top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 11, 2021



ree

Inirekomenda ni dating Senator Juan Ponce Enrile sa Food and Drug Administration (FDA) at Department of Health (DOH) ang Ivermectin bilang gamot kontra COVID-19, matapos niyang gumaling sa naturang virus dahil umano sa pag-inom nito.


Ayon sa panayam sa kanya, “Pati ‘yung asawa ko, pati ako, mga apo ako, pati lahat ng mga tauhan ko, pinainom ko. Walang naging side effect. Basahin ninyo ang literature niyan, walang namatay pa na recorded.”


Paliwanag ni Enrile, walang doktor na nag-prescribe sa kanya ng Ivermectin, sa halip ay sinubukan niya lamang iyon sa sarili upang malaman kung magiging epektibo sa sakit niyang COVID, gayundin sa ibang miyembro ng pamilya niyang nahawahan ng virus.


Giit pa niya, nagtataka siya kung paano sila nagpositibo sa sakit, gayung hindi naman sila lumalabas ng bahay at wala naman sa kanilang na-exposed sa COVID-19.


Aniya, malaking ginhawa para sa mga mahihirap kung maaaprubahan ng gobyerno ang Ivermectin sapagkat mura lamang ang halaga nito.


Sabi pa niya, “Ako ay nagtataka kung bakit hindi nila sinusubukan, eh, wala naman silang mairekomendang gamot, lalo na sa mga mahihirap. Hindi nila kaya ‘yung gamot na sumasalba sa buhay ng mga may kaya sapagkat mahal, P23,000 per injection yata, eh.”


Mensahe pa ni Enrile sa FDA at DOH, “Kung ako sa kanila, subukan nila. Take a chance. Try it. Anyway, wala namang namamatay... Walang side effect, eh. Wala. Kung may side effect ‘yan, I would be foolish to expose my family to it… I’m not advocating others to follow, in spite of the fact na umiinom kami n’yan, we still wear mask even in the house.”


Matatandaang pinayagan na ng FDA ang ‘compassionate use permit’ sa isang ospital upang gamitin ang Ivermectin sa pasyenteng may COVID-19. Gayunman, hindi rin nila ginagarantiya ang safety at efficacy nito laban sa sakit.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 9, 2021



ree

Nilinaw ng mga eksperto na hindi epektibong gamot sa COVID-19 ang veterinary product na Ivermectin, batay sa naging panayam sa miyembro ng Technical Advisory Group (TAG) na si Dr. Edsel Salvana ngayong araw, Abril 9.


Aniya, "The data studies that are coming out really don't show that it's working. Early data showed that maybe it works in a Petri dish, maybe it works in certain subsets of patients, but when they did the big clinical trials with proper controls for any kind of bias, it turns out it doesn't work."


Paliwanag pa niya, "The supposed anti-viral dose of Ivermectin is about 5 times or higher than. So, I'm really concerned as a doctor if there will be toxic side effects because we do know that there are neurologic side effects of Ivermectin if taken at higher dose or even in usual doses.”


Matatandaang pinayagan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang ‘compassionate use permit’ sa isang ospital upang gamitin ang Ivermectin sa pasyenteng may COVID-19. Gayunman, hindi rin ginagarantiya ng FDA ang safety at efficacy nito laban sa sakit.


"Unfortunately, we also have, aside from a viral pandemic, we have a pandemic of misinformation where everybody thinks they can read journals, read the science when they're not properly trained to do so. This is something we called epistemic trespassing where experts in some field feel that they can competently talk about something that's not in their field and that's really dangerous," sabi pa ni Dr. Salvana.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 8, 2021



ree

Pinayagan ng Food and Drug Administration (FDA) ang ‘compassionate use permit’ ng Ivermectin sa isang ospital upang gamitin sa pasyenteng may COVID-19, ayon kay FDA Director General Eric Domingo ngayong araw, Abril 8.


Aniya, “Na-grant na iyong special permit for compassionate use kasi alam naman namin na investigational product ito against COVID-19. May isang ospital na nag-apply for compassionate use at na-grant na nga nang araw na ito.”


Dagdag pa niya, "Ito lang naman po ang laging sinasabi ng FDA, hindi po kami kontra sa Ivermectin, kailangan lang po na irehistro ang produkto at dumaan lamang po sa tamang proseso ng pagsiguro po ng quality ng gamot na makakarating sa tao."


Matatandaang ipinagbawal ng FDA ang paggamit ng veterinary product na Ivermectin bilang alternatibong gamot sa COVID-19 dahil may masamang epekto ito sa tao.


Samantala, hindi naman binanggit ni Domingo kung anong ospital ang nagsumite ng ‘compassionate use permit’.

Sa ngayon ay 646,404 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page