top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | May. 5, 2025



Photo: James Reid at Kathryn Bernardo - IG


Mixed reactions ang lumabas sa social media for a possible team-up on screen nina Kathryn Bernardo and James Reid.


Yes, Ateng Jans! May nilulutong proyekto para pagtambalin sina Kathryn and James.

Para sa iba, bonggang tambalan ito kapag natuloy. After Alden Richards, si James na raw ang puwedeng itambal kay Kathryn dahil lumelebel din naman ang kasikatan ng ex-on-and-off screen partner ni Nadine Lustre.


But at the same time, may pumapalag especially ang JaDine fans. Active pa rin daw ang mga fans nina James at Nadine.


Palag naman ng ibang mga fans, ‘di nila bet si James for Kathryn dahil lumamlam na raw ang career ng singer-actor.


Big risk daw ito sa parte ni Kathryn. ‘Pag kumita, muli niyang bubuhayin ang career ni James. Pero kapag nag-flopsina, kay Kathryn din ang malaking dagok nito.


Bukod kay James, sino pa kaya’ng male actor ang puwedeng itambal kay Kathryn? Saka anyare sa kumalat na tsikang ang next leading man ni Kathryn ay si Donny Pangilinan?


Although, pumalag din ang mga fans nina Donny at kalabtim niyang si Belle Mariano.

Pabor ba kayo, mga Ka-BULGAR kay James bilang next na leading man ni Kathryn?


Sobrang hurt sa pagkamatay ng BFF…

MICHAEL, INALALA ANG 50 YRS. NILANG FRIENDSHIP NI RICKY


SA bibihirang pagkakataon ay nag-post ng madamdamin at mahabang mensahe ang aktor na si Michael de Mesa para sa pumanaw na aktor na si Ricky Davao sa kanyang Instagram account recently.


Si Michael ay isa sa mga matatalik na kaibigan ni Ricky sa showbiz, kaya ganoon na lang ang lungkot niya.


Nag-post si Michael ng piktyur with Ricky sa Instagram (IG).

Pahayag ni Michael, “Ricky, my brother... this one really hurts.


“You know I’m a man of few words, but with you, there's just so much to say.

“I've known you since I was 14. That's 50 years! We've been through so much together — from the school lunch breaks we used to sneak in just to hang out, to the countless days and nights as barkada with my brother, Ralph, and your brother, Bing. We were

inseparable.


“You were always the one with a smile, always positive, always kind. Walang masamang tinapay sa ‘yo. Never pikon, no matter how harsh the jokes or kung gaano ka grabe ‘yung pag-asar ko sa ‘yo. You'd just laugh it off like it was nothing. That was

the kind of person you were. Lighthearted, generous, and full of joy.


“As an artist, I truly admire you. You were so passionate about your craft, and I could feel your excitement every time you told me about a new directorial project. I remember how proud you were when you finally got to direct which was a dream you never gave up on. We worked together on TV, film, and stage, and I'll always treasure those moments. To be able to create with you was an honor.


“I remember when you got to sing while Ryan Cayabyab played the piano. You were so proud about that. Grabe... you really loved to sing. We always tried our best not to give you the mic, because once you got your hands on it, you would never let it go!


“We've come a long way, my friend. And now, I'll have to come to terms with a world that no longer has you in it. But I'll hold on to the memories, the laughter, and the brotherhood.


“Rest easy, Frederick Charles. I take comfort in knowing you're now with our Lord, probably cracking jokes and sharing stories with Ralph and Cherie up there.


“Until we meet again. I will miss you so much. I love you, my brother.”

Si Michael de Mesa ay napapanood sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ) mula Lunes hanggang gabi sa A2Z, TV5 at sa lahat ng ABS-CBN platforms.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | May. 4, 2025



Photo: Ricky Davao at Robin Padilla - IG


Marami ang naantig sa mensaheng ipinost ng girlfriend ng pumanaw na si Ricky Davao na si Mayeth Malca Darroca.


Si Malca ay kasama ni Ricky simula matuklasan ang kanyang sakit hanggang sa huling sandali ng buhay ng aktor-direktor.


November last year pa lang daw ay may umuugong na ukol sa isang male celebrity na nagpapa-treat dahil sa matinding karamdaman.


Tumagal ‘yun hanggang sa tumindi ang gamutan ng sakit ni Ricky sa isang mamahaling ospital sa Manila last March.


Ayon sa ilang sources, umabot daw sa P14 million ang hospital bill ni Ricky. At ang tsika, si Sen. Robin Padilla diumano ang tumulong sa pagbayad ng hospital bill ng pumanaw na aktor-direktor.


In fairness kay Sen. Robin, hindi lang ramdam kundi kitang-kita talaga ang presensiya niya sa mga taga-showbiz na nangangailangan ng tulong.



Hindi talaga siya nagpapabaya. 


In a way, parang this is his own little way of giving back sa industriyang nagpakilala sa kanya sa publiko.


Pero sana lang, may gawin ang industriya sa sunud-sunod na pagpanaw ng mga taga-showbiz.


