top of page
Search

NG KASALANAN SA PANLOLOKO KAY BEA.


ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 30, 2021




Parang nabunutan ng malaking tinik sa dibdib si Janus del Prado nang isa-isa niyang ilabas ang mga sama ng loob niya sa kaibigang (or ex-friend?) si Gerald Anderson, na itinago niya sa initial na "G", sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz sa vlog nito sa YouTube.


Ayon kay Janus, three years niyang kinimkim ang mga nangyari at nanahimik sila sa 'ghosting' issue nina Gerald at Bea dahil 'ika nga niya, 'pinatay' ang isyung ito that time.


Kung sino ang pumatay, hindi naman siguro si Magellan. Char!


Sa naturang two-part interview kay Janus, inilarawan niya si Gerald bilang "narcissistic, untouchable at manipulative" base na rin daw sa mga ginawa nito hindi lang kay Bea kundi maging sa kanilang mga kaibigan ng aktres.


Bagama't nakatago nga sa initials ang mga taong involved sa isyung ito, inisa-isa naman ni Janus ang pinagmumulan ng 'gigil' niya kay Gerald.


Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob niya rito at sa tanong kung magkakaayos pa sila, aniya, "Manggagaling sa kanya 'yun (first move). 'Wag n'ya nang gawing public, 'wag na siyang magpainterbyu na naman. Sabi ko nga, kung sa simula't sapul pa lang, kung inako n'ya na lahat at nag-sorry s'ya, tapos na 'to by now."


Akuin lang daw ni Gerald ang naging pagkukulang nito kay Bea at sa kanilang magkakaibigan, mapapatawad naman nila ang aktor.


"Man up! Man up!" dagdag pang hamon ni Janus.


Feeling kasi ni Janus, walang sincerity 'yung paghingi ng tawad ni Gerald sa interbyu sa kanya ni Tito Boy Abunda dahil nga isinapubliko pa nito. At feeling din niya, ginagamit ni Gerald ang isyu sa kanila ni Bea para pag-usapan ang show niyang Init sa Magdamag.


"Puwede namang 'di mo sagutin... No comment... Bakit sinagot mo pa?" katwiran ni Janus.


Samantala, sa tanong ni Ogie kung may dapat ba siyang ihingi ng sorry kay Miss Universe Pia Wurtzbach na nadamay sa issue dahil sa inilabas niya sa Instagram post niya na initial nitong "P" at sa milagrong nangyari kina "G" at "P" sa set ng MYP (My Perfect You), sagot ni Janus, wala siyang dapat ipag-sorry.


"May kailangan ba akong ihingi ng sorry? Parang wala, eh.


"Pero sa tingin ng iba, meron pa raw akong idinamay na isa (Pia). 'Yun 'yung nangyari, eh. 'Yun 'yung totoo, eh, and I guess, parehas lang sila ng level ng kasalanan nu'n, 'di ba? Hindi naman s'ya pinilit. Aware naman s'ya na boyfriend 'yun ng kaibigan niya."


Para sa kaalaman ng mga bago pa lang "sumasawsaw" (read: nakiki-chismis) sa isyung ito, naging magkaibigan sina Bea at Pia dahil sabay silang nag-start sa Star Magic ng ABS-CBN.


"Kailangan ko pa bang ihingi ng sorry 'yun kung may nadamay na initials? Tingin ko, wala akong dapat ihingi ng sorry regarding that issue," with conviction pang sabi ni Janus.


Kumakagat din ang mga salitang binitiwan ni Janus laban kay Gerald kung bakit walang nagtatanggol sa aktor sa kabila ng mga banat niya rito sa social media.


Aniya kay "G", "Magtaka ka kung bakit 'di ka ipinagtatanggol ng mga kaibigan mo, G. Ang dami mong kaibigan, 'di ka ipinagtanggol ever since pumutok ang issue. Du'n ka magtaka."

Intriguing din 'yung ibinulgar ni Janus na tinanggihan pala si Gerald ng isang ex-girlfriend niya na makasama sa isang proyekto.


"Madaming may ayaw sa iyo. Biruin mo, 'yung isang ex mo, tinanggihan 'yung show dahil sa 'yo? Ibig sabihin, kailangan mo nang tingnan ang sarili mo," pasabog pa ni Janus.


Pero kung durog na durog si "G" sa mga rebelasyon ni Janus, never naman daw nagbitaw ng masamang salita ang BFF ni Bea Alonzo laban sa GF ngayon ni Gerald na si Julia Barretto.


At dapat ipagpasalamat ni Julia na dahil 'yan sa kanyang amang si Dennis Padilla na sabi nga ni Janus ay napakalaki ng respeto niya sa beteranong aktor-komedyante dahil sa magandang pinagsamahan nila.


Well, sa ngayon, pagkatapos mailabas ni Janus ang mga 'nalalaman' niya, mananahimik na raw siya. Pero may banta rin siyang kapag muling ginamit ni Gerald ang kanyang kaibigang si Bea Alonzo, eh, alam na this!

