top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | July 28, 2025



Photo: Claudia Barretto / Dennis Padilla - IG



Deleted na ang post ng pagbati ni Dennis Padilla sa anak na si Claudia Barretto sa kaarawan nito.


For whatever reasons ng pag-delete niya sa pagbati sa anak, very evident naman ang negative reaction ng mga netizens.


Muling binatikos si Dennis ng mga netizens na mabilis na naka-pick up ng IG post niya na picture nila ni Claudia noong bata pa ang kanyang anak.


Message ni Dennis sa picture nila ni Claudia, “Happiiii bday Claui…God bless you more (praying hands, red heart & birthday cake emoji).”


Sey ng mga netizens… “GRABE! Pagkatapos n’ya sirain ‘yung wedding ni Claudia, nakuha na namang mag-post about her!!”


“You have traumatized your kids for the last time. Wala ka nang makukuhang chance ulit sa kanila.”


“Sabi n’ya, ‘di na siya magpo-post anything about his children. Anyare?!”

“Nakakalokang maging ama si Dennis. Sana okey lahat ng anak n’ya.”

“Magpo-post na naman ‘yan ‘pag 'di ni-reply-an ng anak.”

“What a CLOWN! (clown face emoji).”


May ilan din naman ang nakisimpatya kay Dennis.


“May kasabihan nga na kayang tiisin ng anak ang magulang pero ‘di kayang tiisin ng magulang ang mga anak.”


Tsika ng ibang netizens, may sakit daw kasi ang lola ni Claudia, ina ni Dennis.

“May sakit ang lola nila, eh.”


In fact, naka-post din ang picture ng ina ni Dennis sa IG niya na may nakalagay na, “Praying for healing of Mama (praying hands & red heart emoji).”


Also, hindi lang naman si Claudia Barretto ang mga anak ni Dennis Padilla na binati niya sa IG. Kahit ‘yung mga non-celebs na anak niya sa ibang babae ay binati rin niya noong nakaraan sa social media.



HINDI nagpahuli si Marjorie Barretto kay Dennis Padilla sa pagbati sa kanilang anak na si Claudia Barretto-Lorenzo.


Nag-post si Marjorie ng mga larawam sa naganap na selebrasyon ng kaarawan ni Claudia kasama ang iba pa niyang mga anak.


Caption ni Marjorie, “Happy Birthday dearest Claudia. I love watching you grow into every season of your life with so much grace and strength. Behind and beside you always. I love you!”


Dinagsa rin ng pagbati kay Claudia ang comment section ng IG post ni Marjorie from their celebrity friends.


Bati ni Mariel Rodriguez,   “Happiest birthday Claui!!!!!!”


Kapansin-pansin naman ang non-appearance ng mister ni Claudia na si Basti Lorenzo sa pictures niĺa with her family.


Maging sa naging trip sa Europe nina Marjorie, Julia at Claudia ay walang naka-post na kasama si Basti, or sa iba pang post sa IG ni Claudia.

Maaaring napaka-private lang talaga na personalidad ang mister ni Claudia at pamilya nito.


‘Di nga ba't kaya  nanahimik na rin si Erich Gonzales at ‘di na nag-showbiz dahil sa sobrang private ng mister niyang si Mateo na kapatid ni Basti?

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | July 27, 2025



Photo: Jennica Garcia - IG



Apat na teleserye ang tinanggihan ni Jennica Garcia pagkatapos ng Kapamilya drama series na Saving Grace (SG) na pinagbidahan ni Julia Montes.


May kinalaman sa faith and health ni Jennica ang pagtanggi niya sa mga inalok sa kanya na serye.


Pagkatapos kasing mahiwalay sa kanyang ex-hubby na si Alwyn Uytingco, si Jennica ang bumuhay sa kanilang dalawang anak na babae. Wala pa kasing masyadong project si Alwyn that time.


So, walang choice si Jennica kundi ang maghanap ng trabaho and she approached again GMA-7. Tinanggap naman siya at nabigyan ng project.


At the same time, nakapag-apply at natanggap din si Jennica bilang caregiver abroad.

Kuwento ni Jennica sa interbyu sa kanya ni Julius Babao sa YouTube (YT) channel ng newscaster, “Naayos ko na lahat ng papers ko. Nangyari pa po ‘yun nu’ng may GMA project ako.


“Ang nangyari sa GMA project, meron po kasi ako’ng anxiety and panic attack. Tapos meron po akong sakit sa puso, the best. Maliit po kasi ang puso ko.


