top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Apr. 7, 2025



Photo: Julia Barretto Helsa Studio - IG / Sharon Cuneta / Circulated


Hindi lang sa mga beauty pageants tutok na tutok ang maraming kritiko at bashers dahil kahit sa mga fashion events-balls tulad ng katatapos lang na ABS-CBN Ball kung saan may awrahan at pabonggahan ng mga gowns ay talagang nakabantay sila na para bang “their opinions matter”.


Hayan, nagte-trending nga sa socmed at talaga namang mainit na pinag-uusapan ang isinuot na gown ng mga dumalo sa ABS-CBN Ball.


Marami ang pumuri kay Anne Curtis na talaga namang agaw-pansin ang suot na red gown na may malalaking bulaklak na napakaelegante ng dating.


Napuri rin ang suot nina Julia Montes, Andrea Brillantes (na simple pero mala-Hollywood ang aura), Maymay Entrata, Nadine Lustre, Kim Chiu at Kathryn Bernardo.


Pero hindi talaga nawawala ‘yung may inookray ang mga netizens at isa na nga sa mga napagbalingan nila ay si Julia Barretto na simpleng gown lang na may hiwa sa tagiliran at ribbon sa harapan ang awrahan that night.


Bagama’t classy pa rin naman ang beauty ng girlfriend ni Gerald Anderson, hindi raw bumagay dito ang isinuot dahil mas nawala ang korte ng katawan at parang poste lang daw na binihisan.


May mga nagkomento ring parang retaso lang ang isinuot ni Julia sa sobrang kasimplehan at hindi raw pang-red carpet ng ABS-CBN Ball ang ganu’ng style at aura kundi pang-attend lang sa isang sosyal na party.


Well, hindi naman ito ang last ABS-CBN Ball, so puwede pa namang bumawi si Julia next year.


Sabi nga, better luck next time.




Guys, alam n'yo na…

JM: WALA NANG PUWEDENG SUMINGIT KAY FYANG





JAMPACKED ang ginanap na first anniversary concert ng all-male sing and dance group na Magic Voyz sa Viva Cafe last Sunday (March 30).


Halos wala na kaming maupuan sa dami ng guests na nanood na nag-enjoy naman kahit past midnight na natapos ang show.


Nasulit ang mga nanood sa dami ng performances ng Magic Voyz na level-up na sa pagkanta, pagsayaw at pag-entertain sa kanilang audience.


Kung nu'ng una silang ipinakilala sa press nang i-launch ang kanilang song na Bintana last year ay medyo nangangapa pa sila, ngayon ay todo-bigay na ang Magic Voyz at puwedeng-puwede nang isabak sa mga campaign sorties dahil nagtitilian ang mga babae at pati mga members ng LGBT sa kanilang performance.


May 8 members ang Magic Voyz na binubuo nina Jhon Mark Marcia, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones, Johan Shane (the composer of all songs), Asher Bobis at Jorge Guda, (new member).


Bukod sa Bintana, malakas din ang recall ng kantang ‘Wag Mo Akong Titigan ng Magic Voyz na under sa pangangalaga ng LDG Productions ni Mama Lito de Guzman at Viva Artists Agency.


Kung tama ang dinig namin, after their successful first anniversary concert, sa Music Museum na magpe-perform ang Magic Voyz sa June.

Wow, congrats!!!


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Apr. 5, 2025



Photo: Kathryn Bernardo / ABS-CBN Ball 2025 - Instagram


So, dahil wala ngang kino-confirm o idine-deny si Kathryn Bernardo at maging ang nali-link sa kanya ngayong si Lucena Mayor Mark Alcala tungkol sa napapabalitang relasyon nila, ang mommy na lang ni Kath ang nag-confirm na single pa rin ang aktres-Pilipinas Got Talent judge until now.


Sa latest interview nga kasi kay Mommy Min Bernardo ng ABS-CBN showbiz reporter-host na si MJ Felipe, um-agree ang ina ni Kath nang sabihin ni MJ na “Saka single naman siya. Single naman si Kath.”


Ang diretsong pagsang-ayon ni Mommy Min, “Oo.”


Pero mukhang sa edad ni Kathryn ngayon na 29 ay gusto na talaga nitong maging independent dahil may emote si Mommy Min na “Mahirap kasi sa isang nanay na may sinasabi ka (pero) hindi ka pinakikinggan.


“Ngayon, ina-accept ko na lang na, ‘Sige na nga, matanda ka na. Ikaw na magdesisyon by your own.’”


Hmmm, naniniwala kaming matalino si Kathryn at pinag-iisipan naman niya ang kanyang mga desisyon, ‘wag lang tatalunin ng tibok ng kanyang puso dahil wala pang nanalo kapag pag-ibig ang kinalaban.



9 yrs. daw tinrabaho…  SHARON, IPINAGSIGAWANG 109 LBS. NA ANG IPINAYAT



Totoo ang kasabihang “If there's a will, there's a way,” at malaking patotoo rito si Megastar Sharon Cuneta.


