top of page
Search
  • BULGAR
  • Oct 25, 2023

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 25, 2023




Halos burado na at sira-sirang gusali ang bumungad sa mga tao ng Gaza sa kanilang patuloy na paghahanap ng mga nakaligtas sa pag-atake ng mga Israeli sa isang drone footage sa Khan Younis nitong Martes, Oktubre 24.


Ayon sa Palestine police, nasawi ang halos 5,791 katao na resulta ng sunud-sunod na pambobomba ng Israel.


Samantala, patuloy naman sa pagkuha ng mga labi sa mga gumuhong gusali ang mga rescuer at residente at nagbabakasakali pa ring makahanap ng mga survivor sa pambobomba.






 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | October 23, 2023




Hiniling ng 59 Pinoy sa Lebanon na makabalik sa 'Pinas sa gitna ng lumalalang tensiyon sa pagitan ng Israel at ng Islamist group na Hezbollah, ayon kay Philippine Ambassador to Lebanon Raymond Balatbat noong Lunes.


Sinabi ni Balatbat na natanggap nila ang 59 aplikasyon para sa repatriation request noong Linggo, at inaasahan nila na may mas marami pang darating sa susunod na mga araw.


Inilagay ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong Sabado, ang bansa sa Middle East sa Alert Level 3 dahil sa patuloy na kaguluhan doon. Nagsimula ito matapos magpaputok ng mga baril mula sa Lebanon ang mga Palestinian militants, pagkatapos maglunsad ng malawakang atake ang Hamas laban sa Israel noong Oktubre 7.


“On Sunday morning when we held our meeting with the FiIipino community leaders, we already received 59 applications,” pahayag ni Balatbat interbyu ng CNN Philippines.


Ayon kay Balatbat, higit sa kalahati ng mga aplikante ang mula sa Beirut, at mula sa lugar ng Mount Lebanon.


Nasa halos 17,500 Pilipino ang naninirahan sa Lebanon.


Nagpapalitan ng putok ang Hezbollah ng Lebanon at militar ng Israel nang halos araw-araw mula nang atakihin ng Palestinian group na Hamas ang Israel noong Oktubre 7, at sumunod dito ang mga air strike ng Israel sa Gaza.


“We heard that a number of Lebanese families living near the southern border with Israel have already left the area and have come here to Beirut, so there is a lot of uncertainty and that’s causing really this panic among people here,” ani Balatbat.


Dagdag pa niya, sapat pa ang suplay ng tubig at pagkain sa Lebanon ngunit tiyak na magkakaroon ng problema sa malapit na hinaharap kung magkakaroon pa ng kaguluhan.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 20, 2023



Kinondena ni Gabriela Rep. Arlene Brosas ang tahasang pagpapahayag ng suporta ni Presidente Bongbong Marcos, Jr. sa bansang Israel nitong nakaraang Oktubre 11.


Pahayag niya nu’ng nakaraang Huwebes, Oktubre 19, hindi raw dapat nagbibigay ng suporta ang gobyerno sa ginagawang karahasan ng Israel bagkus ay ang pagkakaisa ng dalawang bansa ang dapat nitong matulungang makamit.


Ikinalungkot ng marami ang pagbibigay ng suporta ng Pangulo sapagkat marami na ang nawala sa nangyaring sunud-sunod na pag-atake.


Dapat daw kondenahin ang karahasang ginagawa ng Israel ngayon na kumitil sa libu-libong buhay ng mga Palestinians at hindi dapat na tawaging terorista ang mga militanteng Hamas.


Ani Brosas, “Expressing sadness is not enough. While some world leaders express their condemnation against Israel’s actions, it is disheartening to see the Philippine government offering ‘moral support’ to apartheid Israel and declaring Hamas as a terrorist organization.”


“These relentless acts of violence perpetrated by the Israeli Defense Forces (IDF) are clear violations of international humanitarian law and must also be condemned by the international community,” saad nito.





 
 
RECOMMENDED
bottom of page