top of page
Search

ni Eli San Miguel @K-Buzz | July 10, 2024



Showbiz news


Lubos na pinagsisisihan ng K-Pop superstar na si Jennie ng BLACKPINK ang kanyang paghithit ng vape sa Italy. Naglabas ng paumanhin nitong Martes ang kanyang management label na Odd Atelier Entertainment patungkol sa kanyang indoor na paggamit ng vape.


“We sincerely apologize to everyone who felt uncomfortable with Jennie’s actions in the content released on the 2nd,” saad sa pahayag. Dagdag nito, “Jennie acknowledges and deeply regrets her mistake of vaping indoors and causing inconvenience to the staff.


Jennie has personally apologized to all the staff on-site who may have been affected.” “We apologize to her fans who have been disappointed through this incident. We hope to prevent this from reoccurring in the future,” sabi pa sa paumanhin.


Noong Hulyo 2, ipinost ang isang video sa YouTube channel ng K-Pop superstar na nagpapakitang siya'y nasa Capri, Italy.


Sa video, ipinunto ng mga nagagalit na netizen na nakita nilang gumagamit ng vape si Jennie habang kasama ang kanyang mga staff, kaya naman agad itong naging kontrobersyal. Sa ngayon, burado na ang nasabing video clip.

 
 

ni Eli San Miguel @Entertainment News | June 11, 2024



Showbiz Photo

Inanunsiyo ng BigHit music ngayong Martes ang isang nakatutuwang balita para sa mga ARMY. Sa isang pahayag sa Weverse, inihayag ng BigHit na nakatakdang magtapos ng military service si Jin ng BTS sa Hunyo 12.


"Please note that the discharge day is reserved for military personnel only. No special events are planned on the day of Jin’s discharge. To prevent any issues arising from overcrowding, fans are strongly advised to refrain from visiting the site. Please convey your warm regards and encouragement in your hearts," saad sa pahayag ng management company.


"We are always grateful for your unwavering love and support for Jin. Our company will continue to put our utmost effort into supporting our artists. Thank you once again for your continued love and support for BTS," dagdag pa nito. Si Jin ang unang miyembro ng BTS na nakatapos ng military service.


Matatandaang nag-enlist siya noong Disyembre 2022. Bago ang kanyang pagpasok sa military, nagkaroon siya ng opisyal na solo debut sa kantang "The Astronaut" na isinulat kasama ang Coldplay, at agad na nakapasok sa music charts ilang sandali matapos itong ilabas.


Sa ngayon, ang iba pang mga miyembro ng BTS ay aktibo pa ring nagsasagawa ng military service. Nakatakda namang magtipon muli ang grupo sa 2025.

 
 

ni Eli San Miguel @Entertainment | May 27, 2024


Nagsama-sama ang dati at kasalukuyang mga miyembro ng Super Junior sa kasal ni Ryeowook, na umantig sa puso ng mga fans.


Matagal na rin mula nang huling nagkasama ang buong grupo, na noon pang 2009.


Ipinost ni Chris Lee ng SM Entertainment ang isang heartwarming photo ng Super Junior sa Instagram.


“Super Junior assemble,” nakasaad sa caption.


Kasama rito ang 15 na miyembro, kabilang si Ryeowook at ang kanyang asawa, ang dating miyembro ng TAHITI na si Ari, pati na rin ang kasalukuyang aktibong mga miyembro na sina Leeteuk, Kim Heechul, Yesung, Shindong, Eunhyuk, Donghae, Choi Siwon, at Kyuhyun.


Naroon din si Sungmin, na pansamantalang naka-hiatus, kasama ang dating mga miyembro na sina Kangin, Kim Ki Bum, at Hangeng.


Dumalo rin sa kasal sina Henry Lau at Zhoumi ng Super Junior M.


Nagsimula ng karera bilang mga K-Pop idols ang Super Junior noong 2005 na may 13 miyembro. Noong 2008, nag-debut ang Chinese sub-unit na Super Junior M kasama sina Henry at Zhoumi.


Naging isa sa mga pinakamatagumpay na second generation K-Pop groups ang Super Junior na may mga hit na tulad ng "Sorry Sorry" at "Mr. Simple."


Itinaas ng National Disaster Center ang bilang sa 2,000 sa isang sulat sa UN noong Linggo na inilabas sa publiko nitong Lunes. Sinabi rin sa liham na nagdulot ng malaking pinsala sa mga gusali at taniman ng pagkain ang pagguho.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page