top of page
Search

MADLANG PIPOL KAY JINKEE: AMBISYOSA!


ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 25, 2021




Ewan kung makakatulong sa nababalitang pagtakbo diumano ni Sen. Manny Pacquiao sa pagka-pangulo sa 2022 elections ang pagiging totoo ng kanyang misis na si Jinkee Pacquiao at pagbibitaw ng pahayag na hindi naman masamang mangarap na maging First Lady siya ng 'Pinas.


Lumabas ang diumano'y pahayag na ito ni Jinkee matapos mainterbyu sa isang broadsheet ang kaibigan ng mga Pacquiao na si Tita Annabelle Rama, na nagtanong daw minsan kay Jinkee kung handa na ba siyang maging First Lady ng bansa.


Ang naging sagot diumano ni Mrs. Pacquiao kay Tita Annabelle ay: "Tita naman, sana magdilang-anghel ka. Siyempre, 'di naman masamang mangarap, pero wala pa sa ulo ko 'yan."


Kahit sabihin pa ni Jinkee na hindi pa ngayon 'yang pangarap niyang maging First Lady, marami pa rin sa mga kababayan natin ang naalarma at nag-react dahil mukhang totoo ngang tatakbo nang pangulo si boxing champ Manny Pacquiao sa upcoming elections.


At eto na nga, full support naman pala si Jinkee sa pagtakbo ng kanyang mister at tulad nga ng sinabi niya, malinaw na inaambisyon din niyang maging First Lady.


'Yan ay kung saka-sakaling pagkakatiwalaan ng ating mga kababayan si Sen. Manny Pacquiao para maupo bilang pangulo ng Pilipinas.


Pero dahil nga sa paglabas ng pahayag na 'yan ni Jinkee, umani siya ng samu't saring reaksiyon mula sa madlang pipol, na karamihan ay nagsasabing "ambisyosa" at "ilusyunada" ang misis ni Sen. Manny Pacquiao.


Ano naman daw kaya ang gagawin ni Jinkee sakaling maging First Lady siya, ang mag-exhibit lagi ng kanyang mga milyones na branded bags, dress and shoes?


Hamon pa ng iba, ibenta ni Jinkee ang kanyang mga luxury collection nang makatulong sa mahihirap at baka sa ganu'ng paraan, pagkatiwalaan pa ang kanyang mister sa layuning patakbuhin ang Pilipinas.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 22, 2021



Totoo nga kayang ginamit ni Vice Ganda bilang bahagi ng kanyang comedy spiels-jokes sa nakaraang digital concert niyang Gandemic ang mag-amang sina Pangulong Rodrigo Duterte at Davao Mayor Sara Duterte?


May nakita kasi kaming post ng isang fan page ni Vice, ang praybeyt_ketchup, kung saan kasama ng picture ng Unkabogable Star na kuha sa nakaraang concert nito ang isang statement na ganito ang nilalaman…"May mas matindi sa J&J (Johnson & Johnson)! 'Yung D&D: Duterte and Duterte. Hindi tinuturok. Minumura lang 'yung vee-rus: 'P*tang ina mo!'"


Ang witty-witty ng naturang punchline ni Vice (kung totoong sinabi niya ito sa concert, ha?).


Pero siyempre, kung may mga natawa at nagkagusto sa kanyang binitiwang pahayag, meron din namang na-offend at nagsabing "'Wag gano'n, Vice!"


Naku, ha? Hindi kaya mag-react na naman si Pastor Apollo Quiboloy lalo't close ito kay Pangulong Digong?


Hala!!!


Sana lang ay bakunado na si Meme Vice Ganda para protektado na siya hindi lang sa COVID kundi sa kahit ano pang sakalam (read: malakas) na vee-rus d'yan sa tabi-tabi! Char!

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 05, 2021



Naku, ha? Kung wala palang Rayver Cruz sa buhay ngayon ni Janine Gutierrez, hindi kaya si Pasig Mayor Vico Sotto ang bet ng mudrakels ni Janine na si Lotlot de Leon para maging BF ng kanyang pretty daughter?


'Kaaliw ang post ni Lotlot sa kanyang IG account na throwback photo nina Janine at Mayor Vico nu'ng mga chikiting pa sila.


