top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 05, 2021




Kinumpirma ni Atty. Ferdinand Topacio na tuloy na tuloy na ang comeback film ni Claudine Barretto sa kanyang Borracho Film Production at reunion movie na rin ng aktres sa ex-boyfriend na si Mark Anthony Fernandez.


Co-producers ang Borracho Films at Viva Films sa movie na ang final title raw (hopefully, pagkatapos ng tatlong unang naisip na titles) ay Deception.


Dapat pala ay magsisimula nang mag-shooting sina Claudine at Mark para sa movie ngayong June 5, pero ayon kay Atty. Ferdie, nakiusap si Clau kung puwedeng ma-move na lang sa June 10 dahil na-expose raw ito sa isang kamag-anak na COVID positive kaya naka-quarantine ngayon si Claudine at kahapon nga ang scheduled swab test.


Kung magnenegatibo ang resulta ng test kay Clau, tuloy na sila ng shooting sa June 10, pero kapag nagpositibo ang aktres, siyempre ay made-delay na naman ang shooting dahil kailangan itong mag-quarantine hanggang sa magnegatibo sa COVID.


Basta ang tiniyak ni Atty. Ferdie ay tuloy na tuloy ang movie dahil umoo na rin naman sa kanya si Claudine at inaayos na nga raw ang advance talent fee nito.


Muntik pala kasing hindi matuloy ang Deception dahil nagkaroon ng tampuhan sina Atty. Ferdie at Claudine.


Nabuking sa Zoom presscon ng movie na nang magalit si Atty. Ferdie kay Clau, nasabi nitong papalitan niya na ang aktres ng sinuman kina Jodi Santamaria, Cristine Reyes at Julia Montes.


Pero tawa lang nang tawang depensa ni Atty. Ferdie, lasing lang daw siya nang masabi 'yun.


Good thing, nagkaayos na rin naman sila dahil ang tunay na magkaibigan daw, nagkakatampuhan man, nagkakaayos din dahil marami na silang pinagsamahan.


Well, abang-abang na lang tayo sa mga susunod pang pangyayari dahil for sure, lagi namang may update si Atty. Ferdie.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 03, 2021




Ang cute at 'kaaliw ang bukingan nina Luis Manzano, Jessy Mendiola at Alex Gonzaga sa second episode pa lang ng bagong vlog ni Luis sa kanyang YouTube channel na Lucky TV titled Wifey Vs. Bestie.


Ang naisip na concept ni Luis, tanungin ang misis na si Jessy at ang bespren niyang si Alex ng mga questions about himself at dito malalaman kung sino ang mas higit na nakakakilala sa kanya sa dalawang pinakamalapit na tao sa kanyang buhay.


First question ni Luis ay ilan daw ang mga naging girlfriends niya.


Sagot ni Alex ay apat, pero ang sagot ni Jessy ay lima.


Alam naman sa showbiz na ang mga nakarelasyon ni Luis ay sina Nancy Castiglione, Angel Locsin, Jennylyn Mercado at Jessy Mendiola.


Pero ibinuking ni Jessy na grade 1 pa lang si Luis ay may naging GF na siya, na artista rin daw ngayon, ha?


Naku, sinetch itey? Blind item? Lol!


Isa naman sa mga questions ni Luis ang muntik nang mag-walkout si Jessy dahil sa 'sumbat' ng kanyang "Howhow".


Ang tanong kasi ni Luis, "What would I grab first if my house was on fire?"


Sagot ni Alex, "'Yung relo mo."


Sey naman ni Jessy, "Phone mo."


Nagulat si Luis at sabi kay Jessy, "'Di mo man lang alam kung ano 'yung uunahin ko?"


Sagot ni Jessy, "Ang dami, eh!" habang natatawa.


Tanong uli ni Luis, "Sino ka?" na dinagdagan pa nito ng linyang, "Nasa'n 'yung pinakasalan ko?"


Du'n na tipong napahiya si Jessy at muntik mag-walkout pero kunwari lang pala.


Pag-amin naman ni Luis, 'yung unan o pillow niya mula pagkabata niya na hindi nalalayo sa kanya at dala-dala niya kahit sa mga travels nila abroad ang unang-una niyang ise-save sa sunog.


Apparently, parang asawa na pala ni Luis ang unan na 'yun na yakap-yakap niya sa kanyang pagtulog at hindi niya kayang mawala ito sa kanya.


Kuwento pa nga niya, minsang mawala ang naturang unan nang mag-check-in siya sa Manila Pen, talagang ipinahalughog niya raw sa housekeeping mahanap lang ang unan na 'yun na kasa-kasama niya na mula pagkabata niya.


Oh, 'di ba? At least, unan lang ang karibal ni Jessy sa kanyang mister, ha?


So, kung may iba mang kayakap si Luis sa gabi bukod kay Jessy, ang kanyang 'mahiwagang' unan lang 'yun!


Pak!


