top of page
Search

ni Justine Daguno - @Life and Style | July 03, 2021



ree

Maituturing na ‘traitor disease’ o traydor na sakit ang diabetes, na kung mapababayaan ang mga sintomas at komplikasyon ay maaari itong mauwi sa kamatayan ng pasyente. Bukod sa COVID-19, marami pang sakit ang kailangang bantayan upang mapanatiling maayos ang ating kalusugan.


Kaya naman, ayon sa mga eksperto ay mahalaga ang regular na pagkakaroon ng glucose monitoring nang sa gayun ay mapananatiling ‘controlled’ ang ating blood sugar.


Kaugnay nito, narito ang ilang ‘key warning signs’ o mga senyales na dapat nating bantayan upang maiwasan ang panganib ng nasabing sakit:

1. MADALAS MAUHAW AT MAIHI. Tumataas ang blood sugar kapag ang pasyente ay nakararanas madalas na pagkauhaw o ‘unusual drinking’, kumpara sa nakasanayang pag-inom ng tubig. Paliwanag ng mga eksperto, sa pagtaas ng asukal sa dugo, napipilitang magtrabaho nang husto ng kidney. At ang sobrang asukal sa dugo ay nailalabas sa pamamagitan ng pag-ihi, kung kaya’t nagiging madalas itong nagagawa ng pasyente.


2. PALAGING GUTOM PERO BUMABABA ANG TIMBANG. Karamihan sa mga taong mayroong hindi kontroladong blood sugar ay nagiging magugutumin—ito ay tinatawag na polyphagia. Bagama’t madalas ang pagkain, nababawasan naman ang timbang na marahil ay dahil ang lebel ng blood sugar ay masyadong mataas.


3. PAKIRAMDAM NA SOBRANG PAGOD NA PAGOD. Dahil hindi balanse ang timbang at gana sa pagkain, maaaring makaranas ang pasyente ng sobrang pagod o ‘yung pakiramdam na wala nang ganang kumilos o gumalaw-galaw. Kapag ang katawan ay hindi maayos na nakapagpo-proseso ng insulin o hindi sapat ang insulin, nauubusan ng energy ang mga cells na siyang dahilan ng panghihina ng katawan.


4. NAGKAKAROON NG PANLALABO NG MGA MATA. Ang pagkakaroon ng malabong paningin ay isa rin sa mga senyales na dapat bantayan. Ayon sa pag-aaral, ang mataas na lebel ng ng blood sugar ay nakapagdudulot ng pamamaga ng mga mata. Ito ay dahil sa sobrang likido nito. Ang nasabing likido ang dahilan kung bakit nagbabago ng hugis ang lens, kung kaya’t nawawala pokus na siyang dahilan ng panlalabo ng paningin.


5. NAKARARAMDAM NG PANGINGINIG AT PAMAMANHID. Ilan pa sa mga senyales ay ang madalas na panginginig o pamamanhid ng mga kamay at paa. Tulad ng nabanggit, ang hindi kontroladong blood sugar ay nakapagdudulot ng nerve damage o mas kilala bilang diabetic neuropathy. Bagama’t ang neuropathy ay common na sa mga matagal nang may diabetes, maaari pa rin itong pantukoy na may diabetes nga ang pasyente.


6. MAYROONG PAMAMAGA O PAGDURUGO NG GILAGID. Maituturing din na komplikasyon sa diabetes ang gum disease o ‘yung pamamaga at pagdurugo nito. Ito ay dahil kapag may diabetes, ang kakayahan ng katawan na labanan ang mga impeksiyon ay bumababa dulot ng hindi makontrol na asukal sa katawan.

Bantayan ang mga senyales na ‘to, hindi lang para sa pansariling kalusugan kundi maging sa kapakanan ng ating mahal sa buhay. Gets mo?

 
 

pampaganda pa ng tulog at digestion!


ni Justine Daguno - @Life and Style | June 24, 2021



ree

Knows n’yo ba bukod sa masarap na dessert ay kilala ring pampaseksi at pampabyuti ang avocado? Ayon sa New York Times best-selling author na si Frank Lipman, MD, ang avocado ay isa sa mga tinaguriang “little miracle foods”, sapagkat nagtataglay ito ng napakaraming bitamina na nagbibigay ng magagandang benepisyo, hindi lang sa katawan kundi maging sa ating isipan. Ano nga ba ang mangyayari kung araw-araw tayong kakain ng avocado?

1. GOODS SA CHOLESTEROL. Bagama’t ang katamtamang laki nito ay nagtataglay ng 113 calories at 10 grams fats — ang fats na ito ay maituturing na monounsaturated fat o “good fats”. Ito ay nagsu-supply ng good HDL cholesterol habang nagpapababa naman ang bad LDL cholesterol sa katawan.


