top of page
Search

ni Justine Daguno - @Life and Style | November 5, 2020


ree


Maraming nangyari sa pagdating ng hindi inaasahang pandemya, kung saan maraming hanapbuhay ang naisakrispisyo, at maging ang sistema ng edukasyon ay lubos na naapektuhan. Malaking porsiyento sa mga estudyante ngayon ang naninibago sa setup ng klase o ‘yung tinatawag na ‘new normal’ class.


Kaya naman, kani-kanyang diskarte ang mga parents para matulungang mag-adjust si bagets. Well, isa sa mga hassle ay kung paano iisa-isahin ang mga gawin, in short, aplikasyon ng time management. Worry no more dahil narito ang ilang tips natin para r’yan:

1. MAGPLANO NANG MAAGA. Napakahalaga ng pagpaplano o paggawa ng checklist kung sasabak sa marami-raming school works si bagets. Makatutulong ito sa mga estudyante para ma-organize ang kanilang gawain na naaayon sa oras o deadline. Kailangan nilang maglaan ng panahon upang maayos ang hectic schedule.

2. ‘WAG MAG-MULTITASK. Hangga’t maaari ay iwasan ang pagmu-multitask dahil makababawas lamang ito ng productivity ng bata. Ipaalala natin sa kanila na dapat one thing at a time ang gawin, kailangan nilang mag-focus para hindi magkamali o magpaulit-ulit na siyang dahilan kung bakit mas napahahaba ang oras sa ginagawa. Make sure na ‘wag kalimutan ang checklist para hindi malito o magulo ang isip sa mga dapat unahin o tapusin.

3. LUMAYO SA DISTRACTIONS. Kailangang malayo sa iba’t ibang distractions ang ‘study area’ ng mga bata. Sa bawat ginagawa, dapat walang abala para mas madaling matapos ang task. Kapag nagsimula na sa gawain, ilayo ang cellphone kung computer ang gamit, patayin ang TV at i-mute muna ang mga social media. Tandaan na kailangan nilang matutunan ang disiplina bago ma-master ang time management.

4. BIGYAN NG REWARD. Mahalagang bigyan ng reward ang mga bata pagkatapos ng stressful na gawain sa school. Simpleng paraan ito upang ma-motivate pa sila sa mga susunod na araw at maiwasan ang burnout o sobrang pagod na nagreresulta ng kawalan ng gana sa lahat ng bagay.

5. MAGKAROON NG MAGANDANG TULOG. Sikapin na magkaroon sila ng magandang tulog, sobrang kailangan ito para magkaroon ng sapat na lakas ang kanilang katawan para harapin ang panibagong battle kinabukasan.

Kung tayong mga adult ay naha-hassle sa sitwasyon ngayon, paano pa ang mga bata na hindi pa lubos ang pang-unawa sa mga bagay-bagay sa kanilang paligid? Kailangan nila ng gabay nang sa gayun ay madali silang makapag-adjust at hindi gaanong mahirapan sa sistema sa kasalukuyan. Okie?

 
 

ni Justine Daguno - @Life and Style | October 29, 2020


ree


Kailan ba masasabing handa na ang isang tao sa pag-aasawa?


‘Ika nga nila, ang “buhay pag-aasawa” ay simpleng mga salita lamang, pero ang totoo ay major decision ito kung saan tunay na magbabago ang buhay natin sa puntong gawin ito.


Marami sa atin ang isa o kabilang ito sa kanilang timeline o plano sa buhay. Sa paniniwalang ito ang kukumpleto sa kanila o kasama sa nature ng tao ang pag-aasawa.


Sa kabila nito, anu-ano nga ba ang mga signs na hindi ka pa handang mag-asawa?

1. HINDI PA KAYANG IWAN ANG BISYO. Katwiran ng iba, nakilala mo siya ng ganyan at tinanggap mo ‘yun, kaya walang dapat baguhin. Well, isa sa mga “consequences” ng pag-aasawa ay ang pagbitiw sa bisyo sapagkat maraming aspeto ang maaapektuhan nito tulad ng finances, health at iba pa. Sa pagbuo ng pamilya, may mai-involve na bata, kaya dapat mag-adjust kayo at hindi ‘yung mga anak ang mag-a-adjust sa inyo. Kung hindi kayang iwan ang bad habit ay ‘wag ipilit, ‘wag munang mag-asawa.

2. MAY OBLIGASYON PA SA PAMILYA. Magkakaiba ang setup ng bawat pamilya. May mga masuwerte na walang responsibilidad o sarili lang ang iniintindi at meron din namang mga breadwinner. Kung may obligasyon pa sa pamilya, ‘di magandang ideya ang mag-asawa agad. Ibang usapan na kapag higit sa isang pamilya ang kailangang suportahan. Palaging alamin ang limitasyon.

