top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 23, 2021




Magsasagawa ng religious service ang Archdiocese of Manila simula sa Miyerkules na lilimitahan lamang sa 10% ng church capacity, ngunit pinalagan ito ng Malacañang dahil paglabag umano ito sa ipinapatupad na guidelines kaugnay ng mass gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).




Sa Facebook post ng Archdiocese of Manila Office of Communications para sa pastoral instruction sa Holy Week, mababasa ang pahayag ni Apostolic Administrator of Manila Bishop Broderick Pabillo na: “We will not have any religious activity outside of our churches such as senakulo, pabasa, processions, motorcades, and Visita Iglesia. “But within our churches starting March 24, we will have our religious worship within 10% of our maximum church capacity.


“Let the worshippers be spread apart within our churches, using the health protocols that we have been so consistently implementing.”


Naunang ipinagbawal ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagtitipun-tipon kabilang na ang religious gatherings sa mga GCQ areas kabilang ang Metro Manila hanggang sa April 4 dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.


Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang planong pagbubukas ng simbahan ay "would be contrary po to the decision of the IATF.”


Aniya pa, "We ask Bishop Pabillo not to encourage disregard of IATF rules. Ito naman po ay para sa kabutihan ng lahat.”


Kung sakaling ituloy ng simbahan ang planong pagbubukas, saad ni Roque, "In the exercise of police powers, we can order the churches closed.


"Huwag sana pong dumating doon, Bishop Pabillo. Wala po tayong makakamit na kahit anong objective if you will defy and you will force the state to close the doors of the church.”


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 23, 2021



ree

Kanselado ang ilang biyahe ng Philippine Airlines (PAL) ngayong araw, Marso 23, dahil sa mga restrictions na ipinatupad ng Inter-Agency Task Force on Infectious Diseases (IATF).


Kabilang sa kinanselang biyahe ang mga sumusunod:

• PR 507/508 Manila-Singapore-Manila

• PR 412/411 Manila-Osaka Kansai-Manila

• PR 890/891 Manila- Taipei- Manila

• PR 300/301 Manila- Hong Kong- Manila

• PR 428/427 Manila-Tokyo (Narita)- Manila

• PR 102/103 Manila-Los Angeles-Manila

• PR2039/2040 Manila - Caticlan - Manila (March 23-24; Ang mga pasahero ay ia-accommodate sa PR2041/2042 Manila - Caticlan - Manila March 23-24)

• PR1861 Manila - Cebu (March 23 to April 4; Ang mga pasahero ay ia-accommodate sa Manila - Cebu flights)

• PR1836 Cebu - Manila (March 23 to April 4; Ang mga pasahero ay ia-accommodate sa Cebu - Manila flights)

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 23, 2021



ree

Mahigpit na sinusuri sa checkpoint ang mga ID at dokumento ng bawat motorista na lumalabas-masok sa boundary ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal o ang tinatawag na ‘NCR Plus bubbles’ sa pagpapatuloy ng ipinatutupad na bagong guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) kontra COVID-19 ngayong umaga, Marso 23.


Batay sa ulat, iniisa-isa ang mga motorsiklo, pribado at pampublikong sasakyan sa boarder ng Quezon City - Batasan Road, San Mateo Rizal at sa Payatas Road - Rodriguez Rizal upang masigurado na sila ay essential workers, authorized person outside residence (APOR) at may importanteng lakad upang papasukin o palabasin sa boarder.


Tinatayang aabot ng 30 segundo hanggang 1 minuto ang pag-iinspeksiyon sa bawat I.D. at posible pa iyong tumagal kung hahanapan ang motorista ng supporting documents maliban sa company I.D. o Driver’s license na nagdudulot ng mahabang pila sa checkpoint.


Kaugnay nito, mahigpit ding ipinapatupad ang seguridad sa labas ng NCR Plus bubbles, kung saan ilang residente na ang pinauwi mula sa checkpoint ng Tagaytay City at Talisay, Batangas dahil hindi sila authorized person outside residence (APOR) at wala ring maipakitang dokumento para pahintulutang lumabas-masok sa mga boarder.


Kabilang sa mga napabalik sa pinanggalingan ay ang mag-asawang iginiit na papasok sila sa trabaho ngunit wala namang maipakitang I.D. o dokumento. Sinita rin ang motorista galing sa Tanawan, Batangas sapagkat may kasama itong menor-de-edad, pero pinayagan ding makatawid sa boarder pauwing Silang, Cavite dahil sa humanitarian consideration.


Sa ngayon ay patuloy ang paghihigpit sa bawat checkpoint upang mapigilan ang mabilis na hawahan ng COVID-19, partikular na sa Metro Manila na sentro ng virus.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page