top of page
Search

ni Justine Daguno - @Life and Style | November 14, 2020


ree


Grabe 2020!


Unang buwan pa lamang ng taong ito, kaliwa’t kanan na agad ang mga pasabog — literal na pagsabog ng Bulkang Taal, at iba pang natural disaster, away sa pulitika, at siyempre, ang pagdating ng COVID-19 na hindi lamang sa ating bansa lubos na nakaapekto, kundi sa buong mundo. Gayunman, hindi lamang bahay o materyal na bagay at kabuhayan ang maaaring mapinsala ng hindi magagandang pangyayari, bagkus ay maging tayo mismong indibidwal ay naapektuhan.


Kaya naman, narito ang ilang paraan na maaari nating gawin upang mabawasan o maiwasan ang trauma:

  1. MAKIPAG-SOCIALIZE O HUMANAP NG SUPPORT GROUP. Ang pakikipag-usap sa iba o hindi pagsosolo ng problema ay pangunahing paraan para mapagtagumpayan ang mga negatibong epekto ng nakaka-traumang pangyayari. Maaaring humingi ng tulong o makipag-ugnayan sa mga local support groups sa inyong lungsod.

  2. GUMAWA NG SCHEDULE. Sa pagdating ng mga hindi inaasahang pangyayari, ang nakasanayang gawain ay lubos din nitong naaapektuhan kung saan ang adjustment na ating ginagawa ay nakapagdudulot ng stress. Gayunman, puwedeng gumawa ng schedule at sikaping masunod ang mga ito kahit paunti-unti. Ayon sa research, malaking bagay ang pagkakaroon ng schedule, ang productivity at pagiging organize ay isa sa mga paraan upang mabawasan ang stress dahil nababawasan ang hassle.

  3. MAG-SELF-CARE. Napakahalagang maglaan ng oras para sa sarili, ito ay importante sa ating emotional at physical health. Ang pag-aalaga ng katawan, isip, at espiritu ay maaaring dagdagan ang kakayahang makaya ang trauma. Siguraduhing kumain nang maayos, makakuha ng sapat na pagtulog at mag-ehersisyo.

  4. MAGKAROON NG HEALTHY LIVING. Tulad ng paglalaan ng panahon sa sarili, sikapin ding magkaroon ng healthy living. Iwasang uminom ng alak at paninigarilyo, bawasan ang pagpupuyat at kumain ng masusustansiyang pagkain. Ang pagkakaroon ng healthy living ay tinatawag na ‘coping strategy’ ng mga eksperto sapagkat ito ay may long-term effect upang makontrol ang emotional distress.

Sa panahon ng sakuna, normal lamang ang magkaroon ng hindi magandang pakiramdam. Sa totoo lang, walang inaasahan sa mga nabanggit, pero sa ayaw natin at sa gusto, kailangan nating ma-survive ang mga ito. Kapit lang at lakasan ng loob ang kailangan, kayang-kaya ‘yan!

 
 

ni Justine Daguno - @Life and Style | November 12, 2020


ree


Marami sa atin ang nahihilig sa pagsusuot ng alahas bilang koleksiyon, fashion style at iba pa.


Pero knows n’yo ba na ang mga ito ay hindi lamang basta materyal na bagay?

Tulad na lamang ng ginto, kung saan ang paggamit at pagsusuot ng alahas na ito ay may ilan palang benepisyo o pakinabang, tulad ng mga sumusunod:

  1. FINANCIAL SECURITY. Tulad ng diamond, silver at iba, kailanman ay hindi ito magiging disposable dahil may halaga ito hanggang sa pinakamaliit na piraso. Sa pagbili nito, hindi lamang ang iyong sarili ang makikinabang dahil maaari rin itong manahin ng susunod na henerasyon ng inyong pamilya sapagkat hindi ito nawawalan ng halaga. Gayundin, oks itong maging backup plan kapag nagkagipitan dahil maaaring itong maibenta o maisanla.

  2. PHYSICAL HEALTH. Alam n’yo ba na may naitutulong din sa aspetong kalusugan ang ginto? Ayon sa mga pag-aaral, nakatutulong ang pagsuot ng alahas na ito sa mabuting pagdaloy ng oxygen sa ating bloodstream. Kapag nakadadaloy nang maayos ang oxygen, mabuti ang dulot nito sa ating katawan. Isa pa sa magandang benepisyo nito ay nare-regulate nang maayos ang ating body temperature. Kaya naman, malaking bagay ito para sa mga nakararanas ng hot flashes at excessive sweating.

