top of page
Search

ni Eli San Miguel @Entertainment News | August 4, 2024


Sports News
Photo: Kim Ji-won / IG

Kasalukuyang nagrereyna ang aktres na si Kim Ji-won sa mundo ng K-Drama dahil sa kanyang mga agaw-pansing papel, kabilang ang kanyang tanyag na pagganap kasama si Kim Soo-hyun sa hit South Korean drama na "Queen of Tears."


Ayon kay Ji-won, isa sa kanyang pinakamahirap na proyekto ang "Queen of Tears," na nanguna sa viewership record sa maagang bahagi ng kasalukuyang taon.


"One of the most challenging projects lately probably would have to be 'Queen of Tears,'” aniya sa pamamagitan ng interpreter sa press conference nitong Sabado na inorganisa ng PULP Live World bago ang kanyang “Be My One” fan meet sa New Frontier Theater sa Quezon City.


Nagsimula ang matiyagang preparasyon ni Ji-won bilang isang karakter na mayamang tagapagmana na may taning ang buhay at masalimuot na kasal sa serye, na naging highest-rated tvN drama at tumalo sa “Crash Landing On You.”


Tulad ng dati, naglaan siya ng maraming pagsisikap sa pag-aaral ng script at pakikipagtulungan sa kanyang direktor.


“When I got the script around three months prior to my filming of the drama, I really studied it every day. And not only that, actually, I had to meet the directors, talk to them," pahayag niya.


"And when we were doing the script reading with my co-actors and actresses, I felt (it was) a lot easier to understand and relate and portray my character very well. So that's what I do. I really study my script," dagdag pa niya.


Samantala, walang ibinigay si Ji-won na kumpirmasyon o pagbanggit ng mga bagong proyekto o kolaborasyon, dahil sinabi niya na nakatuon siya sa pagtatapos ng kanyang international fan meeting tour.

 
 

ni Eli San Miguel @K-Buzz | August 2, 2024


BINI x ENHYPEN / TikTok
Photo: Sandara Park / IG

Naghahanda na ang legendary 2nd generation K-Pop group na 2NE1 para sa kanilang grand comeback.


Sa Instagram, nagbigay si Sandara Park ng matinding excitement sa fans matapos siyang mag-upload ng 37-second video teaser para sa kanilang upcoming concert sa Seoul.


Bukod sa mga clip ng kanilang mga pagtatanghal noon, kasama rin sa teaser ang mga detalye ng concert, tulad ng ticket sale sa Agosto 5 sa ganap na alas-8 ng gabi (KST).


Gaganapin ang concert sa Seoul sa Oktubre 5 at 6 sa Olympic Park Olympic Hall.


Pagkatapos ng kanilang mga shows sa Seoul, pupunta naman sila sa Osaka sa Nobyembre at Tokyo sa Disyembre. Magpapatuloy ang tour hanggang 2025.


Noong Mayo, matatandaang nagsama-sama muli ang 2NE1 para sa isang photoshoot bilang pagdiriwang ng kanilang 15th debut anniversary.


Nag-disband ang grupo noong 2016 at umalis sa YG Entertainment, ngunit nagkaroon sila ng ilang mini-reunions sa mga nakaraang taon.


Ang 2NE1 ay binubuo nina CL, Bom, Dara, at Minzy

 
 

ni Angela Fernando @K-Buzz | July 30, 2024



BINI x ENHYPEN / TikTok
Photo: Chanyeol / EXO

Magde-debut bilang solo artist ang miyembro ng sikat na K-pop boy group na si Park Chanyeol. Ayon sa ulat ng ‘www.news1.kr’ na ibinahagi ng Soompi, kinumpirma ng management ng K-Pop star na SM Entertainment na magaganap ang debut ni Chanyeol bilang solo artist sa darating na Agosto para sa kanyang unang solo album.


Magsisimula rin ang Korean idol na mag-tour sa Setyembre 6 at 7 para sa kanyang "City-scape" sa Blue Square Mastercard Hall sa Seoul pagkatapos mailabas ng kanyang nasabing album.


Matatandaang ipinahayag ni Chanyeol ang kagustuhang gumawa ng kanyang solo album nu'ng Disyembre 2023 upang makapaghatid sa mga fans ng mga awiting tatatak at matatandaan ng mga ito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page