top of page
Search

ni Eli San Miguel @Entertainment | September 16, 2024



Showbiz News

Inanunsiyo sa Instagram ng P-pop Kings na SB19, na ilalabas ang kanilang documentary film sa Dubai sa Star Cinemas, Cinema 3 at 4 sa Al Ghurair Centre, sa Setyembre 21.


Bukod sa Dubai, ilalabas din ang "Pagtatag!" sa Singapore sa Oktubre 13, sa The Projector, Cineleisure, at may paparating pang ibang petsa ng screenings. Ayon pa sa post, ito'y “showing soon” din sa United States at Canada.


Magkakaroon din ito ng premiere sa Hong Kong sa Setyembre 18. Ang "Pagtatag!" documentary film, na idinirek ni Jed Regala, ay nagkaroon ng limitadong screenings sa mga sinehan sa Pilipinas mula Agosto 28 hanggang Setyembre 1.


Unang ipinakita ang teaser ng documentary film matapos ang kanilang "Pagtatag!" concert noong Mayo. Matatandaan na kamakailan lamang ay inilabas ng SB19 ang kanilang collaboration song na "Kalakal" kasama si Gloc-9 noong Agosto 9, at napabilang din sila sa Billboard K Power 100 ng Billboard Korea.

 
 

ni Angela Fernando @International News | September 15, 2024



SSS

Umamin ang international singer na si Justin Timberlake sa kanyang kasalanan at sa mas magaang na kaso ng drunk driving bilang bahagi ng isang kasunduan sa mga prosecutors ng Suffolk County, New York (NY) kamakailan.


Magugunitang ito ay kadikit ng insidenteng kinasangkutan ng singer nu'ng Hunyo, 2024 sa Sag Harbor, New York.


Hinatulan ni Sag Harbor Village Justice Carl Irace si Timberlake ng 25-oras na community service at iniutos na gumawa siya ng public safety announcement.


Magbabayad din ang pop star ng multa na $500 at sinuspinde ang kanyang lisensya sa pagmamaneho sa NY State sa loob ng 90-araw.


 
 

ni Angela Fernando @Entertainment | September 12, 2024



Showbiz News

Nagpatuloy ang pamamayagpag ni Taylor Swift sa MTV Video Music Awards, kung saan nanalo siya ng pitong parangal — kabilang ang pinakamalaking parangal, ang tropeo para sa Video of the Year.


Sa kanyang talumpati nitong Miyerkules ng gabi, nagpasalamat si Swift sa kanyang nobyo, sa pagpunta sa set ng music video na "Fortnight" at sa pagsuporta sa kanya. Sumigaw naman nang malakas ang mga fans nang banggitin niya ang NFL star na si Travis Kelce.


"Everything this man touches turns to happiness and fun and magic," pahayag ng global pop star icon. Nanalo rin sina Swift at Post Malone ng unang televised award sa VMAs para sa Best Collaboration sa kantang "Fortnight" na ibinigay sa kanila nina Flavor Flav at Olympian Jordan Chiles. Ang kabuuang parangal ni Swift ay umabot na sa 30, katumbas ng record ni Beyoncé bilang Most-Awarded Musician sa kasaysayan ng VMAs.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page