Anyway, congrats kay Luis dahil one day pa lang matapos niyang i-upload ang kanyang bagong vlog, eh, may 1 million plus views na ito.


'Kaaliw naman kasi talaga ang mga banat nitong si Lucky, eh! Ibaaaaaah!

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 26, 2021




Mukhang mahaharap sa malaking problema ang Kapamilya actor na si Tony Labrusca kapag itinuloy ng isang businesswoman ang demandang acts of lasciviousness o sexual harassment dahil umano sa ginawa sa kanya ng aktor sa isang intimate party nu'ng January this year.


May nakapagbulong sa amin ng diumano'y pangha-harass na ginawa ni Tony sa naturang negosyante, pero hinihintay pa namin ang go signal ng aming source kaya 'di pa namin maikuwento nang buo ang pangyayari.


Pero sa nakarating sa aming impormasyon, diumano, nu'ng malasing na si Tony at waring hindi na alam ang ginagawa, ibinaba nito ang dalawang strap ng suot na white spaghetti blouse ng negosyante, dahilan para mag-hello ang boobs nito.


Samantala, tsinek namin ang Instagram account ng business partner ng negosyanteng diumano ay binastos ni Tony sa party, base na rin sa itsinika ng aming source.


Nakita nga namin ang sunud-sunod na posts sa IG ng nagngangalang Drake Ibay kung saan inilabas nito ang mga screenshots ng usapan nila ng nanay ni Tony na si Miss Angel Jones, gayundin ang sinasabing short video clip ng diumano'y pangha-harass ni Tony sa negosyanteng may pangalang Nadine.


Although hindi masyadong mapapansin sa video ang pagbaba ni Tony sa magkabilang strap ng suot na blouse ni Nadine, makikita namang hinawakan ng girl ang boobs niya nang bahagyang mahubaran.


Ang unang post ni Drake Ibay sa kanyang IG account ay screenshot ng convo nila ng nanay ni Tony na nilagyan niya ng statement niyang "What the f*ck? Haha! You can say that to me, but not to my family."


At sa caption ay mababasa ang: "missangeljones You can say these sh*t about me but not to my family. You are a fucking liar, you twisted everything that happened that night.

"I was the one who stopped everyone from filing cases against you on what you guys did to my brother and my friend.

"I’ve been quietttt about it for the longest time but. F*CK. Yes. CLASS REALLY CAN’T BE BOUGHT."


Kasunod na post ni Drake ay ang art card na nagsasabi ng nilalaman ng Article 336 o Acts of Lasciviousness na tipong gustong ipahiwatig na may plano silang idemanda si Tony.


Pangatlong post nito ay picture ng isang memo na tungkol sa "Request for Physical Examination" dahil batay sa mga nabasa naming kasunod na posts ni Drake ay nasaktan ng lasing na si Tony ang kapatid niya sa mismong bahay nila kung saan ginanap ang intimate party.


Caption naman ni Drake sa post niyang 'yun na copy ng memo, "What is your excuse for this demonic act?"


Kasunod na post ni Drake ay ang screenshot ng video ng diumano'y pambabastos ni Tony, although tinakpan ang mukha ng aktor ng isang malaking emoji ng face with wide open eyes.


May nakasulat din sa picture na: "Is getting drunk an excuse to sexually harass somebody!???"


At caption nito ay: "We had fucking videos of that night. You asshole. DO. NOT. TWIST. THE. FUCKING. STORY."


Ipinost din ni Drake ang screenshot ng convo ng nanay ni Tony at kausap nito kung saan mababasang tinatanong ni Ms. Angel kung totoo bang worth P177K 'yung bag na ibinigay sa kanya ni Drake dahil balak niya itong ibenta.


Caption ni Drake sa post: "You can sell it. HAHA. That’s just trash to me anyway. #class"


Samantala, inilabas din ni Drake 'yung message sa kanya ni Miss Angel Jones kung saan may sarili itong version ng paliwanag sa nangyaring gulo nu'ng gabing 'yun. Nilagyan ito ni Drake ng malaking word na "LIES" at ang caption niya rito ay: "LIES vs TRUTH. You can twist the story but never the truth. #opportunist

"Running for your lives!? When CCTV said you were chill and your son was the one who kept on insisting to come inside my house after what he did!??? Why twist the story?"


Kasunod na post ang mismong video clip na nga ng nangyari that night.


Caption dito ni Drake: "No fucking wonder your son acts like that. Because she was raised by you. #predator"


Marami pang kasunod na posts si Drake Ibay, pero as of now, wala pa kaming naririnig na update kung handa na ring magsalita at magsampa ng kaso ang negosyanteng nakilala lang sa pangalang Nadine na kaibigan at business partner nga raw ni Drake dahil sa ginawa sa kanya ni Tony Labrusca.


Bukas din ang aming pahayagan para sa panig ng mag-inang Tony Labrusca at Angel Jones.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page