  3. MENTAL HEALTH. Kapag nakadarama ng labis na pagkapagod, nakatutulong ang alahas na ito na magbigay ng relief. Ang regulasyon sa temperatura at wastong sirkulasyon ng dugo ay makatutulong upang mapanatili ang maayos ang ating energy levels. At kapag may sapat na energy, maiiwasan ang depresyon. Ito rin ay nakatutulong upang maiwasan ang sintomas anxiety.

  4. SELF-IMAGE. Ang pakiramdam ng maganda sa araw-araw ay isa sa mga bagay na walang masama kung gagawin o hindi dapat ika-guilty. Bawat isa ay may paraan kung paano magkakaroon o ma-achieve na maging ‘feeling beautiful’. Ang pagsusuot ng gold sa katawan ay tunay na nakadaragdag ng kumpiyansa sa sarili, hindi lamang ito ‘luxury material’ na basehan ng social status, mas simbolo ito ng pagpapahayag ng ating sariling halaga.

Tunay na nakadaragdag ningning ang mga alahas sa indibidwal na nagsusuot nito. Ngunit, ang gold ay maituturing na multipurpose na alahas. Bukod sa ‘universal symbol’ ito ng rarity, purity, at kasaganahan. Hindi lamang ito fashion accessory, kundi maaaring pamana sa pamilya, natural remedy, at smart investment. Ganern!

 
 

ni Justine Daguno - @Life and Style | November 10, 2020


ree


Ayon sa pag-aaral, ang mga taong madalas makaranas ng positibong emosyon ay bihira o malayong magkaroon ng anumang uri ng sakit sa puso, kumpara sa mga taong nega o masyadong stressed sa buhay. Anila, ang positibong emosyon ay dulot ng iba’t ibang gawain o simpleng love affection. Well, anu-ano nga ba ang mga positibong emosyon na may mabuting epekto sa ating puso? NAKATATANGGAL NG STRESS ANG PAGYAKAP. Ang pagyakap o hugging at cuddling ay nakatutulong upang mabawasan ang stress hormone sa katawan. Sa pamamagitan nito, naglalabas ng hormon oxytocin sa daloy ng ating dugo, kung saan pinapababa nito ang presyon nang sa gayun ay mabawasan ang stress at anxiety ng indibidwal. PAMPABABA NG CHOLESTEROL ANG LOVE LETTERS. Ang pagsusulat o pagbabasa ng love letters ay hindi lamang nakatutuwa o nakakakilig na love affection, kundi may magandang epekto rin ito sa ating kalusugan kung saan mabisa nitong mapabubuti ang lung at liver function, pagkontrol sa presyon ng dugo at pampababa ng antas ng cholesterol. PAMPAGANDA NG DALOY NG DUGO ANG PAGTAWA. Kapag tumatawa tayo, nae-expand ang mga tissue sa ating blood vessel kaya naman, gumaganda ang daloy ng ating dugo. Sa pagtawa, napananatiling malusog ang endothelium kaya nababawasan ang peligro ng sakit sa puso, stroke at atake sa puso. NAKAPAGPAPAKALMA ANG HOLDING HANDS. Ayon sa pag-aaral, para sa mga nakararanas ng anxiety o pagkabalisa, epektibong pampakalma ang pakikipag-holding hands o ‘yung simpleng paghawak lamang sa kamay. Sa pamamagitan nito, nakararamdam ng assurance ang indibidwal kaya kumakalma ang nerves nito na nagreresulta ng maayos na pagdaloy ng dugo sa katawan. INSTANT WORKOUT SA HEART KAPAG EXCITED. Ito ‘yung feeling na pawisan ang mga palad, malakas ang kabog ng dibdib o ‘yung tinatawag na ‘heart racing’ at hindi mapakali kapag may kinasasabikang bagay o may ‘someone’ na gustong makita o makilala. Kapag feeling excited ang tao, nagkakaroon ng ‘instant workout’ ang kanyang puso. Anumang bagay na nakapagpapataas ng heart rate ay good thing dahil naeehersisyo ang puso, kaya mas nagiging healthy ito. Sa dami ng hindi magandang nangyayari ngayon, dulot ng hindi inaasahang pandemya at iba pa, malaking bagay ang magkaroon ng positibong pananaw sa buhay. ‘Ika nga, maikli lamang ang buhay kaya iwasang maging nega, keep your heart healthy. Okie?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page