Tiyak na maraming na-inspire sa kanyang post sa Threads kahapon tungkol sa kanyang fitness journey.


Post ni Mega, “2016. The year I decided to SLOWLY lose weight. I was tired and had ruined my body’s metabolism by going on all sorts of crash diets. So, SLOWLY BUT SURELY was the way for me to go. 


“Nakakatawa ngayon kasi parang nawala ang lahat ng extra weight ko overnight? ‘Yung last 20-25 lbs. na lang ang napansin tapos kanya-kanyang conclusions na sila! Bahala sila sa buhay nila. Nine years later - NOW - I have lost 106 lbs. if I could do it, anyone can!!!”


Tamah! Kung kinaya ni Mega, tiyak na kayang-kaya rin ng iba tulad nina….

Haha! Wa’ na mention, mabasa na lang sana nila ang post ni Ate Shawie.




MATAPOS magpahayag ng suporta sa X (dating Twitter), nagkaroon din ng pagkakataon si Anne Curtis na personal na ipaabot ang kanyang pagsuporta sa dating senador at independent senatorial candidate na si Bam Aquino sa kanilang biglaang pagkikita sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2.


Sa kanilang ‘di inaasahang pagkikita, muling pinagtibay ni Anne ang kanyang suporta sa kandidatura ni Bam at sa kanyang mga adhikain, partikular na ang Free College Law. 


Nagpakuha pa siya ng larawan kasama ng senatoriable habang naka-No. 5 sign just to show her support.


Ibinahagi rin ni Anne ang naturang larawan sa kanyang Instagram bilang parte ng kanyang “So MARCH fun” carousel album, na may caption na, “Bumped into someone I'm voting for!”


Ito ang ikatlong pagkakataon na hayagang nagpahayag ng suporta ang aktres sa kandidatura ni Bam. Una niya itong ginawa nang sumagot siya ng "Yes!!" sa tweet ng stand-up comedian na si Alex Calleja na humihimok sa mga botante na isama si Aquino sa kanilang listahan ng mga iboboto sa darating na halalan.


And then ini-retweet nga ni Anne ang post ni Bam sa X tungkol sa kanyang hangaring mapaunlad ang buhay at mabigyan ng mas maraming oportunidad ang mga pamilyang Pilipino.


Sa isang Facebook post, pinasalamatan ni Bam si Anne sa kanyang patuloy na pagsuporta. 


“Masaya akong nakasalubong at nakakuwentuhan ka nang saglit sa airport habang papunta sa kani-kanyang mga flight natin! Your support means a lot to us at sa ipinaglalaban natin sa ating kampanya.”


Bukod kay Anne Curtis, ilan pang kilalang personalidad ang nagpahayag ng suporta kay Bam Aquino tulad nina Edu Manzano, Dingdong Dantes, rapper/actor/director/vlogger Pio Balbuena, Bea Binene, Janine Gutierrez, at talent manager at entertainment reporter na si Ogie Diaz.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Apr. 4, 2025



Photo: Sinagtala


Totoo pala at hindi chismis lang na maganda at matino ang pagkakabuo ni Direk Mike Sandejas sa drama-musical movie na Sinagtala The Movie na pinagbibidahan nina Rhian Ramos, Rayver Cruz, Glaiza de Castro, Arci Muñoz at Matt Lozano bilang bumubuo ng bandang Sinagtala.


Napanood na namin ang movie sa block screening nito last Apr. 2 sa SM Aura na sayang at si Matt lang ang nakadalo dahil may kani-kanyang prior schedule ang iba pang lead cast.


Ang ganda ng pagkakatahi ng istorya na nabigyan ng equal exposure ang limang bida at talagang nai-present ni Direk Mike ang kani-kanyang journey nila.


Hindi na kami nagulat kina Rhian, Rayver, Glaiza at Arci na pare-pareho na naming napanood umarte. Pero rebelasyon sa amin si Matt na may ibubuga rin pala sa pag-arte at tumatak sa amin ang dalawang eksena nila ni Benjie Paras na gumaganap na tatay niya sa movie.


Very touching ang mga naturang eksena nila kung paano niya sinabi sa ama na bading siya at kung paano tinanggap ‘yun ni Benjie na dating basketball player kaya astig at brusko.


In real life, okay daw ang relasyon ni Matt sa kanyang ama at suportado nito ang pag-aartista niya. 


Ang ina pa nga raw niyang GMA-7 executive na si Ms. Elaine Lozano ang mas tutol nu'ng una sa pagpasok niya sa showbiz dahil pinoprotektahan daw siya nito na hindi maranasan ang hirap na dinaranas ng mga nag-a-aspire na mag-artista.

Single sa ngayon si Matt after an 8-year relationship with a non-showbiz girl. Ine-enjoy daw muna niya ang kanyang singleness dahil nagagawa niya ang mga gusto niyang gawin tulad ng pagmo-motor.