Sa picture, makikitang magkatabing nakatayo sa stage sina Mayor Vico at Janine kasama ang iba pang bata.


Caption ni Lotlot sa kanyang post, "Kay bilis ng panahon.. ang aking panganay na laging kasama dati sa school play at ang kanyang leading man ay walang iba kundi ang napakahusay na Mayor ngayon ng pasig. (heart emoji) Janine and Mayor Vico.


"Both meant to be great in their chosen careers! Napakasarap alalahanin at tignan!

Nakaka-proud talaga! (heart emoji) Hi babe! @janinegutierrez."


Nag-comment ng laughing emojis si Mayor Vico sa post ni Lotlot na sinagot naman ng nanay ni Janine ng "@vicosotto Mayor, proud of you!"


Sumagot uli si Mayor Vico ng "Thank you Tita @ms.lotlotdeleon! Last appearance ko po bilang artista 'yung play na 'to (laughing emoji)."


Iisa naman ang naging comment nina Janine, Rayver at maging ng mom ni Mayor Vico na si Ms. Coney Reyes --- pare-parehong natawa sa pa-throwback photo ni Balotsky!


Well, sayang, mas mabilis si Rayver kesa kay Mayor Vico, eh! Hehe!


------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------




Speaking of Mayor Vico Sotto, kung sikat na sikat ngayon ang kanyang pangalan dahil sa maganda niyang performance sa Pasig, ang kanyang daddy naman na si Bossing Vic Sotto, bagama't ilang dekada na sa showbiz industry ay nakakabilib na one of the most in demand at trusted pa ring endorser.


Imagine, taong 2014 pa pala nang unang kunin bilang brand ambassador ng Hanabishi si Bossing Vic, pero hanggang ngayon ay bahagi pa rin siya ng trusted appliance company.


Samantala, ang partnership naman ng Hanabishi at ng Eat... Bulaga! kung saan isa sa mga main hosts si Bossing Vic ay tumagal na pala ng isang dekada.


Pareho ang advocacy ng EB! at Hanabishi --- ang maghatid ng tulong sa mga nangangailangan nating kababayan, kaya naman 10 taon na silang magkaakibat.


"Nagsimula ang pakikipag-alyansa namin sa Eat... Bulaga! dahil naniniwala kami sa kanilang layuning makatulong bukod sa magpasaya. Sa Sugod Bahay segment nila, mas marami ang naabot ng kanilang programa. Karangalan namin na makatuwang sila sa pagbibigay ng mga papremyo lalo na ru'n sa nasa kanilang mga tahanan," ayon kay Hanabishi Appliances Marketing Consultant Ronwaldo Villanueva.


Nang tumagal, naging bahagi rin ang Hanabishi sa "Classroom ni Juan" ng EB! na naglalayong suportahan ang mga maralitang paaralan sa buong bansa.


Sa kampanyang ito, ang buong komunidad ay inengganyong mag-donate ng recyclable materials tulad ng plastic water bottles kung saan ang nalikom na pondo sa pagbebenta ay ginamit para pambili ng desks o mga upuan sa silid-eskuwelahan.


"Sa parte ng Hanabishi, naging partner namin ang Eat Bulaga! dahil ang kumpanya ang nag-donate ng ceiling fans, wall fans at water dispensers sa beneficiary schools," lahad ni Villanueva.


Nang magsimula naman ang pandemya, kabalikat ang Hanabishi ng Eat... Bulaga! sa pagsusumikap nitong tulungan ang mga frontliners sa pamamagitan ng pagkakaloob ng electric fans at washing machines sa mga piling ospital sa kalakhang Maynila.


Naging matagumpay din ang "Praktikal na Nanay" campaign nito na inilunsad 25 yrs. ago.


Kamakailan lang ay nagdiwang ang Hanabishi ng 35th anniversary.


"Mahigit na isang dekada na kami ng Eat Bulaga! at masasabi kong milestone ang pakikipag-alyansa namin sa kanila.We're also looking forward to more fruitful years of partnership with them," ayon pa kay Villanueva.


Ang Hanabishi at Eat... Bulaga! ay nagkakaisa sa kanilang misyon at bisyon na abutin ang bawat sambahayan saanmang panig ng Pilipinas.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page