top of page
Search

ni Eli San Miguel @K-Buzz | August 22, 2024



Jennifer Lopez at Ben Affleck / Geo
Photo: File

Nakatakdang pumunta ngayong Huwebes ang BTS member na si Suga, na nahaharap sa reklamong drunk driving, sa isang police station sa Seoul para sa gagawing imbestigasyon.


Naglabas ang Korean media outlet na Seoul Shinmun ng eksklusibong ulat noong Agosto 21 na si Suga (Min Yoongi), 31, ay iniimbestigahan ng pulisya tungkol sa insidenteng naganap noong Agosto 6.


Ayon sa iba't ibang ulat ng Korean media, magpapakita si Suga sa Seoul Yongsan Police Station.


Sa kasalukuyan, nagsasagawa ang mga otoridad ng imbestigasyon sa paggamit ni Suga ng electric scooter habang siya ay lasing noong Agosto 6.


Kasalukuyang nagsasagawa si Suga ng military service bilang isang social service agent.


Nag-enlist siya noong Setyembre 22 ng nakaraang taon at inaasahang madi-discharge sa Hunyo 21, 2025.

 
 

by Eli San Miguel @K-Buzz | August 16, 2024



Photo

Nagbabalik si Lisa Manoban na may bagong kantang swak na swak para sa sayawan. Sa kanyang bagong single na 'New Woman,' kumakanta ang BLACKPINK member tungkol sa self-love. Kasama niya naman bilang collaborator ang Spanish singer na si Rosalia.


Ipinapakita sa music video ang mga eksena kung saan suot ni Lisa ang mahahabang blonde wig at iba pang chic looks.


Lisa Manoban's New Woman

Nagsimula nang magbigay ng pahiwatig si Lisa tungkol sa isang bagong solo single mula pa noong Hulyo. Inihayag niya noong Agosto na ito ay isang kolaborasyon kasama si Rosalia.


Noong Hunyo, matatandaang inilabas ni Lisa ang “Rockstar,” ang kanyang unang kanta at music video pagkatapos ilunsad ang sariling record label na Lloud.


Para sa MTV Video Music Awards 2024, nakakuha ng apat na nominasyon ang BLACKPINK member para sa “Rockstar,” kabilang ang Best K-Pop, Best Choreography, Best Art Direction, at Best Editing.


 
 

ni Eli San Miguel @K-Buzz | August 13, 2024



Sports News
Screenshot from video: Hyolyn

Ipinakita ni Hyolyn ang kanyang island girl energy sa kanyang pinakabagong music video. Sa kanyang bagong single na “Wait,” itinampok ng K-Pop star ang magagandang tanawin ng isang isla sa Pilipinas habang sumasayaw sa talon at sa dalampasigan.


Nagkaroon din si Hyolyn ng mga eksena sa jeepney, kubo, tricycle, boxing gym, at sari-sari store. Sa oras ng pagsusulat nito, ang music video ay mayroon nang 1.4 million views, 40,000 likes, at 2,600 comments na pumupuri kay Hyolyn para sa pagpapakita ng kagandahan ng Pilipinas.


Hyolyn - Wait

Unang naglabas ng teaser si Hyolyn para sa kanyang music video sa pamamagitan ng isang sexy photoshoot sa isang sari-sari store, na dinumog ng nakakatuwang mga comments, partikular na mula sa mga Pinoy fans.


Si Hyolyn ay dating miyembro ng K-Pop girl group na Sistar at ng subunit nito na Sistar19 hanggang sa kanilang disbandment noong 2017. Itinatag niya ang record label na Brid3 at opisyal na nagsimula ng trabaho sa label noong 2018.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page