2. OKS SA DIGESTION. Ang kalahati ng avocado ay mayroong halos 5 grams ng dietary fiber (depende sa laki). Ayon sa nutritionist, kung araw-araw ang pagkonsumo ng avocado, maiiwasan ang constipation o mapapanatili ang malusog na digestion. Oks umano itong ihalo sa ibang pagkain o gawing salad.


3. PANLABAN SA SAKIT AT IMPEKSIYON. Mayaman din sa Vitamin B ang avocado, na siyang panlaban sa mga sakit at impeksiyon. Ito rin ay nagtataglay ng Vitamins C at E, plus meron ding natural plant chemicals na panlaban naman sa cancer. Meron din itong antioxidant phytochemicals (tulad ng lutein at zeaxanthin), na panlaban naman sa katarata at macular degeneration.


4. PAMPASARAP NG TULOG. Bukod sa mga nabanggit na bitamina, loaded din ito ng magnesium (19.5 milligrams), na itinuturing na anti-stress nutrient na kailangan upang magkaroon o ma-maintain ang magandang tulog.


5. PANG-NATURAL GLOW. Glowing skin, maganda at malinaw na mga mata at shiny hair. Ilan lamang ito sa mga perks kung araw-araw tayong kakain ng avocado. Ang fat-soluble vitamins at monounsaturated fats ay kailangan ng ating katawan upang mapanatili itong maganda at nasa maayos na kalagayan.

Next time na maggo-grocery o mamamalengke tayo ay isama na ‘to sa listahan. Imagine, may vitamins na, may pang-skin care pa. Gets mo?

 
 

ni Justine Daguno - @Life and Style | June 03, 2021



ree

Kasunod ng napakainit na panahon, halos maya’t maya na rin ang pagdating ng ulan ngayon. Tipong kung walang patayan ang electric fan at aircon noon, halos hindi na ito bubuksan ngayon dahil malamig na. Well, bagama’t wala pang opisyal na ‘rainy season’ na nga, dapat palagi pa rin tayong ready. Kaya naman, narito ang ilan sa mga tips natin:


1. PALAGING MAGDALA NG PAYONG AT JACKET. Hindi tayo water-proof kaya ugaliing magdala ng mga gamit panangga tulad ng payong, jacket, kapote at iba pa. Magdala ng mga ito umulan man o hindi dahil hindi natin alam kung kailan ito bubugso. Huwag hayaang mabasa ang sarili, bawal magkasakit sa panahon ‘to.

2. KUMAIN NG MASUSUSTANSIYA AT UMINOM NG VITAMINS. ‘Ika nga, “Prevention is better than cure.” Huwag hayaang magkasakit muna bago alagaan ang sarili. Ugaliing kumain ng masusustansiyang pagkain at uminom din ng bitamina nang sa gayun ay makasisiguro tayong malakas ang ating resistensiya.


3. MAG-STOCK NG PAGKAIN. Mahirap mamalengke o mag-grocery kapag umuulan, bukod sa hassle dahil basa at ‘messy’ ang mga daan, mahirap din naman ang labas nang labas dahil nagkalat pa rin sa paligid ang nakahahawang virus. Kung may budget at time ay mamili ng mga kailangan, at iwasan na ang pakikipagsabayan sa iba.


4. IHANDA ANG EMERGENCY KIT. Siguraduhing may ‘go bag’, kung saan narito ang mga basic supply tulad ng mga de-lata, bottled water, flashlight, at ekstrang damit. Ilagay din ang mahahalagang dokumento at sapat na pera. Siguraduhing ilalagay ito sa ‘accessible’ o sa lugar na madali itong makikita at makukuha kapag may hindi magandang pangyayari o sakuna dulot ng panahon.


5. I-CHARGE PALAGI ANG CELLPHONE. Madalas ang brownout o pagkawala ng kuryente kapag ganitong tag-ulan. Huwag hayaang ma-‘deadbatt’ o mawalan ito ng battery dahil malaking bagay ang telepono o cellphone kapag may emergency. Gayundin, i-charge ang power bank, flashlight at iba pang kapaki-pakinabang na bagay.


6. PALAGING MAKINIG NG BALITA. Ugaliing tumutok palagi sa balita nang sa gayun ay palaging updated sa mga kaganapan sa paligid. Makabubuti na alam natin ang mga nangyayari para alam din natin ang mga hakbang na ating gagawin sakaling may aksidente.


Sa panahon ngayon, kailangan na palagi tayong handa sa mga puwedeng mangyari. Bukod sa pagsunod sa mga health protocols para manitiling COVID-free, dapat ready din sa epekto ng panahon. Tandaan, iba pa rin ang may alam. Gets mo?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page