top of page
Search

by Info @News | October 25, 2025



Boying Remulla / AI

Photo: Juan Ponce Enrile - Circulated



‘MAY SEPARATION OF POWERS’


Hindi umano inimpluwesyahan ng Palasyo ang desisyon ng Sandiganbayan na iabswelto si Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa kaso nito kaugnay sa pork barrel scam.


Giit ni Palace Press Officer Usec. Atty. Claire Castro, paano aniya iimpluwensyahan ng Palasyo ang desisyon ng korte gayung may separation of powers ang gobyerno.


Dagdag nito, kailangan igalang ang desisyon ng korte dahil magiging “chaotic country” aniya kung hindi.


Dapat din aniya nating pagkatiwalaan ang ating justice system.

 
 

ni Angela Fernando @News | Oct. 4, 2024



News Photo

Pinawalang-sala ng Sandiganbayan Third Division nitong Biyernes sina dating Senate President at kasalukuyang Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, kanyang dating chief of staff na si Atty. Jessica “Gigi” Reyes, at negosyanteng si Janet Lim Napoles sa P172-milyong kasong plunder na isinampa kadikit ng pork barrel scam.


Ayon sa korte, ang tatlo ay na-acquit dahil sa kabiguang mapatunayan ng prosecution ang kanilang pagkakasala nang walang kahina-hinalang batayan.


Nagpaabot ng pasasalamat si Enrile sa mga mahistrado sa isang interview habang nagpahayag ng kanyang kagalakan si Napoles sa isang hiwalay na panayam.


Gayunpaman, si Napoles ay mananatiling nakakulong dahil sa dalawa pang hatol ng plunder na may kaugnayan sa pork barrel scam. Samantala, tumanggi namang sumagot si Reyes sa paulit-ulit na mga tanong kung naniniwala siyang naihatid na ang hustisya.


 
 

ni Mai Ancheta | May 16, 2023



ree

Sinupalpal ni Chief Presidential Legal Counsel at dating Senate President Juan Ponce Enrile ang panukala sa Kamara na gawing P64,000 ang sahod ng mga nurse sa gobyerno.


Ani Enrile, masyadong mataas ang panukala kaya dapat na timbangin ng mga mambabatas ang suweldo ng mga manggagawang nasa gobyerno at pribadong sektor.


Kapag aniya nangyari ito ay tataas ang inflation at wala ring mangyayari sa idinagdag sa sahod sa government nurses.


Binanatan ni Enrile ang mga mambabatas na hindi aniya nag-iisip at hindi naiintindihan ang ginagawa basta makapagpapogi lamang sa publiko.


Nilinaw ng abogado ng Palasyo na hindi siya tutol sa pagtaas ng sahod ng mga manggagawa sa gobyerno subalit dapat pag-aralan din kung ito ba ay makakaapekto sa ibang sektor ng lipunan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page