top of page
Search

ni Justine Daguno - @Life and Style | June 13, 2021




Lumabas ang pagiging madiskarte nating mga Pinoy dahil sa pandemya, masuwerte ang mga nanatili sa kani-kanilang regular na trabaho, pero dahil maraming nagsaradong negosyo, nauso nang sobra ngayon ang mga online business. May ilan na ginawang negosyo ang kanilang mga hilig sa buhay tulad ng baking, pagluluto, pagdo-drawing at marami pang iba. Kaya naman, para mas ma-promote ang inyong business online, narito ang ilan sa mga puwede nating gawin:

  1. PALAKASIN ANG SOCIAL MEDIA. Halos lahat tayo ay mayroong social media account at marami sa atin ang malaki ang oras na naigugugol dito. Kung ikaw ay may business, siguraduhing active ang lahat ng iyong social media accounts nang sa gayun ay madaling makikita o makikilala ng mga tao ang iyong produkto kahit nasa malayong lugar man sila.

  2. SUBUKANG MAG-BLOG. Maaari ring gumamit ng blogging sa libreng pagpo-promote ng negosyo online. Kilalaning mabuti ang iyong produkto nang sa gayun ay madali itong maipakikilala sa publiko.

  3. MAG-JOIN SA MGA ONLINE COMMUNITY. Bukod sa pagpo-post gamit ang sariling account, oks din kung sasali sa mga online community, tulad ng mga barter, buy & sell at iba pa na may kaugnayan dito. Sa ganitong community, marami ang mga nakare-relate at talagang susuporta sa inyong negosyo.

  4. GAMITIN ANG KONEKSIYON. Iba pa rin ang nagagawa ng ‘support system’ sa negosyo. Hangga’t kaya humingi ng tulong sa mga kaibigan o kakilala, gawin ito para mas makahikayat ng mas maraming customer.

Dahil parte na ng araw-araw ang teknolohiya, ‘ika nga ay ‘i-embrace’ na lang ito. Lahat ng diskarte ngayon ay mahalaga at malaking bagay ito para maka-survive sa pang-araw-araw na pangangailangan. Good luck!


 
 

ni Justine Daguno - @Life and Style | April 07, 2021




Kasabay nang pagpasok ng tag-init ay mas maraming bagay ang kailangan nating pag-ingatan o bantayan. Bukod sa madalas nangyayari ang sunog, mas mataas din ang kaso ng rabies sa ganitong panahon kung saan iretable ang mga hayop, partikular ang mga aso at pusa.


Tuwing tag-init ay maraming nakakalmot o nakakagat ng aso at pusa kahit sariling alaga pa dahil marami sa mga ito ay aburido o wala sa tamang kondisyon kaya hindi dapat basta kinukulit o hinaharot.


Kaugnay nito, narito ang ilan sa mga paraan upang mapanatiling kalmado o stress-free ang ating mga alagang hayop:


1. ‘WAG KALIMUTAN ANG TUBIG. Kailangang hydrated ang mga pet nang sa gayun ay hindi sila madaling mairita. Maaaring maglagay ng sapat na dami ng tubig o ice cube sa kanilang inuminan para sure na presko ang kanilang pakiramdam anumang oras.

2. SAMAHAN SA PAGLALAKAD-LAKAD. Mahalaga rin na magkaroon ng regular na ehersisyo ang mga alaga nating hayop. Bukod sa pakikipaglaro ay siguraduhing makakapaglakad-lakad sila. Pero iwasan ang paglalakad-lakad sa tanghali o sa kasagsagan ng init ng araw—mas oks kung sa umaga o sa gabi ito gagawin.


3. ‘WAG KALIMUTANG MAKIPAG-BONDING. Ang mga alaga nating hayop ay parang tao rin na kailangan ng oras, kaya ‘wag kalimutang makipag-bonding sa kanila. Isa pa, magandang paraan ito para mapanatili ang kanilang magandang mood at attitude.