In fact, nang ma-brokenhearted daw siya, bumili talaga siya agad ng big bike para pagkaabalahan.


Samantala, sa Sinagtala The Movie, may scene na binigyan siya ng prostitute (played by Arci) ni Benjie Paras kaya tinanong namin si Matt if puwede rin ba siyang ma-in love sa isang prosti in real life.


Medyo napaisip ang guwapong aktor na may hawig kay John Estrada bago sumagot na kung past naman na raw at hindi na ginagawa ng girl ay puwede naman, pero ibang usapan siyempre ‘yung kapag ayaw nitong iwan ang trabaho.


Well, showing na simula nu'ng April 2 ang Sinagtala, The Movie na isang barkadahan movie na may puso at mapapatanong ka rin talaga sa sarili mo after watching this na “Ano nga ba’ng purpose ko in life?”


Ito kaya ang dahilan kaya napapayag si Sen. Alan Peter Cayetano na maging creative producer ng Sinagtala, The Movie?

What do you think, Jun Lalin?


Pareho raw mama's boy pero habulin ng chicks…

GARDO, IPINASA NA KAY KIKO ANG PAGIGING “MACHETE”





PROUD mama’s boy si Gardo “Cupcake” Versoza at du'n daw sila nagkapareho ng bida sa TV5 seryeng Lumuhod Ka sa Lupa na si Kiko Estrada.


Inamin ito ng main kontrabida sa LKSL sa ginanap na mediacon last Wednesday (April 2) para sa last 4 weeks airing ng serye.


Natanong kasi namin si Gardo at ang isa pang magaling na aktor na si Sid Lucero na gumaganap ding kontrabida kung paano nila ide-describe si Kiko bilang aktor base sa pagkakakilala nila rito sa isang taon nilang pagsasama sa taping ng serye.


Unang sumagot si Sid at pinuri nga si Kiko na bukod daw sa looks at magandang height, asset din nito ang kanyang passion for his work na kung ilarawan nga ni Sid, “He's a fireball,” kung saan ibinibigay daw lahat ni Kiko ang kanyang makakaya kaya napapadali ang trabaho nila sa taping.


Then, nu'ng turn na ni Gardo, du'n nga niya sinabi na pareho silang mama's boy ni Kiko.

“Siyempre, basta mama's boy, you won't go wrong,” katwiran pa niya.


Nakikita raw niya ang kabataan niya kay Kiko bagama't mas malakas daw ang appeal ng anak nina Gary Estrada at Cheska Diaz.


Hirit pa ni Cupcake Gardo kay Kiko, “Ipapamana ko na sa ‘yo ‘yung pagiging Machete,” na sinagot naman ng huli na wala pa ring papalit kay Gardo bilang Machete.


At dahil likas na ma-chika rin talaga itong si Cupcake, ibinuking din niyang edge ni Kiko sa ibang action stars ngayon ang pagiging cariñoso kaya lapitin daw ng mga girls at ‘di na kailangang mamilit pa.


Acting wise naman daw, ang maganda kay Kiko ay open ito at always willing to learn, ‘di raw tulad ng iba na feeling alam na lahat ng bagay.


Heto na nga ang catch, may justification si Cupcake kung bakit nagiging babaero ang isang lalaki na may konek sa kanilang pagiging mama's boy ni Kiko.


“Kidding aside, sabi ko nga, ‘pag malapit ka sa magulang mo, lalo na sa nanay mo… kumbaga, ang dami ko nang na-encounter na sobrang babaero, pero kaya pala siya babaero is wala siyang makitang kagaya nu'ng nanay niya. So sabi ko, ‘Ay, na-justify ko na ‘yung sa ‘kin, kaya rin pala ako ganu'n nu'ng kabataan ko,” tawang-tawang sabi ni Gardo.

Naku, isang taon pa lang silang nagkasama sa Lumuhod Ka sa Lupa pero alam na raw lahat ni Gardo ang mga sikreto ni Kiko, ha?


So, ayan, malinaw nang sa serye lang sila mortal na magkaaway, but in real life, good friends sina Norman Dela Cruz (Kiko) at Benito Balmores (Gardo).


At marami raw dapat abangan na maiinit na action scenes sa last 4 weeks ng LKSL lalo na ‘yung mga eksena nila sa yate.


Mula sa direksiyon nina Albert S. Langitan, Roderick Lindayag, Zyro Oliver at Franz P. Radoc, kasama rin sa powerhouse cast ng LKSL sina Rhen Escaño, Sid Lucero, Ryza Cenon at Althea Ruedas.


Huwag palampasin ang huling laban ng galit, pag-ibig, at paghihiganti sa Lumuhod Ka Sa Lupa. Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 7:15 PM sa TV5’s #TodoMaxPrimetimeSingko, pagkatapos ng Frontline Pilipinas, at may catch-up replay ng 8:00 PM sa Sari-Sari Channel.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page