top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | January 31, 2022


ree

Inihayag ni presidential aspirant Isko Moreno na siya ay magiging ‘friendly’ sa mga responsableng minero habang hindi siya papaboran ang unregulated backyard mining operations sakaling Manalo sa pagka-pangulo.


Sa isang TV interview noong Huwebes, sinabi ng Aksyon Demokratiko standard-bearer na plano niyang payagan ang pagmimina sa bansa basta masusunod ang “gold standard” ng environmental protection.


“What we need is to create jobs because we’ve lost so much. What we need is new business because the economy is really affected by this pandemic,” aniya. “We have to be aggressive. We have to be practical but at the same time we have to be responsible also for the next generation,” dagdag pa ni Domagoso.


Gayunman, hindi niya umano papaboran ang backyard mining operations na karamihan ay hindi nakokontrol at pinagmumulan ng pagkasira ng kalikasan.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 25, 2022


ree

Inanunsiyo ni presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno na ipinagbabawal ang Chinese New Year activities sa Binondo ngayong taon dahil sa banta ng COVID-19.


Sa isang press conference, sinabi ni Moreno na pirmado na niya ng executive order na nagba-ban sa public activities sa lugar sa Chinese New Year, na nakatakdang i-celebrate sa February 1.


"I just signed an Executive Order No. 11 last night, nanawagan tayo sa ating kababayang Filipino-Chinese because this February, they will celebrate the Chinese New Year so Executive Order No. 11, an order canceling all activities in relation to this celebration of the Chinese New Year or Lunar New Year in the entire Binondo, Chinatown area. This is more or less 20 barangays," ani Moreno.


Kabilang sa mga ipinagbabawal na aktibidad ay ang dragon dance at fireworks display, ayon kay Moreno.


Ipinaalala rin ng alkalde na ipinagbabawal ang pagbebenta at pag-inom ng alak mula January 31 hanggang February 1.


Maaari naman umanong mag-celebrate ang Filipino-Chinese community pero sa kani-kanilang tahanan lamang.


Inatasan din ni Moreno ang mga local officials na mahigpit na ipatupad ang direktiba upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.


"Nanawagan din tayo sa ating mga barangay official na ipatupad ang minimum health standard at ipatupad itong executive order na ito," aniya.


Samantala, sa hiwalay na news release, sinabi ni Moreno na ipagpapatuloy niya ang pagpo-focus sa COVID-19 response sa Maynila upang maiwasan ang paglaganap ng virus.


Iginiit niya na una pa rin sa kanyang prayoridad ang kanyang mga tungkulin at responsibilidad sa Maynila tulad ng kanyang ipinangako sa mga residente rito sa sandaling tumakbo siya sa mas mataas na posisyon.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 20, 2022


ree

Makalipas ang halos tatlong taon matapos ipasara dahil umano sa dulot na polusyon sa Manila Bay, muling binuksan ang Manila Zoo pero limitado lamang ang puwedeng pumasok dahil sa COVID-19 pandemic.


Kasama ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga city officials sa unang araw ng pagbubukas nito kung saan limitado lamang ang bilang ng mga papapasukin bilang pag-iingat at pagsunod sa health and safety protocols.


Ayon kay Moreno, ang 5-hectare facility na ito ay kayang mag-accommodate ng hanggang 16,000 katao pero dahil sa pandemya, lilimitahan lamang sa 1,000 katao ang papayagan aylt bibigyan ng free entrance sa Manila Zoo.


“Mga lolo’t lola ko, mga senior citizen, yung apo ninyo pwede nyo nang ipasyal dito, tapos may bakuna pa. So two birds in one stone,” ani Domagoso sa isang interview.


Bukas ang zoo hanggang Jan. 31 at pag-aaralan ng mga local officials kung babaguhin ang protocols sa mga susunod pang araw.


“We will see kung gaano mangyari, then we can make it bigger in terms of numbers and foot traffic, para nang sa ganun, maiwasan pa din natin yung pagsasama-sama na hindi masyado naayos,” pahayag ng alkalde.


Ginamit din ng Manila LGU ang zoo bilang pasilidad sa pagbabakuna sa mga kabataang edad 11-17, at maging mga senior citizens.


Para sa mga nais pumunta at magpabakuna, mag-enroll lamang sa www.manilacivod19vaccine.ph.


Ito ay parte ng programa ng Manila LGU para ma-expand ang access ng mga residente sa bakuna.


“Mayroon silang health center, school, malls, tapos yung ating drive thru sa 2-wheel dun sa Kartilya, tapos yung 24/7 na booster caravan drive thru sa Luneta, tapos ito sa Manila Zoo,” pahayag ng alkalde.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page