top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Apr. 23, 2025



Photo: Hajji Alejandro - IG


Naglabas na ng official statement ang kampo ng singer na si Hajji Alejandro ukol sa pagpanaw ng music icon nu’ng April 21 sa edad na 70.


Ang manager ni Rachel Alejandro, anak ni Hajji sa dating asawa na si Myrna Demauro, na si Girlie Rodis ang naglabas ng official statement sa pagpanaw ng music icon on behalf of the family.


Post ni Girlie sa Facebook (FB), “It is with deep sorrow that we announce the passing of our beloved Dad and Son, Angelito ‘Hajji’ T. Alejandro. At this time, we kindly ask for privacy as our family grieves this tremendous loss. We appreciate your understanding and support during this difficult time.”


Nakasama ni Hajji sa kanyang huling sandali ang kanyang mga anak na sina Ali, Barni at Rachel.


Samantala, ang long-time girlfriend ni Hajji na si Alynna ay may mahabang post sa kanyang FB account kung saan inalala niya ang mga masasaya nilang alaala noon.

Simula ni Alynna sa kanyang FB post, “My love, We spent the last 8 days of your life together. I am grateful to your kids Ali and Rachel for reaching out to me. I have been waiting. I think of you every hour of every day.


“2 months ordeal with Metastatic Colon CA (cancer), Stage 4.


“You refused another trip to the hospital and chose palliative care instead, in the comforts of your home, in the company of people you love. You knew you were leaving us soon…


“We listened to our favorite songs and we both had tears in our eyes. Your precious voice has been impaired because CA had constricted your respiratory system as well. But I felt your love even without words. And despite the pain, restlessness and hallucinations, you tried to hold my hand...


“I whispered in your ear, ‘Go with God. I love you so much. See you in my dreams.’


“No more pain, love. Just pure bliss with our Heavenly Father.”


Eksakto ng kanilang ika-27 anibersaryo nu’ng mag-post si Alynna sa socmed (social media) kahapon.


Pagpapatuloy ni Alynna, “April 21, 2025


“In your final hours, you accepted Jesus as your Lord and Savior and His promise of eternal life in His Presence.


“Love ko... you tried to hold on... you know it is our special day today. But your human body gave up on you.  


Thank you... thank you for your love.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Apr. 22, 2025



Photo: Nora Aunor - Instagram


IHAHATID pa lang sa kanyang huling hantungan ang Superstar at National Artist na si Nora Aunor ngayong araw, Martes, ay may kumalat na agad sa social media kahapon na balitang pumanaw na rin ang isa pang celebrity.


Ayon sa post na nag-viral kahapon, “Another great Philippine music icon passed today. Another sad, sad day! (heart emoji).”


May mga nagpadala sa amin ng message na ‘to and they’re asking kung ang music icon ay related sa isang singer din.


We tried to message ‘yung singer na malapit sa music icon but as of this writing ay wala pa kaming nakuhang reply.


We tried to search ‘yung account name ng naglabas ng post na ito sa Facebook (FB), pero wala na ang naturang post.


Sa pagkakaalam namin ay okay na ang music icon na tinutukoy ng ilang netizens at nasa pangangalaga ng kanyang pamilya.


Pero isang malungkot na balita ang nakarating sa amin habang tinatapos ang item tungkol sa music icon na kamakailan ay nabalitang naging kritikal sa kanyang last hospitalization.


Bilang pagrespeto sa kanyang pamilya, hintayin natin ang opisyal na pahayag mula sa kanyang mga mahal sa buhay.



SPEAKING of Nora Aunor, nahingian namin ng mensahe ang Cannes Best Director na si Brillante Mendoza sa pagyao ng Superstar.


Isa si Direk Brillante sa mga nalulungkot sa pagkawala ng award-winning actress.  

Nakatrabaho ni La Aunor sa dalawang pelikula si Direk Brillante, ang Thy Womb (TW) at Taklub.


Si Direk Brillante pala ang unang nakaalam sa pagpanaw ng Superstar.


Sabi ni Direk Brillante, “Malungkot siyempre… ipinagdasal ko s’ya, taos sa puso ko mula nang malaman ko na nawala na siya. In fact, mas nauna kong nalaman sa lahat but I’d rather stay quiet. Salamat.”


Ang aming taos-pusong pakikiramay sa mga anak at kamag-anak ni La Aunor.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Apr. 21, 2025



Photo: Hilda Koronel at Nora Aunor - Instagram


Patuloy ang pagluluksa ng showbizlandia sa pagpanaw ng Superstar at National Artist na si Nora Aunor.


Bukas ay nakatakda ang interment ng Superstar sa Libingan ng mga Bayani.

We heard, dadalhin muna sa Metropolitan Theater ang Superstar from Heritage. Ang NCCA (National Commission for Culture and the Arts) ang punong-abala sa last day.

Sobrang nanghihinayang naman ang mga nakausap na ni La Aunor sa mga pelikulang naoohan na niya.

Una, ang biopic ni La Aunor na matagal na niyang gustong gawin more than a decade ago.


Ang National Artist din at scriptwriter na si Ricky Lee ang naatasan ni La Aunor na sumulat ng kanyang autobiography ang nagkuwento na bukod sa pelikula, nais din nilang gawin ang libro ng Superstar.


Pangalawa, ‘yung movie kay Direk Adolf Alix, Jr. na muling pagsasamahan nila ng kapwa rin niya mahusay na aktres, walang iba kundi si Hilda Koronel.


Actually, una naming nalaman na gagawa ng movie si Hilda with Nora sa Instagram (IG) ng comebacking actress.


Say ni Hilda sa kanyang IG, “I’m very saddened by Ate Guy’s passing... We were discussing a project with her just before I left for home with Direk Adolfo. My deepest condolences to her loved ones and rest in peace now Ate Guy, you are now home with our Lord. What a big loss to our industry... but you will never be forgotten.”


At pangatlo, ‘yung kuwento ni Ronald Carballo na siya rin ang magdidirek ng movie ni La Aunor.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page