Naaalala tuloy namin ang tinaguriang Dean of Entertainment Press na si Manay Ethel Ramos. Kapag may mga delubyo na nangyayari sa showbiz gaya ng sunud-sunod na pagpanaw ng mga taga-industriya, pangungunahan niya ang pagpapadasal o pagpapamisa.


Ewan lang ngayong wala na rin si Manay Ethel, kung sino kaya ang puwedeng gumawa nito.



HINDI mapigilan ni Gabbi Garcia na i-share sa social media ang saloobin sa kanyang naging experience bilang host sa Miss Universe Philippines pageant last Friday.


Post ni Gabbi sa X (dating Twitter) kahapon, “Thank you, Universe!!! I had so much fun hosting and…. dressing up! wahaha goodnight, Philippines!!! time to resssssttt woohooo!”


Puring-puri ng mga netizens si Gabbi sa kanyang pagho-host sa MUPH with Xian Lim:

“YOU WERE SO AMAZING.”

“You did well, Gabbi.”


“You looked stunning in your gowns and you killed the hosting!”

“Sana regular host ka every MUPH.”


Samantala, may nakaka-miss naman sa Alden Richards’ style of hosting sa MUPH at pilit na ikinukumpara sa style ni Xian.


Na-miss daw ng mga netizens ang style of hosting ni Alden na pasigaw. Kasi raw nakakapagpagising sa mga viewers ang “pasigaw” na hosting ni Alden kesa sa pormal-pormalan na pagho-host ni Xian.


Although, meron din namang nagkakagusto sa style ng pagho-host ni Xian more than Alden.


Sabeee…


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | May. 3, 2025



Photo: Ricky Davao - Rickyad IG


Pumanaw na ang aktor at direktor na si Ricky Davao sa edad na 63.

Kahapon ay laman ng iba’t ibang showbiz group chats ang paglisan ng aktor. Pero inirerespeto ng mga taga-showbiz ang opisyal na pahayag mula sa pamilya ni Ricky.


Although, may mga nag-post na sa socmed (social media) na malalapit na kaibigan ni Ricky ng kanilang pagkalungkot at pakikidalamhati sa kanyang pagyao.


Kabilang na riyan si Sen. Jinggoy Estrada na malapit kay Ricky. Sa huling birthday celebration ni Sen. Jinggoy ay masayang naki-party si Ricky and as always, sumabak siya sa pagkanta on stage.


May nagsasabi na December of last year pa lang ay may iniinda na si Ricky na matinding karamdaman na maaaring dahilan kung bakit ‘di nakita ang presensiya niya sa wake ng kanyang dating mother-in-law na si Pilita Corrales.


Nakikiramay po kami sa kanyang mga anak at kapamilya.


Nagbayad ng P1.7 M para ‘di makulong…

RUFA MAE: I'M FREE AND ALIVE!





Lusot na si Rufa Mae Quinto sa kasong kinasangkutan niya for alleged violations of the Securities Regulation Code kaugnay ng reklamo sa isang beauty clinic, ang Dermacare.

Inireklamo si Rufa sa korte ng 14 counts of violation of Section 8 ng Securities Regulation Code. Nakapag-bail naman siya.


Sa kanyang post sa X (dating Twitter) ay kitang-kita ang saya ni Rufa. Nag-post siya ng short video na may background ng kanta ni Celine Dion na I’m Alive.


Caption ni Rufa sa X post niya: “Maraming salamat sa naniwala sa akin and yes, tapos na ang kaso! I’m free and alive! I love you all! Move on na tayo (all of the hearts emoji).”

Na-happy din siyempre ang mga netizens sa ibinalita ni Rufa regarding her case.

Sey nila:


“Alive alive alive!!! ..GO! GO! GO!!!!”


“Free, free, free!”


Reply ni Rufa, “Best things in life are free.”


Sey ng isang netizen, “Congrats Marinara, sana malayo pa malangoy mo with fight-fight-fight and go-go-go (loved emoji). Miss you, momsh.”


May nagsa-suggest din kay Rufa na bumalik na sa It’s Showtime (IS) kung saan naging hurado ang komedyante at pati na sa Pinoy Big Brother (PBB).

Komento ng iba:


“Balik ka na @itsShowtimeNa.”

“Never doubted na mananalo ka sa kaso mo. Balik-TV guesting ka na or pasok ka sa bahay ni Kuya as house guest.”


Sagot ni Rufa, “Yes, ready na.”


Ayon sa batas, lahat ng kaso na isinampa laban kay Rufa ay bailable at P126,000 thousand each. Kaya kung susumahin, aabot sa P1.7 million.


Ganyan kalaki ang halaga ng ibinayad ni Rufa para ‘di makulong.


Sa isang hiwalay na post ni Rufa ay nakapagkampanya pa siya para sa isang partylist.

Sabi ni Rufa sa X, “Maraming salamat, nag-rest po ako para sa peace of mind ko. Hehehe!

Kahit wala na akong kaso, inuna ko ang study ng anak ko, and our mental health. Also, Batang Quiapo partylist no. 29 nag-campaign po ako. So now makaka-go, go, go todo na muli ako.”


Hmmm… may kinalaman kaya ang partylist na ineendorso ni Rufa Mae Quinto kaya siya nakapagbayad ng bail na mahigit isang milyong piso?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page