top of page
Search

by Eli San Miguel @K-Buzz | July 16, 2024



File photo

Dinala ng sikat na 4th generation K-Pop girl group na NMIXX ang kanilang "mix pop" vibe sa British Summer Time (BST) Hyde Park Festival sa London nitong Linggo.


Nagsagawa ng main stage performance ang anim na miyembro ng grupo na binubuo nina Haewon, Lily, Sullyoon, BAE, Jiwoo, at Kyujin. Ito ang unang pagkakataon nilang mag-perform nang live sa isang historical park.



"When I heard that we were performing in this historical park, like, even just visiting here would have been fun but performing here is so crazy," pahayag ng vocalist na si Lily sa isang post-show backstage interview.


"We honestly don't have a lot of experience with festivals but this time we were lucky enough to perform with a band," dagdag pa niya. Nag-debut ang NMIXX nu'ng 2022 at mula noon ay nakapaglabas na sila ng dalawang extended play records, tatlong single albums, at nagkaroon ng maraming tours sa buong Asia at United States.


Kamakailan, ang kanilang group track na "Love Me Like This" ay lumagpas na sa 100 million streams sa Spotify, kasama ang "O.O" at "DASH" na nakamit ang 200 million streams sa digital music platform.

 
 

ni Eli San Miguel @K-Buzz | July 13, 2024


Showbiz news
Photo: Wi Ha Jun / IG

Makakatanggap na naman ng good news ang mga Pinoy K-Wave fans dahil nakatakdang bumisita sa Manila ang “Squid Game” star na si Wi Ha-jun para sa isang fan meeting.


Isasagawa ng aktor ang kanyang fan meeting na may pamagat na "A Wively Day" sa Setyembre 15 sa New Frontier Theater.


Sumikat si Wi Ha-jun sa kanyang karakter bilang pulis na si Jun-ho sa "Squid Game" ng Netflix. Naging most-watched ang nasabing series sa buong mundo sa Netflix, na nakasungkit ng higit sa 142 milyong miyembro at 1.65 bilyong oras ng panonood sa unang apat na linggo nito.


Lumabas din siya sa mga pelikulang "Gonjiam: Haunted Asylum," "Shark: The Beginning," at "Midnight," pati na rin sa mga drama na "Something in the Rain," "Romance Is a Bonus Book," "18 Again," "Little Women," at "Worst of Evil."


Matatandaan na huling bumisita si Wi Ha-jun sa Pilipinas noong Mayo ng nakaraang taon.

 
 

ni Angela Fernando @K-Buzz | July 11, 2024



Showbiz news

Iniulat kamakailan sa isang Korean media na ang sikat na mukbang YouTuber na si Tzuyang ay naging target ng pangingikil o “blackmailing,” at napag-alamang ang grupong “Tow Truck Union” ang mga suspek.


Sa slang ng Korea, ang terminong “reg-ka,” na direct translation ay “tow truck,” ang alyas ng mga YouTube account na nagpapalaganap ng negatibong opinyon tungkol sa mga kilalang personalidad sa pamamagitan ng video content na nagbabahagi ng mga impormasyong walang basehan.


Binubuo ang nasabing union ng mga YouTuber nina Hwang Chul Soo, Gujeyeok, Crocodile, Gango, Carancula, Uhm Tae Woong, at iba pang mga personalidad na hindi pinangalanan.


Sinasabing ang union ay nangingikil ng milyun-milyong won mula kay Tzuyang at binabantaan ito gamit ang kanyang nakaraan. Lumabas sa isang voice recording mula sa isang tawag na direktang binabantaan ni Gujeyeok ang mga tauhan ni Tzuyang.


Ipinagyabang pa ni Gujeyeok na nakabili sila ng bagong GV80 na kotse gamit ang perang kinita nila sa ganitong paraan. Dagdag pa nila, si Tzuyang ay nagbibigay ng ₩6.00 million KRW (humigit-kumulang $4,340 USD) kada buwan sa mga babae na dati niyang kasamahan bilang hush money.


Ipinahayag din nilang hindi sila natatakot na mademanda, dahil maliit lamang ang danyos kumpara sa perang kinikita nila mula sa sikat na Youtuber. Kilala si Tzuyang na isang malaking mukbang YT channel na may 10-milyong subscribers sa buong mundo habang may 192k lang na tagasunod si Gujeyeok.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page