“Ang bait po talaga ng GMA kasi hindi nila ako tinanggal sa show. Kaya lang, hinimatay ako (during the scene).”


Bata pa lang si Jennica ay nadiskubre na niya na meron siyang sakit sa puso. Bawal na bawal ang sobrang saya, tawa, lungkot at iyak. Nagpa-pass-out daw siya.


Hanggang sa nabigyan ng projects sa ABS-CBN si Jennica. Super-proud siya sa kanyang role sa Dirty Linen (DL). Pero inamin niya na nahirapan siya sa sumunod niyang show sa ABS-CBN, ang SG.


“Abusive mother ang role ko doon. Hindi ko pala kaya,” pag-amin niya.

For the first time in her life raw, tumanggi siya sa project after she did SG.

“Feeling ko, gulat na gulat ang management dahil all of a sudden, humihindi na ako sa trabaho and this is after Saving Grace.


“Nakakahiya ‘to pero sabihin ko na ‘to. Sabi ko sa kanya, ‘Tatay, ‘pag ang artista, magaling… Our normal job is we roll at 7 AM. Masaya ka ng morning, malungkot ka ng 8 AM. Malungkot ka ng 9 AM. Pinatay kang 10 (PM). Buhay ka ng 11 (PM). Do you get me? It’s not normal,” saad ni Jennica.


Pagod na pagod at gustung-gusto na raw ni Jennica umuwi after taping ng SG.

“Hindi ko ipinapakita sa kanila na pagod na pagod ako at gusto ko nang umuwi. But deep inside me, I’m heartbroken. Kasi heartbroken dapat ako doon sa scene,” lahad pa ni Jennica.


Sa ngayon, kahit wala raw siyang project ay nagpapasalamat siya sa Panginoon dahil ipino-provide ang pangangailangan nilang mag-iina.


Monthly daw ay umaabot nang mahigit sa P100,000 ang budget ni Jennica Garcia for her children’s expenses.



ANG lakas-lakas ng dating ng baguhang si Hugo Sotto. Unang silip pa lang namin ng pictures niya sa Instagram (IG) ay in-stalk na namin nang tuluyan.


At sa pag-i-stalk namin, we found out na isa pala siyang showbiz royalty. Apo nina showbiz queen Helen Gamboa at Tito Sotto si Hugo, na ang real name ay Vicente Sotto IV.


And knows n’yo na rin kung sinu-sino ang relatives ni Hugo. Like the Prince of Comedy Vic Sotto and the Megastar Sharon Cuneta.


Si Hugo ay 20-year-old at 6-footer na panganay na anak ni Quezon City Vice-Mayor Gian Carlo Sotto at ng misis nito na si Joy Woolbright Sotto.

Nag-aaral si Hugo sa Ateneo de Manila University (ADMU) at isang varsity player.


Proud ang dad niyang si Gian when he posted sa comment section sa IG post ni Tito Sotto. 

Comment niya, “Anak ko ‘yan!”


Post naman ng ina ni Hugo, “My baby is all grown up (heart emoji).”

Looking forward na kami sa tatakbuhin ng career ni Hugo. And with Ms. Shirley Kuan around as his manager, how can he go wrong, ‘di ba?


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | July 26, 2025



Photo: HildaG Koronel - IG



Looking forward na ang mga taga-showbiz sa susunod na apat na pelikulang papasok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) this coming December.


Isa sa mga inaabangan namin na isali sa MMFF 2025 ay ang comeback movie ng award-winning actress na si Hilda Koronel, ang historical thriller na Sisa sa direksiyon ni Jun Robles Lana under The IdeaFirst Company nina Direk Jun at Direk Perci Intalan.


Pero kahit pala ipasok ng The IdeaFirst Company ang Sisa sa MMFF, mahihirapan sila dahil sa rules and regulations ng festival.


Nauna na kasi sa Magic Four ang movie ni Direk Jun na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Nadine Lustre, ang Call Me Mother (CMM).


May ruling daw kasi sa mga papasok sa Magic 8 sa MMFF, kailangan ay isang movie lang ng direktor ang allowed na makapasok.


Although, nu’ng ini-research namin sa Google kung may ganitong rule sa MMFF, it turned out na wala naman.


“The MMFF (Metro Manila Film Festival) does not have a specific rule stating one director can only have one movie in the festival each year. “However, the MMFF has had rules and controversies regarding film submissions and screening that have impacted multiple directors and films,” sabi sa Google.


Walang explicit ‘one-film-per-director’ rule sa MMFF. Pero siyempre, nasa decision na ‘yan nina Direk Jun at Direk Perci. Baka may kailangan din silang isaalang-alang na factors on having two movie entries sa MMFF.


