top of page
Search

Sapal mula sa brewed coffee, puwedeng pantanggal ng eyebags, fertilizer at pesticide

ni Justine Daguno - @Life and Style | January 27, 2021


ree


Paniguradong marami sa atin ang hindi buo ang araw kapag hindi nakakainom o nakakakonsumo ng kape. ‘Ika nga, ‘Kape is life’ sila. ‘Yung tipong nagsisilbi itong ‘battery’ ng katawan para makapag-function sa buong maghapon. Truly naman na isa ang kape sa mga pinaka-useful na bagay.


Pero, bukod sa pampagising o pampasigla, knows n’yo ba na marami pang pakinabang ang kape? Narito ang ilan sa mga cool uses ng grounds o ‘yung sapal mula sa brewed coffee:

  1. PANLINIS NG FRIDGE O SASAKYAN. Ang used coffee grounds ay epektib na panlinis sa refrigerator o sasakyan, partikular ang car seat. Ilagay lamang ang mga ito sa pantyhose o ibalot sa tela saka simulan ang paglilinis. Bukod sa talagang naaalis nito ang mga dumi, nakatatanggal din ito ng hindi magandang amoy mula sa mga gamit.

  2. ALTERNATIBONG PESTICIDES. Oks din na pesticides ang used coffee grounds dahil ang mga ipis, snails at iba pang peste ay ayaw sa amoy nito. Kaya naman, para sa mga plantita’t plantito r’yan, puwede kayong maglagay nito sa paligid ng inyong mga halaman para iwas-peste ang mga ito in a natural way!

  3. FERTILIZER. Bukod sa oks na pantaboy sa mga peste, puwede rin itong gawing fertilizer sa dalawang paraan — napapataas ng used coffee grounds ang level ng nitrogen sa lupa at naka-a-attract ito ng worm o bulate. Gayunman, bago gumamit nito bilang fertilizer ay mag-research muna dahil hindi lahat ng halaman ay oks gamitan ng kape.

  4. PANG-SHAMPOO SA PET. Dahil nakatatanggal ng insekto ang used coffee grounds, puwede rin itong pang-remedyo sa mga alaga nating hayop na mayroong peste, tulad ng pulgas sa aso. Ihalo lamang ang grounds sa shampoo nito at ibabad ng ilang sandali o hanggang sa kusang lumabas o maalis ang mga pulgas nito. Siguraduhin lamang na mababanlawan ito nang maayos para hindi mairita ang ating alagang hayop.

  5. PANTANGGAL NG EYEBAGS. Ang caffeine sa coffee grounds ay puwede ring maging skincare dahil nakatatanggal ito ng eyebags o puffy eyes. Ilagay lamang sa tubig ang coffee grounds saka ihalo ito hanggang sa maging paste, saka ilagay sa paligid ng mata o gawing eyemask. Ibabad ito ng 5 hanggang 10 minuto bago banlawan.

  6. DIY REMEDY SA CELLULITE. Puwede ring pang-DIY (do-it-yourself) remedy sa cellulite ang used coffee grounds. Ihalo lamang ito sa olive oil saka gawing body scrub. I-massage ang mixture nito sa cellulite area saka ibabad ng ilang minuto bago banlawan. Puwede itong ulitin o regular na gawin hanggang sa tuluyang mawala ang cellulite.

Goods pala talaga ang kape dahil hindi lang ito basta nagbibigay ng energy, kundi wala talagang tapon. Kaya next time na magbu-brew kayo nito ay itabi na ang mga sapal dahil puwede itong pakinabangan sa ibang paraan. Okay?

 
 

ni Justine Daguno - @Life and Style | January 25, 2021


ree


Isa ka ba sa mga mahilig pumapak ng keso? ‘Yung tipong, bet na bet mo hindi lang panlagay sa pizza o pang-toppings sa spaghetti kundi papapakin talaga ito nang walang ibang halo?


Well, masarap naman talaga ang cheese, pero alam n’yo ba na hindi lang ito good sa lasa kundi siksik din ito sa mga bitamina na kailangan ng ating katawan?


Narito ang ilan sa mga health benefits ng cheese:

  1. NAKATUTULONG NA PIGILAN ANG OSTEOPOROSIS. Ang keso ay kabilang sa mga dairy products na pangunahing pinagkukunan ng calcium—isang uri ng mineral na nakapagpapatibay ng ating mga buto. Ayon sa World Health Organization (WHO), nasa 400 hanggang 500 mg ang minimum calcium na kailangan ng katawan kada araw upang maiwasan ang anumang sakit na may kaugnayan sa buto, tulad ng osteoporosis.

