top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 8, 2021





Nakapagtala ang India ng karagdagang 4,187 na namatay sa COVID-19 sa loob lamang ng isang araw sa unang pagkakataon, kaya umabot na sa 238,270 ang death toll sa nasabing bansa, simula nu’ng lumaganap ang pandemya.


Sa kabuuang bilang ay umabot na sa mahigit 21.9 million ang kaso ng COVID-19 matapos na 401,078 ang nagpositibo sa isang araw.


Ilang araw na ring magkakasunod na pumapalo sa mahigit 400,000 ang mga nagpopositibo sa COVID sa India sa loob ng isang araw dulot ng mabilis na hawahan.


Sa ngayon ay mahigit 160,418,105 na ang mga nabakunahan sa India kontra COVID-19 at karamihan sa Indian nationals ay desperado nang mabakunahan upang hindi makaranas ng mas malalang epekto ng virus.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 7, 2021




Dalawa ang kritikal sa 12 na nagpositibo sa COVID-19 na lulan ng barkong MV Athens Bridge galing India noong ika-22 ng Abril, ayon sa kumpirmasyon ng Maritime Industry Authority (MARINA).


Batay sa ulat, dumaong ang barko sa Vietnam nu’ng May 1 upang doon isagawa ang RT-PCR test sa 21 Pinoy crew members. Nasa OSS Port of Manila na ang barko nang lumabas ang resulta, kung saan 12 sa kanila ang nagpositibo.


Nakatanggap naman ng request ang Philippine Coast Guard (PCG) kahapon, May 6, mula sa kapitan ng barko para sa medical assistance at medical supplies. Nakipag-ugnayan na rin sila sa Bureau of Quarantine (BOQ).


Sa ngayon ay nasa medical facility na ang dalawang pasyente na may critical condition, habang ang 10 naman ay naiwan sa loob ng barko upang doon muna mag-quarantine. Tiniyak naman ng mga awtoridad na mababantayan silang mabuti.


Sinigurado rin ng BOQ at Department of Health (DOH) na walang ibang barko o bangka ang makalalapit sa MV Athens Bridge upang hindi kumalat ang virus.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 6, 2021




Kinlaro ng Department of Health (DOH) na 5 biyahero galing India lamang ang nagpositibo sa COVID-19, taliwas sa anim na unang iniulat.


Paglilinaw pa ng DOH, “Among these cases, five tested positive for COVID-19 through RT-PCR, while 137 of them tested negative… The test results of the seven remaining travelers are currently being verified.”


Batay sa tala ng Bureau of Quarantine, tinatayang 149 ang mga pasaherong dumating galing India simula nu’ng ika-1 ng Abril, bago pa man ipatupad ng ‘Pinas ang travel ban. Halos 129 sa kanila ay mga balikbayan at 20 naman ang foreigners.


Kabilang sa mga nagpositibo sa COVID-19 ang isang foreigner at 4 naman ang Pinoy. Kasalukuyan silang naka-isolate.


Dagdag pa ng DOH, “Samples from these positive cases are currently being determined if they are adequate for sequencing.”


Sa ngayon ay laganap na sa iba’t ibang bansa ang Indian variant ng COVID-19.


Matatandaang ipinatupad ng ‘Pinas ang travel ban sa mga biyahero galing India noong ika-29 ng Abril upang mapigilan ang pagpasok ng naturang variant sa bansa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page