top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | March 19, 2024




Ni-reject ni Jennie Kim ng K-pop girl group na BLACKPINK ang offer na bumida sa bagong Korean variety show na "My Name is Gabriel."


Ayon sa Korean TV network na JTBC, iniulat ng Soompi nitong Martes na hindi lalahok ang K-pop idol sa darating na proyekto dahil wala siyang plano na lumabas sa mga variety show sa ngayon.


Tampok sa "My Name is Gabriel" ang mga cast na sinusubukang alamin ang karanasan ng pamumuhay sa ibang bansa.


Noon pa, inihayag ng JTBC na ang sikat na mga aktor na sina Ji Chang Wook, Park Bo Gum, at Yeom Hye Ran, kasama ang mga entertainer na sina Park Myung Soo at Hong Jin Kyung, ay magiging bahagi ng proyekto.


Nakatakda namang ipalabas ang variety show sa Hunyo.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | March 16, 2024




Kinumpirma na ng South Korean actress na si Han So-hee ang kanyang relasyon sa “Reply 1988” star na si Ryu Jun-yeol sa kanyang Naver blog.


Isang araw matapos itanggi ng management agency ng aktres ang mga tsismis tungkol sa kanilang pagde-date, inilabas ni Han ang kanyang personal na kumpirmasyon.


Gayunpaman, hiniling niya sa mga fans na huwag gumawa ng mga espekulasyon tungkol sa pagiging “rebound” niya.


Sa kanyang blog, nilinaw ng aktres na nagkamabutihan sila ni Ryu noong simula ng 2024, at natapos ang relasyon ni Ryu sa kanyang “Reply 1988”co-star at ex-girlfriend na si Hyeri noon pang umpisa ng 2023.


“We were into each other at the beginning of 2024. I was told [Ryu] became single in early 2023 and the breakup article was published in November. Based on this fact, I continued to keep my feelings and the relationship,” anang aktres.


Sinabi rin ni Han na hihingi siya ng tawad kay Hyeri matapos umano niyang magparinig sa Instagram Story kamakailan.


“I will apologize to this person (Hyeri) regarding this, and I sincerely apologize to you all for not reacting wisely. I acted based on my emotions rather than rational thinking, I acknowledge that this is completely my fault,” aniya.


Samantala, hanggang sa ngayon, hindi pa naglalabas ng pahayag ang management agency ni Ryu.


Matatandaang sumikat si Han bilang kontrabida sa 'The World of the Married' noong 2020, ang drama series na nakapagtala ng pinakamataas na viewer ratings sa South Korea.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 11, 2024




Nagkaroon ng collaboration ang K-pop star na si Sandara Park at si Apl.de.Ap para sa isang bagong single na may pamagat na "2 Proud!"


Inilabas ng miyembro ng Black Eyed Peas ang music video ng kanilang collab song na nag-umpisa sa rap verse ni Apl.


Tampok sa music video ang '50s vibe aesthetic at soft color palette.


Sa isang press release, sinabi ni Apl na ginawa nila ni Sandara ang kanta sa kasagsagan ng pandemya.


"Sandara was amazing on this track. We had made it during the pandemic but she was a star through everything. The song is a bit of a departure from a lot of what you'd expect from a Black Eyed Peas member, but I listen to a lot of different kinds of music. I hope you enjoy it too," pahayag ni Apl.


Samantala, sinabi ng dating miyembro ng 2NE1 na puno ng kasiyahan at tuwa ang pagtatrabaho niya kasama si Apl.


"As a huge fan of his music, working on this project was filled with excitement and joy. Even though we had to do everything far off separately due to the pandemic, we finally made it and the song came out super great," aniya.


Sa ngayon, 120,000 na ang views ng music video sa YouTube.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page