top of page
Search

ni Angela Fernando @Entertainment News | August 30, 2024



Sports News

Nagsama ang Korean idol na si Kim Taeyeon at si Sam Smith para sa bagong bersyon ng hit song na "I'm Not The Only One," at bumenta agad ito sa mga tagasuporta ng dalawang artists.


Dinagdagan ng lider ng K-pop group na Girls' Generation na si Taeyeon ang lyrics ng bagong version upang mas maging emosyonal pa ang kanta lalo na para sa mga Korean fans ng awitin.


Matatandaang naunang nagpahayag si Smith na makikipagtulungan siya sa Korean idol para sa 10th anniversary edition ng kanilang album na "In The Lonely Hour." Matatandaang inilabas ang nasabing album nu'ng Enero 2014, kasama na dito ang mga kilalang awitin ni Sam Smith na "Stay With Me," "Leave Your Lover," at "Lay Me Down."


 
 

ni Eli San Miguel @K-Buzz | August 30, 2024



Sports News
Photo: Official BTS

Namamayagpag ang Grammy-nominated K-Pop group na BTS, bilang Best National Singer/Group of the 21st Century sa South Korea. Ang titulo ay batay sa isang survey na isinagawa ng Gallup Korea mula Agosto 19 hanggang 23, kasama ang higit sa isang libong tao na may edad 19 hanggang 69 sa buong South Korea, na pinangunahan ng Star News para sa kanilang ika-20 anibersaryo.


Sa survey, tinanong ang mga respondente na, “Among the following singers/groups, who do you think is the best national singer/group?” Nanguna ang BTS sa survey na may 43 porsiyento.


"The unprecedented achievement in K-pop history is reflected in the survey results. BTS received even support from gender, age, region, and occupation, living up to the title of 'national group,’" pahayag ng Gallup Korea.


Ayon naman sa Star News, nakatanggap ang BTS ng pinakamataas na suporta mula sa mga edad 19-29 (44 porsiyento), sa mga nasa 30s (39 porsiyento), at sa mga nasa 40s (53 porsiyento).


Mula nang sila'y nag-debut noong 2013, naging simbolo ang BTS ng pop music phenomenon. Naging nominado na sila nang dalawang beses para sa GRAMMYs at nakapagtala ng 25 Guinness World Records.

 
 

ni Eli San Miguel @K-Buzz  | August 28, 2024



Showbiz News
Photo: Circulated / Peak

Umalis ang 30-anyos na si Moon Taeil, mula sa kinabibilangan niyang K-pop boy band na NCT at subunit na NCT 127, matapos siyang akusahan sa isang kaso ng sex crime. Inanunsiyo ng SM Entertainment, ahensiya ng NCT, ang kanyang pag-alis at mga detalye tungkol sa criminal case.


“We have recently learned that Taeil has been accused in a criminal case related to a sexual crime,” pahayag ng ahensiya.


Ipinagpatuloy nito, “While assessing the facts, we recognized the gravity of the matter and decided that he could no longer continue his team activities. After discussing it with Taeil, we decided to have him leave the team.”


“Taeil is currently cooperating faithfully with the police investigation, and we will provide additional information as the investigation progresses. We deeply apologize for the controversy caused by our artist,” sabi pa sa pahayag.


Kamakailan lang ay nagsagawa sina Taeil at iba pang miyembro ng NCT 127 ng fan meeting para sa kanilang ika-walong anibersaryo. Sa kasalukuyan, namamayagpag ang NCT bilang best-selling act sa SM Entertainment.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page