4. SIGURADUHING REGULAR ANG GROOMING. Bagama’t may kakayahang makapaglinis ng sariling katawan ang mga alaga nating hayop, kailangang siguraduhin pa rin nating regular ang kanilang grooming, tulad ng regular na pagpapaputol ng mga kuko, pagpapaligo, pag-trim ng balahibo at iba pa.


5. BANTAYAN ANG SINTOMAS NG HEAT STROKE. Hindi lamang tao ang maaaring makaranas ng heat stroke, kundi maging ang mga alaga nating hayop. Nangyayari ang heatstroke sa mga pet kapag naisawalambahala o hindi agad napansin ang mga senyales. Ang ilan sa mga sintomas nito ay sobrang pagkahingal, mabilis na tibok ng puso, pagsusuka o diarrhea, pagkawala ng malay at iba pa. Kapag napansin ang ilan sa mga sumusunod ay pumunta agad sa beterinaryo.

Natural na mairita o mawala sa mood ang mga pet, kaya bilang pet owner ay kailangang alam natin ang mga dapat gawin para maiwasang ma-trigger o lumala ito. Hindi lamang tayo at ang mga alaga natin ang magbebenepisyo rito, kundi sa ibang tao ay hindi rin ito makakapamerhuwisyo.

 
 

ni Justine Daguno - @Life and Style | March 22, 2021


Napakainit! truly, hindi pa man totally naide-deklarang 'summer' ay damang-dama na talaga natin ang super-init na panahon. Pero kasabay nito, maging maingat sa lahat ng pagkakataon. Bukod sa dapat mas maging health conscious, siguraduhin din na safe ang ating tirahan, partikular sa sunog na mas dumadalas kapag ganitong mainit ang panahon.

Kaya naman, narito ang ilan sa ating fire safety tips:


MAG-INSTALL NG FIRE PROTECTION. Kung may budget, sobrang oks kung magpapalagay ng smoke alarms. Bukod sa sure ang safety, hassle-free pa.


DAPAT MAY ESCAPE PLAN. Ang sunog ay unwanted guests na basta na lang darating kapag hindi mahigpit ang pag-iingat kaya dapat tayong maging handa. Siguraduhing may escape plan kapag may sunog. Alamin ang mga puwedeng daanan at siguraduhing magagamit ito anumang oras.


ITAGO NANG MAAYOS ANG MGA POSPORO/LIGHTER. Tandaan na ang mga ito ay hindi dapat ipinalalaro o basta ipinagagamit sa mga bata. Ipaliwanag nang maayos na ang mga ito ay maaaring magdulot ng sunog o sakuna kapag hindi nagamit nang tama. Kapag ginamit ang mga ito, siguraduhing itatabi ito sa lugar na hindi madaling makita o mapaglalaruan ng mga bata.


MAGDOBLE-INGAT KAPAG NASA KUSINA. Ang pag-iingat na dapat gawin sa kusina ay dapat ginagawa nang higit pa kaysa kapag nasa ibang lugar sa bahay. Kapag bago at pagkatapos magluto, siguraduhing i-check ang gas at kalan. 'Wag din basta iwan ang mga niluluto, kung maraming distractions, mas oks kung ipagpaliban na lamang ito.


UGALIING I-CHECK ANG MGA APPLIANCES. Dahil mainit ang panahon, mabilis din uminit ang ilang gamit sa bahay lalo na ang mga appliances na madalas gamitin tulad ng electric fan, TV, refrigerator etc. kaya't dapat itong i-check nang madalas. Bago umalis ng bahay, patayin ang mga ito at tanggalin nang maayos sa saksakan.


Mas oks na paranoid at nag-iingat sa mga ganitong pagkakataon kaysa naman saka lang mare-realize kapag nangyari na. Walang pinipiling oras ang aksidente kaya mag-ingat sa lahat ng pagkakataon para walang pagsisihan sa huli. Gets mo?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page