 
 

RIN KALULUWA KUNG MANAMIT.


ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 28, 2021




Hindi nakakatuwa ang pagtatanggol ng ilang Sharonians sa kanilang idolong Megastar na si Sharon Cuneta kung ang panganay na anak naman nitong si KC Concepcion ang dudurugin nila sa social media.


Nakakaloka ang ilang comments na nabasa namin sa isang IG post ni Ate Shawie kung saan nagkaroon ng diskusyon ang mga netizens kung bakit parang mas love raw ng Megastar si Frankie kesa kay KC, base na rin sa mga emote ngayon ng singer-actress na sobra siyang nalulungkot sa pag-alis ng anak nila ni Sen. Kiko Pangilinan para ipagpatuloy ang pag-aaral sa New York.


Tanong-comment ng netizen na si nikki_anfone sa latest IG post ni Mega, "I mean no disrespect Ms. Sharon, I'm a Sharonian 100% and bec of this, I've come to love KC as well. I'm just wondering why KC is always excluded in your closely-knit fam? You mention everyone except her... Just wondering?"


Isa sa mga nag-reply sa comment ni nikki_anfone si oneheart0028 at sagot nito sa comment ng isa pang netizen na si @rosy_0317 na nag-reply din kay nikki_anfone (published as is), "You talk as if alam mo nangyayari sa kanila.. Di ba si sharon nagpalaki sa kanya. Di ba si Sharon nagpaaral, di ba nagtrabaho siya na parang kalabaw for herself and KC after the separation, Di ba si Sharon invited KC to bring her suitors sa ahay nila. PINAGLUTO pa mi Sharon mismo. Teka ilan ma ba pinakilala ni KC sa mama niya. Ilan BF na ni KC ang sumama pa sa family vacations nila sa thailand, japan. Ilan anh kasama sa Christmas and New Years eve salu salu nila...


"Siguro kunv masama si Sharon di siya pumayag ng ganoon. Yung manamit si KC na parang sadyang pi apakitq yung ano niya. Kung nanay ka di ba pwedeng pagsabihan

"Where was KC when si sharon binatikos ng below the belt. Palaging silent. Si sharon defendef Kc nung issue about Piolo. Ayun , sa nanay pa nagalit....

"Natuwa naman mama when sila ni Pierre. Anonv nangyari. Nag sama pa yung dalawa sa paris, US at dito sa manila. Ayun kasama ulit sa Xmas celebration. Tapos ano, wala na naman.... Bakit walang tumatagal na lalaki sa kanya kung matino at ok siya... And NOW, gusto niyonv ipalabas na si Sharon pa may pag kukulang.... The kni ea she has iswd to nreak her Moms heart are more hurting. Kaya di rin masisi si sharon na laging pinupuri ana."


Sabi naman ni cuneiform_me, "@rexvien correct. Noon pareho sila nasa Philippines ng nanay niya, halos magkalapit lang mga Condos nila, pero never, never niya madalaw o bisitahin man lang ang Nanay niya! masama ugali, ibang klaseng anak yan…kaya niya tiisin ang Nanay niya… fan ako nila pero iba na ugali ni KC… parang masaya siya that she’s hurting her morher’s feelings…(by d way blocked ako sa IG ni KC, why? I just mentioned her Mom… grabe diba.. tsk tsk.."


'Kalokah! Kung totoong mga fans sila ni Sharon Cuneta, tama bang pagsalitaan nila nang masama ang mismong anak nito kesehodang may mga pagkukulang si KC sa nanay niya?


Kung meron mang unang-unang masasaktan sa mga pumipintas kay KC, si Sharon 'yun!

Ewan lang kung nabasa na ng Megastar ang mga pinagsasabi nila laban kay KC. Let's wait and see kung ano'ng magiging reaksiyon nito.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 27, 2021




Mukhang pansamantalang titigil at mananahimik na si Janus del Prado sa mga patutsada niya kay Gerald Anderson, na in fairness, tahimik lang din at hindi na pinatulan ang BFF ng kanyang ex-GF, para siguro hindi na nga lumaki ang issue.


Sa latest Instagram post kasi ni Janus kahapon, sabi niya, "Tsaka na ako magpapaulan ulit ng tsaa 'pag ginamit na naman si B for promo."


Oh, ha? Siguro naman, alam na ni Gerald ang ibig sabihin ni Janus sa pagbabanta niyang 'yan kaya nga quiet na lang talaga ang BF ni Julia Barretto at sabi nga, let the issue die down naturally.


Less talk, less mistake. Ceasefire muna.


Oh, mga ka-BULGAR, change topic!


Ay, oo nga pala, don't forget to watch Ateng Janiz Navida sa aking daily online showbiz-oriented show, ang #CelebrityBTS Bulgaran Now sa BULGAR Facebook page every 3 PM, at tiyak, mabubusog na kayo sa latest, updated pa sa pinaka-fresh chika!


So, kitakits, mga minamahal kong chismosa! Charot!!!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page