top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 25, 2021




Nagluksa hindi lang ang mundo ng pulitika kundi maging ang entertainment industry sa untimely death kahapon ni dating Pangulong Noynoy Aquino dahil sa sakit sa bato na bunsod ng kanyang pagiging diabetic.


Kani-kanyang post ng pakikiramay ang mga kaibigang artista ng pamilya Aquino sa pangunguna ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez, Vice Ganda, Angel Locsin, Ms. Charo Santos, Kim Chiu, Robin Padilla, Julius Babao, Karen Davila, Erik Santos, Dingdong Dantes, Pokwang, Martin Nievera at marami pang iba.


Maging ang mga babaeng na-link at napabalitang naka-date noon ng pumanaw na kuya ni Kris Aquino na sina Liz Uy at Korina Sanchez-Roxas ay nagpaabot din ng pakikiramay sa pamilya Aquino.


Nag-post si Liz ng larawan ni ex-P-Noy habang naglalakad at nilagyan niya ito ng message na "Rest in peace" na may kasamang heart emoji.


Piktyur naman ni ex-P-Noy nu'ng medyo bata-bata pa at malaman-laman pa ito ang ipinost ni Ateng Korina, at sabi niya sa caption: "Sad day. Gone too soon. Many presidents have come and gone. But PNOY I knew. Thank you for your friendship. Most of all, gratitude for service to our country. Godspeed. Bon voyage. Be happy in eternity with your parents, your fellow Filipino heroes."


Tsinek din namin ang IG account ng dalawa pang na-link kay ex-P-Noy na sina dating Konsehal Shalani Soledad at TV host Grace Lee, pero habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pa kaming nakitang mensahe ng pakikiramay nila.


Pero baka naman personal nang ipinaabot o ipinarating sa pamilya Aquino, puwede rin.

Taos-puso kaming nakikiramay sa pamilya Aquino at hangad namin ang mapayapang paglalakbay patungo sa Poong Maykapal ni ex-Pres. Noynoy Aquino.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 22, 2021




Na-happy naman kami for John Lloyd Cruz nang makita naming nag-bonding sila ng kanyang anak na si Elias Modesto nu'ng Linggo bilang selebrasyon sa Father's Day.


May mga nabasa kaming sa Boracay nagpunta ang mag-ama kung saan sumakay pa sila sa yate.


Touching din 'yung video kung saan binigyan ng hand-made card ni Elias si Lloydie bilang Father's Day gift nito sa ama. Ewan lang kung sino ang gumawa ng card na inabot ni Elias, pero siguro naman, hindi si Ellen Adarna, 'no?!


Nakita rin naming niyakap nang mahigpit ni John Lloyd ang anak at nag-kiss sila sa lips pagkatapos.


Ang nakakatawa lang, huling-huli sa video na pagkatapos mag-kiss, tumalikod si Elias kay John Lloyd at pinunasan ang bibig ng suot na sando.


Wahhhh! Tipikal na bata!


Pero cute na cute talaga kami kay Elias, sa totoo lang!

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 18, 2021




Hindi na nakapagpigil si Robin Padilla at sinagot ang mga nang-iintriga sa closeness niya kay Sen. Bong Go na right-hand at confidante ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Pati kasi 'yung pagbati nila ng kanyang anak na si Isabella kay Sen. Bong Go ay binigyang-kulay ng mga anti-DDS at inaakusahan si Robin na ginagamit ang friendship nila ng senador para makinabang sa gobyerno.


Sa isang Instagram post ni Robin, inilagay niya sa caption ang kanyang nasasaloob sa mga nag-aakusa sa kanya dahil nga sa friendship nila ni Sen. Go.


Aniya, "A friend is a friend

"But i am no political Friend nor a business Friend.

"I am a personal friend without poltical and business benefits.

"I love and support my friends because they love me and they support me but never for political nor business matters."

May matapang ding hamon si Binoe sa isang ex-senator na aniya, "One ex-senator was threatening me of an investigation when his time comes, I said he is very welcome, if he finds out anything truthful that I gained money or power in my friendship then I will cut both of my hands publicly as an example and my guilt, but if he is wrong he should cut both of his hands for accusing me of lies.


"Never judge me nor my statements nor my advocacy projects as a propaganda of the administration because I am not connected to them nor I am employed by them."


Dagdag pa ni Robin, imbes nga raw maging asset ay liability pa ang pagiging close kay Sen. Bong Go.


"In truth it is more difficult to deal with the agencies of government because of that friendship. Sa akin pa nga mas mahigpit dahil nakabantay lahat at nag-aantay sa isang pagkakamali ko.

"This birthday greetings for Senator Bong Go was from the bottom of our hearts, we were not paid nor forced to make it.

"Isabela knows her ninong because her ninong regularly sends her suha/grape fruit because it's her favorite that is why she remembers him."


Ohhhh! So, kung may naibibigay man si Sen. Bong Go sa pamilya ni Robin ay suha lang naman pala!


'Yun, oh!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page