3. WALA SA PLANO ANG PAGBUKOD NG TIRAHAN. Isa sa mga dapat i-consider sa pag-aasawa ay ang pagbukod ng tirahan sa parents o in-laws. Wala namang problema sa setup ng karaniwang Pinoy family na sama-sama sa iisang bubong, pero iba talaga kapag kayo lang sa bahay. Bukod sa privacy, mas maggo-grow kayo kapag walang nakikialam o nakikisawsaw sa paggawa ninyo ng desisyon, na mahalaga sa buhay mag-asawa.

4. NAG-E-ENJOY PA SA BUHAY-SINGLE. Kapag may pamilya na, limitado na ang mga bagay dahil mag-iiba na ang iyong priority. Hindi na puwedeng magpuyat sa cellphone o computer games, wala nang magdamagang inuman at hindi na rin basta makakapaggala kung saan-saan. Sulitin muna ang buhay-single dahil walang “replay button” once na nakapag-commit na sa pag-aasawa.

5. MAGKAIBA KAYO NG GOAL NG PARTNER MO. Make sure na pareho ang goal o plano ninyo sa buhay ng partner mo. Mahirap makisama sa taong malabo kausap o hindi kayo nagkakaintindihan. Bago magpakasal, siguraduhing kilala at alam mo kung paano siya mag-isip, magdesisyon o magplano para sa inyong future. Walang divorce sa ‘Pinas, samantalang malaki naman ang gastusan at mahabang proseso ang annulment.

6. WALANG SOLID NA SOURCE OF INCOME. Maraming aspeto ang kailangang siguraduhin bago mag-asawa at isa sa mga ito ay ang aspetong pinansiyal. Mag-ipon muna nang mag-ipon para sa future ninyo. Totoong hindi lahat ay umiikot sa materyal na bagay o pera, pero aminin man natin o hindi, kailangan ‘yun. Realtalk, ‘di totoo ‘yung, “If we’re hungry, love will keep us alive.”

Well, anuman ang status mo ngayon sa buhay — single, taken o complicated — tandaan na ang paggawa ng desisyon, partikular ang mga major decision ay kailangang gamitan ng isip at sapat na panahon, hindi ‘yung puro lang emosyon. Gets mo?

 
 

ni Justine Daguno - @Life and Style | October 26, 2020


ree


Trick-or-Treat. Happy Halloween!


Isa ang Halloween sa mga okasyon na super excited ang marami sa atin, partikular na ang mga bata. ‘Yung tipong may kani-kanyang pakulo ang mga parents mula sa costumes, pa-movies at iba pa, makapag-bonding at ma-enjoy lang ng kanilang mga tsikiting ang event.


Pero dahil may malaking pagbabago sa taong ito, maging ang Halloween ay apektado. Kailangang mag-ingat, kaya pass muna sa pagbabahay-bahay para makahingi ng candies.


Gayunman, narito ang ilan sa mga puwedeng gawin para makapag-enjoy pa rin si bagets kahit pandemic:

1. VIRTUAL HALLOWEEN PARTY. Kung sanay kayo taun-taon na mag-host ng Halloween party sa bahay, bawal muna ‘yan ngayon pero may alternative naman. Puwedeng kayo munang pamilya ang mag-party o subukan ang virtual Halloween party kasama ang close friends.

2. BAGUHIN ANG TRADISYON. Imbes na magbahay-bahay ang mga bata para makahingi ng candies, mag-setup na lang ng ibang klaseng “trick-or-treat”. Ilagay o itago sa iba’t ibang bahagi ng bahay ang mga candies, chocolates at iba pang sweets, saka ipahanap sa mga bata nang nagbibigay ng mga clues o parang nag-e-egg hut lang.

3. HALLOWEEN BAKING. Oks din na bonding ang pagbe-bake, siguradong mag-e-enjoy ang mga bata sa pag-a-assist sa inyo. Puwedeng mag-check ng mga Halloween pastry recipe sa social media para mas maraming idea at oks ang inyong magagawa.

4. PUMPKIN CARVING. Dahil sikat ang pumpkin tuwing Halloween at kung may budget naman, puwedeng maging bonding ng parents at bagets ang pumpkin carving. Make sure lang na iga-guide nang tama at maayos ang mga bata para iwas-aksidente. Ayos ito dahil lalabas ang pagiging creative ng mga bata habang feel na feel ang okasyon.

5. MOVIE NIGHT. Isa na siguro ito sa safest pero super nakaka-enjoy na puwedeng gawin ngayong Halloween pandemic. Ito ang panahon na masarap talagang manood ng mga horror movies o magkuwentuhan ng mga nakakatakot na experiences. Ngayon palang, gumawa na ng movie checklist na panonoorin, kung may kasamang bagets, siguraduhing nabasa o alam mo ang plot para oks sa kanila.

‘Ika nga ng marami sa atin, “worst year so far” ang taong ito sa dami ng hindi magandang nangyari at nangyayari. Pero dahil din sa taong ito, marami tayong bagay na nagawa o nagagawa na hindi natin akalain na puwede pala. Be creative at mag-enjoy lang hangga’t kaya, ka-BULGAR. Okay?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page