top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | October 14, 2021



Itinanggi ng kampo ni presidential aspirant Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na may namumuong sigalot sa loob ng kanilang grupo matapos magbitiw ng kanyang chief of staff na si Cesar Chavez at pag-atras ni broadcaster at dating vice president Noli de Castro bilang parte ng Senate slate ng Aksyon Demokratiko.

"Masyado namang ina-angguluhan ng intriga iyong pagbalik sa MBC-DZRH ni Cesar Chavez na hindi lang kaibigan, kundi inaanak ko sa kasal," ani Lito Banayo, campaign manager ni Moreno.


Nauna nang sinabi ni Chavez na nag-resign siya dahil sa health issues at magbabalik na lang muli sa radyo bilang vice president ng Manila Broadcasting Company (MBC).


Si Kabayan Noli naman, sinabing napagtanto niya na mas makatutulong siya sa pagiging parte ng media kaysa sa pagiging senador.


Sinabi naman ni Aksyon Demokratiko chairman Ernest Ramel na huwag maniniwala sa mga espekulasyon ukol sa kanilang partido lalo't posibleng gamitin ito ng kanilang mga katunggali.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 4, 2021



Nag-file na ng kanyang certificate of candidacy (CoC) si Manila Mayor Isko Moreno para sa pagtakbo bilang pangulo sa darating na halalan.


Kasama ni Moreno ang kanyang running mate na si Dr. Willie Ong na tatakbong bise presidente.


Sa labas ng Sofitel hotel ay naghihintay naman ang mga supporters ng alkalde.


“Mga kababayan, tanggapin ninyo ang aplikasyon ko,” ani Domagoso na siyang standard bearer ng Aksiyon Demokratiko.


“Ako po ay magiging kaisa ninyo, kaisa ninyo upang mapigilan ang pagkakahati-hati natin bilang mamamayan. We are too divisive and indecisive… Today will be part of history and I hope it’s destiny,” aniya.


Nasa area rin ang senatorial bet na si Samira Gutoc para ipakita ang suporta sa alkalde.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 4, 2021



Ipinaalam daw ng senatorial candidate na si Samira Gutoc sa dating kaalyadong si VP Leni na siya ay lilipat ng partido.


Si Gutoc ay opisyal nang naghain ng certificate of candidacy sa ilalim ng partidong Aksyon Demokratiko.


Aniya, pinadalhan niya ng sulat si Robredo upang ipaalam ang paglipat sa partido ni Manila Mayor Isko Moreno.


“I wrote to VP Leni if I could meet her at least maybe get a guidance on political, but I respected her, siya po ay talagang manager ng operations kasi ka-partner niya ako sa Ako Bakwit so more deeply kami magkapatid or inaanak sa humanitarian operations so huwag naman sana masamain ng publiko na nagtraydor si Sam, no,” ani Gutoc.


Hindi rin umano siya pinigilan ng pangalawang pangulo sa kanyang desisyon.


“VP Leni understood, she didn’t dissuade me. I reached out na ito po yung offer ng Aksyon Demokratiko. Hindi naman po ako dinissuade ni Ma’am VP,” aniya.


Nawa raw ay hindi sumama ang loob sa kanya ng dati na niyang supporters.


“I’m the same woman who fights and who fought for you na talagang pinanggalingan ay giyera and I will continue to speak about kahirapan at kagutuman,” paliwanag ni Gutoc.


Dagdag pa ni Gutoc, ipinagdadasal niya si Robredo sa pagdedesisyon nito kung tatakbo o hindi sa pagkapangulo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page