top of page
Search

ni Eli San Miguel @Entertainment | Sep. 22, 2024



Fridays For Future Climate Change - Copyright AP Photo-Markus Schreiber Euro News

Nakisabay at tila game na game ang P-pop Kings na SB19 sa isang collaboration TikTok dance video kasama ang global girl group na KATSEYE.


Sa post ng KATSEYE, makikita ang SB19 members na sina Pablo, Stell, Ken, Josh at Justin na kasama sina Sophia, Yoonchae, at Daniela, na ginagawa ang ‘Touch’ TikTok dance challenge. "SB19 making the challenge fire," saad ng KATSEYE sa caption.


Sa kasalukuyan, may higit 4.5 milyong views na ang video. Kamakailan lamang, pumunta ang KATSEYE sa Pilipinas para idaos ang kanilang Manila fan showcase, at nag-guest din sa noontime show na "It's Showtime."


Ang Katseye ay isang Los Angeles-based girl group na nabuo sa pamamagitan ng reality show na Dream Academy, isang kolaborasyon ng Hybe at Geffen Records.


 
 

ni Angela Fernando @Entertainment News | Sep. 21, 2024



Fridays For Future Climate Change - Copyright AP Photo-Markus Schreiber Euro News

May matapang na tugon ang international singer na si Selena Gomez sa mga bumabatikos sa kanya dahil sa pagkukwento niya patungkol sa mga sakit niyang bipolar disorder at ang kawalan niya ng kakayahang magdalang-tao.


Dumalo kamakailan si Selena sa isang Women in Film event sa California kung saan nagbigay siya ng pahayag tungkol sa lakas ng pagiging tapat at bukas sa sarili.


Binahagi rin niya kung paano niya hinaharap ang pagiging totoo sa gitna ng mga hamon sa industriya. Ayon kay Gomez, hindi siya 'biktima' kahit pa ibinabahagi niya ang kanyang personal na mga pinagdaraanan at mga sakit na dinadala.


Matatandaang matapos na ibahagi ng singer ang ilan sa kanyang mga sakit, may mga bashers na nagsasabing ginagamit niya lang ito upang magpaawa sa madlang pipol.


"I truly believe that there is power in being vulnerable and telling people when you need help or when you want help — that is not shameful. [...] So yeah, I shared that I can't carry a child. Yeah, I shared that I have bipolar… f**k off," saad ni Selena sa isang viral video mula sa nasabing event.


Binigyang-diin din ng singer ang kanyang kagustuhang maging advocate para sa mga kababaihan at i-empower ang mga ito na inulan ng suporta mula sa marami niyang tagahanga.


 
 
  • BULGAR
  • Sep 18, 2024

ni Eli San Miguel @Entertainment | September 18, 2024



ree

Ikinasal na ang American singer-songwriter na si Charlie Puth, kay Brooke Sansone na isang digital marketing at PR coordinator.


Ibinahagi ng singer ang mga larawan ng kanilang garden wedding sa Instagram, kung saan naka-black suit si Charlie na may white lace details mula sa BODE, habang si Brooke ay nakasuot ng strapless gown na may floral designs mula kay Danielle Frankel.


Sa kanyang caption, inihayag ni Charlie ang romantikong mensahe para sa kanyang asawa.


“I love you Brooke…I always have, with you I am my very best. I promise I’ll love you everyday in this life, and even more when we move on to our next,” panimula niya.


“Brooke Ashley Sansone, and now you’ll be Brooke Ashley Puth. Thank you for making me the happiest man alive. It has always been you,” dagdag pa niya.


Naging Instagram official sina Charlie at Brooke noong Disyembre 2022. Inanunsiyo naman niya ang kanilang engagement noong Setyembre 2023.


Sumikat si Charlie sa kantang “See You Again” kasama si Wiz Khalifa para sa “Fast & Furious” film franchise. Nagkaroon din siya ng collaboration song kasama ang BTS member na si Jungkook para sa single na “Left and Right.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page