ay walang talab — hindi iyan ang “sustansya” ng mga balita.


----$$$---


SA totoo lang, kung tayo ang tatanungin kung ano ang depinisyon ng “fake news” ay masasabi nating 95 percent ng political news — ay “palsipikado”.

Ang mga palsipikadong impormasyon at “ipinormang teksto at konteksto” — ay nagmumula sa inyong pinakamamahal na mainstream media.


----$$$--


NEGOSYO rin kasi ang media — at hindi maiiwasan na mapasukan ito ng “propaganda”.

Opo, ang palsipikadong teksto at konteksto ay angkop na ilarawan na propaganda.


-----$$$--


NALULUGI at nalilipasan ng kamandag ang media — dahil sa iba’t ibang anyo ng propaganda.


Gumagrabe ito sa panahon ng girian sa pulitika.


----$$$--


ANG mainstream media at ang akademya ay bigo na suriin, ayusin at ipaliwanag ito.

Ito ay dahil ang mga padron na ginagamit — o modelo na yinayakap ay nalipasan na ng uso — kapwa ng mga sinasabing batikang editor at beteranong academician.


----$$$--


ANG kabiguan na makasabay sa mabilis na nagbabagong anyo ng henerasyon at teknolohiya, ang siyang tunay na ugat ng maselang krisis na ito sa multi-media.

Tila nilamon na ng kanser sa lipunan ang media at walang nagtatangka na ayusin ito.


----$$$--


NAGYAYABANG at umaastang bihasa ang ilan, gayung wala silang sapat na “karanasan” o epektibong padron para sa repormasyon ng media industry.


Hindi lang ang ordinaryong obrero o manggagawa, bagkus ay maging ang mga kapitalista — may-ari at publisher — ay kaawa-awang biktima ng nagbabagong henerasyon.


-----$$$--


ANG mga karanasan na karaniwang batayan ng pag-unlad o progreso — ay hindi sapat na pundasyon sa repormasyon — dahil walang kakayahan ang sinuman na unawain ang modernong sibilisasyon na ating ginagalawan.


Isang halimbawa rito ay ang pananalasa o pagsakop ng artificial intelligence sa lahat ng sektor.


----$$$--


SA ayaw o sa gusto mo, maaalipin na ang buong mundo at lipunang ginagalawan natin ng mga “robot” o ang malawakang paggamit ng AI.


Nauunawaan mo ba ang tunay na implikasyon ng AI — bukod sa aktuwal na teksto, konteksto na nasilip mo sa ChatGPT at Google?


Ang lantay na kahulugan ng isang kataga ay hindi sapat na ipaliwanag gamit lamang ang “kapwa kataga”.


‘Yan ang napakapait na katotohanan!


May nakakaunawa kaya?


Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


 
 

ni Ka Ambo @Bistado | Jan. 8, 2025



Bistado ni Ka Ambo

Ayaw umalis ng monster ship ng China sa bisinidad ng karagatan ng Zambales.

Paano ngayon ‘yan?


-----$$$--


INITSAPUWERA sa National Security Council si VP Sara at mga ex-president.

Sino bang kalaban ng soberanya?


Ang China o ang mga pulitikong Pinoy?

Pakisagot po!


-----$$$---


IKINAKALAT sa international media ang isang panibagong pandemic.

Peke o hindi?


-----$$$---


HINDI na magkadatuto ang Pinoy dahil sa mga break up, break up na ‘yan.

Magkabalikan pa ba talaga?


Magkabalikan kaya sina VP Sara at PBBM?

Third party o first party?


-----$$$--


MARAMING mababago sa pag-upo ni US president-elect Donald Trump.

Kasama r’yan ang takbo ng buhay ng mga Pinoy.


-----$$$---


HINDI pa tumitindi ang malamig na klima sa ‘Pinas.

Paano kapag dumami na ang inuubo, sinisipon at nilalagnat?


----$$$---


INAPRUBAHAN na ang 2025 national budget.

Nagtatatarang sa tuwa ang mga ‘buwaya’. Hagikhik naman ang mga amuyong.


----$$$--


BIGO ang Comelec na pigilin ang illegal campaign ng mga pulitiko.

Dayaan ay malinaw na nagaganap at kinukunsinti.


----$$$--


ALAM na natin ang magiging resulta ng eleksyon sa Mayo.

Magwawagi kung sino ang may pinakamalaking budget sa propaganda.

‘Yan mismo ang demokrasya.


-----$$$---


TATAAS ang presyo ng petrolyo.

Pautot-utot lang ‘yan.


----$$$---


IKINATATAKOT ang paglaganap sa paggamit ng artificial intelligence.

Kailangan ‘yan sa Kongreso — para magkaroon sila kahit “peke” lang.


----$$$--


HINDI na nalalayo na magsanib na ang mga robot at aktuwal na tao.

Hindi na bagong balita ‘yan, matagal nang nagaganap ‘yan.


----$$$--


MAGIGING immortal na ang mga personalidad at mabubuhay na ang mga patay.

‘Yan mismo ang ibig sabihin ng artificial intelligence.

Kakaunti ang nakakaunawa nito.


Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page