top of page
Search

ni Justine Daguno - @Life and Style | December 10, 2020




Mas pinasikip na daloy ng trapiko, ‘yan ngayon ang struggle na kinahaharap ng maraming komyuter, lalo na ngayong Kapaskuhan. ‘Yung kahit sa city ka naman nakatira, ‘luwas’ feels talaga dahil inaabot ng siyam-siyam ang biyahe, makapunta lang sa opisina o makauwi sa bahay. Para sa mga kapwa natin komyuter d’yan na halos ‘second home’ na ang kalsada, narito ang ilang tips para sa ligtas na pagko-commute:

  1. UMIWAS SA DISTRACTIONS. Number one rule kapag nagko-commute, dapat alerto at focus sa kalsada at sa kagamitan. ‘Wag magpakampante dahil maraming mapagsamantala sa paligid, lalo ngayong magpa-Pasko na nauuso na naman ang iba’t ibang modus. ‘Wag magpadala sa mga distractions, tulad ng mga nanghihingi ng barya, nangangaroling, nag-a-announce ng kung anu-ano at iba pa.

  2. ‘WAG MAGPAKALASING KUNG BIBIYAHE. Dahil kaliwa’t kanan ang ganap ngayong holiday season, paniguradong hindi maiiwasan ang mga happy-happy. Tandaan, wala pang bakuna kontra COVID-19 kaya dapat mag-ingat pa rin tayo. ‘Wag samantalahin ang mas maluwag na quarantine protocols para makapunta sa kung saan-saan. Iwasan din ang pagpapakalasing, lalo na kung magko-commute. Bukod sa target ‘yan ng mga kawatan, delikadong bumiyahe kapag wala sa huwisyo.

  3. MAG-INGAT SA PAGTAWID. Mahirap ang buhay ng mga komyuter, bukod sa hassle talaga ang biyahe ay tawid dito, tawid doon ang peg natin dahil bihira ngayon ang diretsuhang ruta. Kaya naman, palaging mag-ingat, ‘wag basta tawid nang tawid sa kalsada, sundin at respetuhin ang mga traffic signage kahit pa pedestrian lamang tayo.

  4. PALAGING MAGING HANDA. Bago umalis ng bahay, siguraduhing kumpleto ‘new normal kit’. I-check kung dala o nasa bag ang alcohol o hand sanitizer, face mask, face shield, gloves, tissue, ballpen, at iba pa. Hindi lamang kawatan ang kalaban sa pagko-commute, dahil ngayon ay meron na ring hindi nakikitang COVID-19, kaya’t ingat pa more.

Ngayong papalapit na nang papalapit ang Pasko. Mas tumitindi na ang pagbigat ng trapiko. Mas dumarami na rin ang mga lumalabas na tao kaya mas delikado sa banta ng COVID-19. ‘Ika nga, hindi na baleng praning o OA, ang mahalaga ay hindi tayo magsisisi sa huli. Stay safe, mga ka-BULGAR!

 
 

ni Justine Daguno - @Life and Style | December 3, 2020




Habang papalapit nang papalapit ang Pasko ay mas feel na feel na nga natin ito. Mula sa mas lumalamig na simoy ng hangin hanggang sa mga pailaw na kaliwa’t kanan nating nakikita, lalo na sa gabi.


At sa kabila ng sunud-sunod na problema na nangyari ngayong taon dulot ng pandemya, mga sakuna at iba pang personal struggle, ‘ika nga ay tuloy na tuloy pa rin ang most awaited season ng taon.


Tunay na sinubok ang ating katatagan sa taong ito, kaya naman deserve nating makatanggap ng regalo — na mula rin sa atin mismo. Well, narito ang ilan sa mga best gifts to give yourself this season:

  1. RELO. Isa ito sa mga pinaka-useful na gamit sa araw-araw lalo pa’t habang tumatagal ay dumarami ang ating mga pinagkakaabalahan. Bawal ma-late sa deadline o usapan kaya dapat namo-monitor ang bawat minuto. Isa pa, ang relo ay sumisimbolo sa oras. Pinatunayan ng mga nakalipas na buwan na sobrang mahalaga ang pagkakaroon ng oras sa sarili. Malaki ang benepisyo nito sa lahat ng ating aspeto — pisikal, emosyunal, mental at espiritwal.

