top of page
SPECIAL - KIM, TAMEME SA KASAL DAW NILA NI PAULO SA US-IG _chinitaprincess.jpg
Search

by Info @K-Buzz | February 2, 2026



EJAE (Rumi), Audrey Nuna (Mira), and Rei Ami (Zoey). K-Pop Demon Hunters

Photo: GRAMMYS



‘We're goin' up, up, up, it's our moment’


Gumawa ng history ang kantang ‘Golden’ mula sa KPop Demon Hunters matapos nitong maiuwi ang Best Song Written for Visual Media sa 2026 Grammy Awards ngayong Lunes, Enero 2 (PH time).


Ito ang kauna-unahang K-Pop song na nanalo sa naturang awards night.


Samantala, nominado rin ang kanta sa Best Song of the Year category.


 
 

by Info @ News | December 6, 2025



Netflix at Warner Bros

Photo: Netflix / Warner Bros



Inanunsyo ng streaming platform sa Netflix na nakatakda nitong bilhin ang television and film studios at streaming division ng Warner Bros. Discovery sa halagang $72 billion.


Sa isang pahayag, sinabi ng streaming platform na nagkaroon ng kasunduan na ia-acquire ng Netflix ang Warner Bros., kabilang ang mga studio nito sa pelikula at telebisyon, HBO Max at HBO.


"Together, we can give audiences more of what they love and help define the next century of storytelling," ayon kay Netflix co-CEO Ted Sarandos.

 
 

ni Angela Fernando @Entertainment News | June 24, 2024



News


Ibinida ni Taylor Swift ang bagong boyfriend na si Travis Kelce sa entablado nu'ng ikatlong gabi ng kanyang London Eras Tour stop.


Matapos ang dalawang gabi ng pagbibigay-saya sa mga tagahanga sa Wembley Stadium, pinatunayang muli ni Swift, 34, ang kanyang pagiging tunay na “mastermind” sa pamamagitan ng pagdala sa kanyang nobyo, ang Kansas City Chiefs player na si Travis Kelce, 34, sa entablado habang ang kantang "I Can Do It With a Broken Heart," ay tumutugtog.


Umabot ng mahigit 80,000 ‘Swifties’ ang nanood ng kanyang concert nu'ng Linggo, kung saan nasaksihan nilang kinarga pa ni Travis si Taylor sa stage habang suot ang isang tuxedo na matched sa iba pang mga backup dancers ng international performer-singer.


Maraming fans ang nagulat sa biglaang pagsama ni Travis sa performance ni Taylor at marami ang nagpakita ng kanilang suporta sa dalawa sa mga social media platforms.


Hirit pa ng isang fan sa ‘X’, "[There] is something extremely poetic about [Travis Kelce] carrying [Taylor Swift] away after her heart was shattered.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page