Sa true lang, isang movie lang na isali sa MMFF, sobrang hirap na — dalawa pa kaya, lalo na’t hindi naman ganoon kalaki ang production nina Direk Jun at Direk Perci compared sa ibang film studios gaya ng Star Cinema, Viva Films, at Regal Films.


Sa promo pa lang, ngaragan na ‘yan, ‘di ba? Saka, mas maganda na rin na unahin munang iikot sa international film festivals ang Sisa, na ‘yun naman ang original plan ng The IdeaFirst Company.



NAKAKABAHALA ang news sa online na nabasa namin tungkol sa isang Pinoy na concert producer sa Amerika na nagngangalang Vince Gesmundo.


Ayon sa news, inutusan ng Queens County Civil Court ang concert producer na bayaran ang kanyang inutangan ng pera na hindi bababa sa halagang $23,000.


Batay sa dokumento, si Vicente Gesmundo, na ang kilalang address ay nasa 52nd Street sa Woodside, Queens ay may utang kay Milagros dela Cruz Llamas ng Maspeth, Queens ng $23,342.61. Kasama ang $350 sa ibang mga bayarin na umabot sa $23,692.61 na hatol ng korte.


Pinautang daw ni Milagros si Vince ng halagang $17,500 sometime around 2020 to 2021 during the pandemic.


Ang halagang ito ay hiniram para makatulong kay Vince na i-finance ang concert na ipinrodyus niya para kay Jessica Sanchez sa Hard Rock Boston.


Hindi ito nabayaran ni Vince hanggang sa lumobo na ang amount to $23,342.61 due to the accrued interest of $5,842.61.


Sabi pa raw ni Milagros, may iba pa raw nahiraman ng pera si Vince bukod sa kanya. Ilan sa kanila ay nakilala ni Milagros at nakuha ang pangalan ng mga pinaghihinalaang nagpapautang.


Ang isa raw sa kanila ay isang doktora sa Manhattan na humiling na itago ang kanyang pangalan. Nanghiram daw si Gesmundo sa doktor ng $5,000 hanggang $6,000 ilang taon na ang nakararaan.


Pahayag ng doktora na tumangging magbigay ng pangalan, “Yes, he owes me money but it was several years ago. I don’t think I have the time to look back for all that evidence. As much as I would love to get my money back, it’s not as much as the other victims.”


Sabi pa ng doktora, siya raw ang pinagbayad ni Vince sa airfare ng grupo ng Aegis papuntang Florida. Nangako raw si Vince sa kanya na ibabalik ang perang ipinambili niya ng tiket. Bukod sa airfare, pinagbayad din daw si doktora sa nirentahang big SUV at walang kamalay-malay na siya rin ang susundo sa Aegis team sa airport.


Pagkatapos ay gusto pa siyang hiraman ng another $20,000 ni Vince, pero pinayuhan na siya ng mga kaibigan na hindi na siya mababayaran nito.

“Since then I blocked him on Facebook (FB) and on the phone,” ani doktora.


May isang babae pa na nautangan din daw ni Vince ng $10,000 na buong kagalakan naman niyang ibinigay dahil may common friend sila na pinagkakatiwalaan niya.


Nu’ng malaman ng babae na marami pang iba ang pinagkakautangan ni Vince, hindi na siya nagpursige na singilin ang concert producer. She just gave up getting her money back and she did not sue him. Naawa raw siya kay Vince at the same time, sa mga biktima nito.


Meron pang nurse na nakunan din daw ni Vince ng pera amounting to $10,000. Fan daw siya ng AlDub (Alden Richards and Maine Mendoza) kaya excited siya na tulungan si Vince sa pag-produce nito ng show para kay Allan K.


Si Cheryl Versales naman, may-ari ng group home facilities sa Florida ay sinabi na may utang din si Vince sa kanya na $7,000 na ginamit daw sa show ni Katrina

Velarde.


Meron din daw isang community leader from New York na nagsabing si Gesmundo ay may utang sa kanya na aabot mula $35,000 hanggang $45,000.


Sumulat na rin daw si Milagros sa Knights of Rizal New York, kung saan si Gesmundo ay may hawak na posisyon bilang auditor. Ipinapa-revoke ni Milagros ang membership ni Vince at pinapatanggal ito bilang auditor ng asosasyon upang mapanatili ang integridad at dangal ng KOR.


Kinumpirma ng KOR New York Chapter Commander na si Rely Manacay na natanggap niya ang liham.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page