top of page
Search

NINA SENS. PING AT TITO.


ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 18, 2021



First time nagkaroon ng mahaba-habang interview with the press si 4th District of Leyte Representative Lucy Torres-Gomez kahapon via Zoom mediacon.


Tuwang-tuwa ang mala-diyosa pa rin sa gandang misis ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na finally, kahit lockdown at pandemic ay nakatsikahan niya ang mga kaibigang press people.


Of course, hindi na namin pinalagpas ang pagkakataon at tinanong na namin ang reaksiyon ni Congw. Lucy sa naging deklarasyon ni Sen. Tito Sotto may ilang linggo na ang nakararaan na kasama ang misis ni Mayor Goma sa kanilang mga kinokonsiderang senatoriables na under sa partido nila ng kanyang runningmate sa pagka-presidente na si Sen. Ping Lacson.


Pahayag ni Rep. Lucy, ikinatutuwa niya at proud siya na nakonsidera sa naturang posisyon at mapasama sa partido nina Sen. Ping at Tito Sen, pero sa ngayon, wala pa raw siyang final decision kung saang posisyon tatakbo sa 2022 elections.


Kinumpirma niyang tatakbo talaga siya dahil last term na niya sa pagka-kongresista, pero tinitimbang pa raw niya kung saang posisyon at hindi pa siya nakakapagdesisyon.


Para kay Congw. Lucy, hindi naman importante kung saang partido siya mapapasama dahil para sa kanya, ang bottomline ng pagiging public servant ay ang uri ng serbisyong maihahatid niya sa mga tao.


The mere fact na pinagkatiwalaan daw siya ng kanyang mga constituents sa Leyte for three terms, mahalaga raw na maibalik niya ang tiwalang ibinigay sa kanya ng mga tao.


So, kahit saang partido, wala naman daw issue 'yun kay Congw. Lucy.


Hindi lang daw siya aware sa naging statement ng kanyang mister na si Mayor Goma kamakailan na tatakbo lang daw senador si Rep. Lucy kung ito ay sa PDP-Laban na partido ng administrasyong Duterte. Mas mabuti raw na tanungin na lang si Mayor Goma tungkol dito.


Hanggang October pa naman ang filing ng candidacy kaya matagal-tagal pang makakapag-isip si Rep. Lucy kung sa pagka-mayor ng Ormoc, Leyte (palit kay Goma tulad ng unang napabalita) o sa pagka-senador siya tatakbo.


Samantala, natanong din namin si Rep. Lucy kung sa tingin ba niya, susundan ng unica hija nilang si Juliana ang yapak nilang mag-asawa na parehong public servants.


Sagot ni Congw. Lucy, hindi naman daw nila dinidiktahan ni Mayor Goma kung ano'ng gustong gawin ni Juliana. Binibigyan nila ito ng free will na pumili kung anong landas ang gustong tahakin at full support lang ang ibinibigay nila sa anak.


Sa ngayon, nasa 2nd year college pa lang si Juliana at mas focused daw ito sa sports na fencing bukod sa pag-aaral.


When it comes sa love life ni Juliana, hindi rin nila ito sobrang hinihigpitan ni Mayor Goma at mas gusto nga raw nilang dumadalaw sa bahay nila ang mga manliligaw ng anak para mas nakikilala at nakikilatis nila.


Normal naman daw na makipagkilala si Juliana at ma-in love at naiintindihan nila ito ni Mayor Richard kaya suportado nila ang anak na masunuring bata naman daw at hindi pasaway.


So there!

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 15, 2021




Bukod sa pagka-come out ni Raymond Gutierrez kamakailan, may matindi palang pagsubok na pinagdaanan ang pamilya Gutierrez.


Nabasa namin ang post kahapon ni Ruffa Gutierrez sa kanyang Instagram account kung saan kasama ng picture nila ng kanyang Daddy Eddie ang caption na: "The weeks leading up to my departure for the U.S. was tough. I experienced a tornado of emotions which I kept exceptionally private.

"This much I can share: Dad had an operation and it was a success. He has been cleared of prostate cancer. Thank you, Lord!"


Kasunod nito ay pinasalamatan ni Ruffa ang mga naging dahilan para maging successful ang operation ng kanyang ama, gayundin ang mga nagdasal para sa kaligtasan nito.

"Our family would like to thank ALL the doctors and nurses who took care of Dad at St. Luke’s Quezon City. Special mention to the BEST urologist and anaesthesiologist, Dr. Steve & Joyce Lim. He is on the road to a full recovery thanks to your expertise and pag-aalaga.

"Sa mga nagdasal para kay Dad, maraming salamat. You know who you are.

"Sending LOVE to everyone who’s trying their best to heal from things they don’t discuss. Keep the faith, pray and stay strong."

 
 

SA TWITTER KA NAGTATANONG.


ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 08, 2021




Na-bash na naman si Senate President Tito Sotto dahil lang sa kanyang simpleng tweet sa Twitter account niya last Aug. 5 na ganito ang nakasaad: "Out of 6,879 Covid positive cases the other day, how many did they test for Delta variant? All? Where? What lab?"


Kung uunawain ang mensahe ni Tito Sen, tipong duda at kinukuwestiyon nito ang kredibilidad ng figures na inilalabas ng DOH kaugnay ng COVID cases at Delta variant na mas pinangangambahan ngayon.


Sa reply section ng kanyang tweet, may mga netizens na um-agree naman kay Sen. Tito dahil mukhang duda na rin sila kung bakit napakabilis ng pagtaas ng cases ng Delta variant pero wala namang ibang detalyeng inilalabas ang Dept. of Health.


Sabi ni fathermucker, "Wala po eh, kung 'yung COVID na 'yan, 'di naman na-isolate ng CDC, eh, sa paanong paraan po magkaka-variant?! It's about control lang po... COVID is hoax po."

Pero may ilan namang binash si Tito Sen dahil naturingan daw itong nasa posisyon, bakit sa Twitter pa nagrereklamo?


Sabi ni @nettky, "Government official ka, di alamin mo? Magtulungan, 'wag puro salita."

Agree rin si @Bhyron, "Ask yourself, provide us the info. May access ka, 'di ba? Senador ka. Tanungin mo ba naman ang Twitter."


From userlynn9, "Tito Sen, pumunta ka sa Davao, mag-attend sa meeting ng amo mo para malaman mo. Hindi dito sa Twitter ka nagtanong kasi lumabas ka na eng-eng dito."


Isang Juan dela Cruz naman (troll account kaya?) ang nagsabing, "Gunggong! Senator ka and you’re asking these questions on Twitter? Gamit-gamit din ng kukote 'pag may time."


Feeling namin, gusto lang marinig ni Tito Sen ang opinyon ng bayan kung tulad niya ay duda rin sa mga nangyayari ngayon.


Pero may punto rin ang mga netizens na since nasa posisyon naman ang aktor-pulitiko, eh, umaksiyon na siya at 'wag puro tweet lang.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page