top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 27, 2021



ree

Inirekomenda ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) kay Pangulong Rodrigo Duterte na ilagay sa enhanced community quarantine (ECQ) ang mga lugar na kabilang sa NCR Plus Bubble dahil umabot na sa 9,595 ang nadagdag na positibo sa COVID-19 ngayong araw, Marso 27.


Ayon sa ulat, dalawang magkasunod na araw nang pumalo sa mahigit siyam na libo ang nagpositibo sa virus at posible pa itong tumaas batay sa babala ng OCTA Research Group kung hindi ilalagay sa mas mahigpit na quarantine restrictions ang NCR.


Kabilang sa mga naging rekomendasyon ng IATF ang mga sumusunod:

• Ilagay sa ECQ ang NCR, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna simula sa Lunes hanggang sa ika-4 ng Abril

• I-review ang mga naunang guidelines sa ilalim ng ECQ

• Pahintulutan ang mga pampublikong transportasyon at limitahan ang kapasidad alinsunod sa ipapatupad na guidelines ng Department of Transportation (DOTr)

• Pahintulutan ang construction projects alinsunod sa ipapatupad na guidelines ng Department of Public Works and Highways (DPWH)

• Ipatupad ang Prevent, Detect, Isolate, Treat, Reassess (PDITR) actions mula sa National Task Force (NTF), Local Government Unit (LGU) at New Government Accounting System (NGAs)

• Ipatupad ang lockdown sa Cordillera Administrative Region (CAR), Region 3 partikular sa Zambales at CALABARZON. Sa ngayon ay 712,442 na ang naitalang kaso ng COVID-19, kung saan 81.6% o 581,161 ang gumaling at 1.85% o 13,159 naman ang namatay.


Samantala, ayon sa tweet ni Cavite Governor Jonvic Remulla sa kanyang Twitter account ngayong Sabado nang hapon, “Just talked to Spox Harry Roque. Cavite along with other areas will be under ECQ from Sunday, March 28-April 4, 2021. I will report details as I get it.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 26, 2021



ree

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Professional Regulation Commission (PRC) na makapagsagawa ng licensure examinations sa Mayo at Hunyo, ayon sa Malacañang ngayong Biyernes.


Ipinagpaliban ng PRC noong nakaraang taon ang licensure examinations na nakaiskedyul mula Oktubre hanggang Disyembre upang maiwasan ang mass gatherings dahil sa COVID-19.


Pinayagan naman ng IATF na ituloy ng PRC ang pagsasagawa ng licensure examinations noong Enero hanggang Marso.


Pahayag ni Presidential Spokesperon Harry Roque, "Inaprubahan din po ng IATF ang request ng Professional Regulation Commission na magsagawa ng licensure examinations for professionals sa Mayo at Hunyo ngayong taon habang istriktong ipinatutupad ang health protocols ng Department of Health.”


Samantala, ayon din kay Roque, ang mga mag-e-exam mula sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ay hindi hinihikayat na bumiyahe sa modified GCQ areas para makakuha ng PCR test.


Ilan sa mga nakaiskedyul na PRC exams ngayong Mayo at Hunyo ay para sa civil engineers, dentists, nurses, physical therapists, criminologists, architects, at interior designers.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 26, 2021



ree

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) na magbukas ang simbahang katoliko sa Semana Santa simula ika-1 ng Abril hanggang sa ika-4, kung saan 10% capacity lamang ang puwedeng makapasok sa loob, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong umaga, Marso 26.


Aniya, “This is good news for those who want to hear mass during the Holy Week. Nag-request po ang CBCP at nakinig po ang IATF.”


Nilinaw pa ni Roque na ang mga pupunta sa simbahan ay dapat magparehistro muna.


Dagdag pa niya, ipagbabawal na rin ang audio visual feed sa labas ng simbahan upang maiwasan ang pagtitipon ng mga hindi makakapasok sa loob.


Nauna namang sinabi ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na hindi nila itataboy ang mga nais pumasok sa simbahan lalo na ngayong Semana Santa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page