top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 8, 2024





Nagkaroon muli ng bonding ang mga members ng legendary ex-K-Pop group na 2NE1 na sina Sandara Park at Minzy.


Sa Instagram, ibinahagi ng K-pop star na si Dara ang isang video clip ng pagsayaw nila ni Minzy sa kantang “Clumsy” ni Fergie, sa Greenbelt, Makati.


“Clumsy sisters in Manila,” saad ni Dara sa caption.


Sa ngayon, wala pa silang inaanunsiyo na dahilan ng kanilang pagbisita sa Manila.


Gayunpaman, iniisip ng mga fan na sila ay nagre-recording para sa isang bagong vlog o palabas.


Marami ring fans ang nakakita kina Dara at Minzy sa Laguna, pati na rin sa Rockwell, Makati.


Hindi ito ang unang pagkakataon na nakita ang dalawang K-Pop idol na magkasama. Noong Hulyo ng nakaraang taon, nagsama silang muli para sa isang dance challenge sa TikTok. Sinayaw nila ang "Festival," na isa sa mga kanta mula sa debut solo EP ni Sandara.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | April 7, 2024




Sinorpresa ng BTS member na si J-Hope ang mga ARMYs nang ilabas niya ang isang dance cover ng pinakabago niyang kanta na “Neuron.”


Sinayaw niya ito habang naka-military suit.


Sa Instagram, ibinahagi ng BTS lead rapper ang 48-second video ng kanyang pagsayaw, habang siya'y nasa “Hope on the Street” pop-up store sa Seoul.


“You can do it in just 3 minutes!” saad ni J-Hope sa Korean, na isinalin sa English ng Instagram.


Inilabas ni J-Hope ang “Neuron” na kabilang sa kanyang pinakabagong solo album na “Hope in the Street Vol 1” noong Marso.


Noong April 2023, siya ay naging ikalawang BTS member na pumasok sa South Korean military.


Sa kasalukuyan, nasa military ang lahat ng miyembro ng BTS at inaasahan ang pagbabalik nila bilang isang grupo sa 2025.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 22, 2024




Pasok ang digital single ni Kim Taehyung o mas kilala bilang V ng K-pop group na BTS sa Official Singles Chart sa unang pagkakataon dahil sa kanyang kantang "FRI(END)S".


Ang kanyang nasabing single ang highest-ranking na kanta ngayon sa chart na tumalo sa opisyal na debut single niyang "Slow Dancing".


Samantala, nag-No. 1 din sa Official Singles Downloads Chart at No. 2 naman sa Official Singles Sales chart ngayong linggo ang kanyang new single.


Inulan naman ng suporta ng 'ARMY' ang tagumpay ng singer at nagpaabot sila ng kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng mga uplifting and sweet comments.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page