  2. OKS SA ORAL HEALTH. Ang keso rin ay nakatutulong upang mapanatiling malusog ang ating mga ngipin. Well, hindi lamang nito pinatitibay ang mga ngipin kundi pinoprotektahan pa sa decay o anumang banta ng pagkasira.

  3. PAMPIGIL NG COMMON CANCERS. Ayon sa pag-aaral, malaki ang naitutulong ng pagkonsumo ng keso para maiwasan ang cancer risk, tulad ng colorectal cancer.

  4. GOOD SA MGA BUNTIS. Para sa mga buntis, oks na kumain kayo ng keso dahil hindi lamang ito nakatutulong sa magandang develop ng baby, kundi maging sa inyo rin mismo. Nasa ng 1,500 hanggang 2,000 mg kada araw ang kailangang calcium ng mga buntis para maiwasan ang iba’t ibang sakit.

  5. PAMPALAKAS NG IMMUNE SYSTEM. Ang cheese, partikular na ang gouda ay oks na pampalakas ng immune system dahil ito ay sagana sa probiotic bacteria na siyang nakatutulong upang mapalakas ang ating resistensiya.

Sa kabila ng mga nasabing mabuting benepisyo, tandaan na ang sobra ay hindi tama. Sabihin man na paborito natin ang keso, tulad ng ibang pagkain o inumin, dapat ay moderate pa rin ang pagkonsumo nito para all goods tayo. Gets mo?

 
 

ni Justine Daguno - @Life and Style | January 20, 2021


ree


Moving out!


Iba talaga ang experience at aral na natutunan kapag naranasan nating bumukod ng tirahan. ‘Yung tipong malaya tayo na gawin ang lahat—kabi-kabilang desisyon na walang ibang responsable kundi ikaw lang.


Kung exciting at challenging ang bumukod nang mag-isa, ibang level naman kapag may roommates na. Masuwerte kung magkakakilala o may pinagsamahan na kayo, pero kapag bago pa lang sa isa’t isa ay talagang kapaan ng personalidad ‘yan.


Pero worry no more dahil narito ang five easy tips para maging oks na oks na roommate tayo!


  1. MAGING MALINIS. Ang pagiging malinis, hindi lang sa katawan kundi maging sa paligid ang pinaka-unang dapat matutunan kapag may roommate o nagre-rent nang may kasama dahil ang pagiging salaula o makalat ang isa sa mga pangunahing dahilan ng away. Matutong maging malinis at magligpit, hangga't maaari ay magkusa pero dapat may limitasyon kung saan iwasang i-tolerate ang katamaran ng mga kasama.

  2. ‘WAG MAGPA-DELAY NG RENTA. Sa pagbabayad ng renta, kapag late ang isa ay late na rin ang lahat. Mabuti sana kung considerate ang tenant, walang penalty. Totoo namang hindi maiiwasan ang kakapusan sa pera, pero sa ganitong sitwasyon natin dapat natututunan ang kahalagahan ng pagtitipid at pagtupad sa obligasyon. Sikaping makabayad sa renta, iwasang maging abala sa iba.

  3. ‘WAG MASYADONG MAINGAY. Ang ‘good roommate’ ay marunong magpatulog o hindi istorbo sa katahimikan ng iba. May mga roommate tayong halos tulog lang ang pahinga kaya maging sensitive at considerate. Alamin kung kailan puwede mag-ingay at kung kailan dapat manahimik.

  4. MAGPAALAM BAGO MAGDALA NG BISITA. Hindi porke gusto nating meron tayong bisita ay gusto na rin ito ng ating ibang mga kasama. Bago magpapunta ng kahit sino, siguraduhing nakahingi ng consent sa mga roommate bilang respeto sa privacy ng mga ito.

  5. MAKIPAG-COMMUNICATE. Mahalaga ang pakikipagkomunikasyon kapag may kasamang ibang tao sa bahay. Hindi dahilan na tahimik ang ating personalidad kaya hindi na tayo kikibo sa lahat ng pagkakataon. Tandaan na kapag kulang sa komunikasyon, madalas ang hindi pagkakaintindihan na nagdudulot ng ‘toxic environment’ na ayaw nating lahat.


Sa bahay nagsisimula ang lahat—nade-develop ang personality o ugali. Pero hindi ibig sabihin nito ay ganito lamang tayo kahit mapadpad sa ibang lugar. Importante ang ‘adjustment’ sa lahat ng pagkakataon. ‘Ika nga, kung hindi ka marunong makisama, dapat sikapin mo na magkaroon ng sariling espasyo kung saan walang ibang masusunod kundi ikaw lang mismo. Gets mo?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page