  2. PAYONG. Tulad ng relo, kapaki-pakinabang din ang umbrella o payong dahil maulan man o mainit ay puwede itong magamit. Mahirap magkasakit lalo pa’t napakahirap talaga ng buhay ngayon. Sa pabagu-bago nating panahon ngayon, kailangan palagi tayong handa.

  3. BAGONG DAMIT. Tuwing Pasko, hindi nawawala ang mga bagong kasuotan na uso man o hindi, basta swak sa personal taste mo, eh, oks na. Hindi mahalaga kung mamahalin ang iyong damit na bibilhin, kung kaya mo itong dalhin at komportable ka, walang kaso, go!

  4. SAPATOS. Dahil unti-unti nang lumuluwag ang mga health protocols, kapag may time at chance ay puwede nang gumala. Paniguradong magagamit natin ito kaya dapat ang bibilhin ay ‘yung may quality na. Mataas man ang presyo ay matagal naman itong magagamit dahil hindi papalit-palit. Kung may sapatos ka na matagal nang gustong iregalo sa sarili, it’s time na para bilhin ito.

  5. BAG. Isa pang best gift ang bag, estudyante man o working ay siguradong oks itong gamitin. Maraming variety na puwedeng makita sa internet at meron din sa mga mall. Piliin ang sakto sa personality at pangangailangan.

Maraming puwedeng maging importante sa ating buhay, pero dapat palagi pa rin isama sa mga priorities ang sarili. Mamahalin man o pang-masa ang presyo ng regalo na bibilhin para sa sarili, oks na oks lang ito. Okiee?

 
 

ni Justine Daguno - @Life and Style | November 28, 2020




Marami sa atin ang hindi kumpleto ang OOTD o pananamit kapag walang accessories, at isa sa mga paborito natin sa mga ito ay ang alahas o jewelry. Para sa iba, ang pagsusuot nito ay nakadaragdag ng self-confidence, lalo na kung nadadala ito nang maayos at tama.


At dahil marami rin sa atin ang nagko-collect ng mga alahas — tunay man ito o replika lamang, mahalagang malaman natin kung paano mapangangalagaan nang tama ang mga ito:


  1. SIGURADUHING MAY JEWELRY BOX. Hindi sa lahat pagkakataon ay suot natin ang mga alahas, kaya kapag hindi pa naman kailangang gamitin, makabubuting itabi o ilagay ito sa jewelry o closed box. Sa ganitong paraan, maingat nating mapo-protektahan ang kalidad ng mga ito.

  2. PAGGAMIT NG BUTONES. Dahil madalas ay maliliit na piraso lamang ang mga hikaw, madali itong nawawalan ng pares. Kaya upang maiwasan ito, maaaring gumamit ng butones upang itabi ito. Ang bawat pares ay ilagay muna sa mga butas ng butones bago ilagay sa jewelry box.

  3. TAMANG PAGSUOT NG ALAHAS. Muli, hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat magsuot ng alahas. Iwasang magsuot nito kapag matutulog, magwo-workout, magpapa-salon, maglilinis, magsu-swimming o maliligo at ibang kahalintulad na gawain sapagkat maaari itong makaapekto o maka-damage ng mga alahas.

  4. IWASAN ANG MABILISANG PAGLILINIS. Kailangan naman talagang linisan ang mga jewelry, pero dapat gawin ito nang hindi nagmamadali. Kung mamadaliin ito, posibleng madali itong masira o maapektuhan ang kalidad ng alahas, may mawalang gem o madaling mapakukupas ang kulay.

  5. TIYAKING TAMA ANG PRODUKTONG GAGAMITIN SA PAGLILINIS. Minsan, akala natin kapag naglilinis ng alahas, basta may tubig o sabon saka pamunas ay oks na. Make sure na gumamit ng silver cleaner para sa mga silver jewelry — in short, siguruhing angkop ang gagawin sa alahas na iyong lilinisin.


Lahat ng bagay ay dapat pinangangalagaan nang tama kung gusto natin itong mas tumatagal. 'Ika nga nila, ang paraan natin ng pangangalaga sa isang bagay ay repleksiyon kung paano tayo mangalaga sa ating sarili. Gets mo?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page