top of page
Search

ni Eli San Miguel @K-Buzz | August 12, 2024



Sports News
Photo: AP

Itinanggi ng mga fans ng BTS o mas kilala bilang ARMYs, ang pagpapasimuno sa #SugaChallenge bilang suporta sa pagkakasangkot ng BTS member na si Suga sa drunk driving.


Noong Agosto 6, nasemplang si Suga na kasalukuyang nagsasagawa ng kanyang serbisyo militar bilang social worker, habang siya’y nagmamaneho ng electric scooter sa Seoul.


Ayon sa pulis, ang resulta ng breathalyzer test ni Suga ay nagpapakita ng 0.227 percent na blood alcohol content, na sobrang taas kumpara sa license revocation level na 0.08 percent. Malapit nang ipatawag ng Yongsan Police Station sa Seoul si Suga para imbestigahan ang mga pangyayari sa kanyang pag-inom at ang dami ng alcohol na kanyang nakonsumo.


Sa X, umakyat sa trending ang #SugaChallenge kung saan ang mga gumagamit ng hashtag ay nag-post ng mga larawan na nagpapakita ng pag-inom ng alak sa kanilang mga sasakyan. Maging ang mga media sa Korea ay nag-ulat tungkol sa #SugaChallenge na sinasabing sinimulan ng BTS ARMYs.


Naglabas naman ng pahayag ang BTS ARMYs upang itanggi ang kanilang pagkakasangkot sa trend na #SugaChallenge.


“From BTS ARMY: In light of recent events, a number of individuals associated with various music fandoms…who have expressed unfavorable opinions towards BTS, have initiated a trend intended to ridicule a specific situation,” ayon sa pahayag na ibinabahagi ng mga BTS ARMYs sa Facebook at X.


Dagdag pa nito, “This trend entails the sharing of images portraying the consumption of alcohol within a vehicle, despite the fact that the initial incident did not occur in a car. It is important to note that although ARMY will continue their support for all seven members, ARMY was not involved in this trend, as it is essential to handle such matters with sensitivity and consideration for all parties involved.


Thank you. ARMY.” Bilang pagkontra sa #SugaChallenge, ginamit ng fandom ang mga hashtags na #FAKECHALLENGE, #Its_Not_ARMY, #조작된챌린지 #진짜아미아님 at #koreanmediabeprofessional.

 
 

ni Eli San Miguel @Entertainment News | August 8, 2024


Sports News
Photo: SEVENTEEN / FB

Inihayag ng K-Pop idol group na Seventeen na babalik sila sa US para sa kanilang bagong world tour sa Oktubre.


Gaganapin ng Seventeen ang kanilang “Right Here” world tour sa US, na pinamahalaan ng Live Nation, na magsisimula sa Oktubre 22 at 23 sa Allstate Arena sa Rosemont, Illinois.


Susundan ito ng mga concert sa Belmont Park, New York sa Oktubre 25 at 27; San Antonio, Texas sa Oktubre 31 at Nobyembre 1; at Oakland, California sa Nobyembre 5 at 6. Magtatapos ang tour sa Nobyembre 9 sa Los Angeles sa isang malaking pagtatanghal sa BMO Stadium.


Bago ito, ilulunsad nila ang world tour na pinamahalaan ng Live Nation, sa Oktubre 12 sa Goyang Stadium sa South Korea.


Ito ang magiging unang US tour ng Seventeen mula noong “Be The Sun” world tour, na nagtapos sa Newark noong Setyembre 2022.


Mula noon, nakamit ng Seventeen ang titulo ng best-selling K-Pop album of all time sa “FML,” na nakabenta ng higit sa anim na milyong kopya at naging best-selling album sa buong mundo noong nakaraang taon, ayon sa International Federation of the Phonographic Industry (IFPI).

 
 

ni Eli San Miguel @Entertainment News | August 7, 2024


Sports News
Photo: Hyolyn / IG

Naging iconic ang sari-sari store aesthetic matapos itong gawin ng K-Pop star na si Hyolyn.


Sa mga litrato na ipinost sa kanyang Instagram, makikita si Hyolyn na naka-pose na may sari-sari store sa background.


Nagsuot ang singer ng dilaw na cover-up sa ibabaw ng teal na bikini. Umupo rin si Hyolyn sa isang monobloc stool, at tampok sa kanyang background ang mga sikat na produktong Pinoy at gulay.


Ayon sa caption ni Hyolyn sa Instagram, ang photoshoot na ito ay ginawa para i-promote ang kanyang upcoming single na “Wait,” na ilalabas sa Agosto 12.


Nagpiyesta ang mga Pinoy fans sa comment section sa pamamagitan ng mga funny comments.


“Uy! Pilipins, hahahaha whoever’s tindahan is this is so lucky to feature Hyolyn!” saad sa comment na may higit sa 1,200 likes sa kasalukuyan.


“Ate, pabili pong banana ketchup,” biro pa ng isang Pinoy fan.


Sa ngayon, may higit sa 172,000 na ang likes ng post at higit sa 4,800 comments.


Si Hyolyn ay naging miyembro ng K-Pop girl group na Sistar at ng subunit nitong Sistar19 hanggang sa kanilang disbandment noong 2017. Itinatag niya naman ang record label na Brid3, at opisyal na nagtrabaho kasama ang label noong 2018.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page