top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 23, 2024



ree

Nakausap ng United States President na si Joe Biden ang asawa't anak ng napatay na Russian opposition leader Alexei Navalny.


Nagpahayag ng pakikiramay at paghanga si Biden kay Navalny dahil sa katapangan nito.


Nangyari ang pag-uusap ni Biden at ng asawa ni Alexei na si Yulli at anak niya sa San Francisco, California na si Dasha Navalny.


Ayon sa US President, inihahanda na ang mga sanctions laban sa Russian President na si Vladimir Putin.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 10, 2024



ree

Kinondena ng US President na si Joe Biden ang mga pag-atake ng Israel sa Gaza laban sa Hamas at sinabing sobra na ito.


Paniniwala pa ni Biden, ang ginagawang kasunduan para sa pagbibigay laya sa mga bihag at matagalang tigil-putukan ay magkakaroon ng bagong perspektibo sa giyera.


Hindi naman ito nawawalan ng pag-asa na makakapasok ang mga humanitarian aid para matulungan ang Gazans.


Matatandaang nagkaroon ng panawagan si Biden kay Israeli Prime Minister na si Benjamin Netanyahu ng malawakang ceasefire.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 11, 2023



ree

Matapos ang pagkikita nu'ng nakaraang taon, muling maghaharap sina Pangulong Joe Biden at Chinese President Xi Jinping sa Nobyembre 15 bilang bahagi ng layuning pigilan ang tensiyon sa pagitan ng dalawang pinakamalaking bansa.


Inaabangan ang magiging interaksiyon ng dalawang lider kasabay ng gaganaping Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa San Francisco Bay area.


Magtatagal ng ilang oras ang nasabing pagpupulong kasama ang mga grupo ng opisyal mula Beijing at Washington.


Ayon sa isang mataas na opisyal ng administrasyon ni Biden, inaasahang matatalakay ang malawak na hanay ng mga isyung pandaigdig, kabilang na ang giyera sa Israel at Hamas, pagsakop ng Russia sa Ukraine, ugnayan ng North Korea sa Russia, Taiwan, Indo-Pacific, karapatang-pantao, Fentanyl, artificial intelligence, at ang usapin ng patas na kala

 
 
RECOMMENDED
bottom of page