top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 9, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 9, 2025 (Linggo): Ginagarantiya ng araw ng iyong pagsilang, na ang mga hamon na hindi mo aatrasan ay tiyak na mapagtatagumpayan mo! 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Iyung-iyo ang araw na ito. Sabihin mo lang kung ano ang kahilingan mo, kahit napaka-imposible nito, tiyak na mapapasakamay mo pa rin ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-14-20-28-36-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) – Kung sino ang nagpapalakas ng loob mo, siya ang samahan mo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-11-18-29-31-35.


GEMINI (May 21-June 20) – Ang mga suwerteng hindi mo inaasahan ay tiyak na darating ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-15-21-25-38-41.


CANCER (June 21-July 22) – Ngayon mo sabihin ang gusto mong sabihin. Huwag ka nang maghintay pa ng ibang araw. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-10-13-21-30-45.


LEO (July 23-Aug. 22) – Matamis ang pinaghirapan, habang ang madaling nakuha ay pinagsasawaan agad. Piliin mo ang una upang maranasan mo ang pangmatagalan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-16-28-35-37-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Bilis ang susi upang suwertehin ka. Kaya anuman ang ginagawa mo ngayon, bilisan mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-15-18-24-34-38.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Kung ano ang ayaw mo, iyon mismo ang mangyayari sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-7-11-29-33-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Mabagal ang pagsisimula ng mga proyektong pangmatagalan. Huwag kang mainip kung sa ngayon ay mabagal ang galaw ng bagong pagkakakitaan na mag-aangat sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-13-20-26-36-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Umaayon sa mga kagustuhan mo ang langit. Sa katunayan, hanga Siya sa malinis at wagas mong hangarin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-16-30-39-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Gawin mo anumang gusto mong gawin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-19-23-35-39-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Dapat lagi kang alerto dahil may mga taong gusto kang dayain. Magtatagumpay sila kapag masyado kang nagtiwala. Sa ngayon, ang tamang hinala ay pakikinabangan mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-14-24-31-33-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Higit kailanman, ngayon mo kailangan ang kalayaan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-11-16-22-34-44.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 8, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 8, 2025 (Sabado): Maganda ang mangyayari kapag hindi ka nagpumilit. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kapag naging madamdamin ka, magpapatuloy ang pag-atras ng iyong pag-unlad. Kaya isipin mo muna ang gagawin mo, at huwag mong hayaan ang puso mo ang manguna. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-17-21-26-30-39.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kusang lalapit sa iyo ang suwerte, pero mabilis din itong mawawala. Kaya hindi ka lang dapat alerto, kundi mabilis ding sumunggab sa mga pagkakataong dumarating. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-11-22-29-32-44.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong pansinin ang mga problemado. Kapag inintindi mo ang problema ng iba, malilipat lang sa iyo ang kanilang alalahanin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-10-14-18-29-31.


CANCER (June 21-July 22) - Bumibigat ang buhay kapag ang tao’y walang positibong pananaw, samantala, sinusuwerte naman ang taong naniniwala sa kanilang sarili. Kaya maniwala ka sa sarili mo para suwertehin ka. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-10-17-23-30-35.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ituloy mo lang ang plano mo, dahil ito na ang simula ng sunud-sunod na tagumpay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-15-27-34-38-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bilis ang susi upang manaig at magtagumpay. Sa pagmamadali, hindi lang tagumpay ang mapapasaiyo; kapag nagmadali ka, parang magnet, ang maraming pera ay isa-isa ring kakapit sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-18-20-25-33-35.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong labanan ang ikot ng iyong kapalaran. Sa ganitong paraan, mabilis na darating sa iyo ang bagong pagkakataon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-17-21-30-37-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag ka munang makipagsosyalan upang hindi ka madamay sa kamalasan nila. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-16-18-26-34-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi mo kailangang gumastos sa pamamasyal. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-19-29-31-36-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag panatag ang loob mo, mas makakapag-isip ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-13-23-28-30-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tiyak na uulan kapag bumigat ang ulap. Kaya pagaanin mo ang iyong mga pasanin, at huwag mo nang pahirapan pa ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-11-21-25-38-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Wala sa malayong lugar ang iyong suwerte. Makipag-ugnayan, makipagbati, at makipagkuwentuhan ka sa iba para dumapo agad sa iyo ang suwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-14-18-24-29-32.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 7, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 7, 2025 (Biyernes): Ginagarantiya ng iyong kapalaran na kapag nangibang-bansa ka, aasenso at yayaman ka!


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Sunud-sunod na suwerte ang ipagkakaloob sa iyo ng langit na may kaugnayan sa materyal na bagay. Isa lang ang dapat mong gawin upang patuloy na lumago ang iyong kabuhayan – balatuhan mo ang iyong mga kamag-anak at mga mahal sa buhay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-2-19-20-25-28-30.


TAURUS (Apr. 20-May 20) – Makinig ka at itanim mo ito sa isip mo. Ayon sa kapalaran mo, magtuluy-tuloy na ang pag-abante ng career at negosyo mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-16-27-34-38-44.


GEMINI (May 21-June 20) – Mas makabubuti sa iyo na mamahinga muna sa paglalakwatsa. Ayon sa kapalaran mo, sa mga sandali ng iyong pag-iisa, papasok sa isip mo ang napakagandang susi ng pagpapayaman. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-10-13-21-39-45.


CANCER (June 21-July 22) – Magpapabagu-bago ang isip mo at aabot pa sa ilang araw na magpapalit ka ng pasya. Hindi makabubuti sa pangkalahatang kapalaran mo ‘yan. Kaya ang payo, huwag ka munang magpapalit ng desisyon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-8-17-23-36-40.


LEO (July 23-Aug. 22) – Madali kang masaktan ngayon. Kapag nangyari ito, manahimik ka na lang dahil ang nasasaktang damdamin ay hindi na nakapag-iisip ng maganda. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-15-22-31-33-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Magugulo ang isip mo dahil magkakasalungat ang mga maiisip mong ideya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-16-24-26-37-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Ngayon ang tamang panahon para bumuo ka ng plano para sa iyong kinabukasan. Huwag kang mag-alala, ikaw ay gagabayan ng langit, kaya siguradong hindi ka magkakamali. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-18-20-23-30-32.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Nakatutuwa ang masuwerteng balita para sa iyo, dahil kapalaran mo na ang maghahanda para mapasaya ang iyong puso. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-14-25-27-38-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Huwag kang magalit kapag pinapagalitan ka ng isang tao, dahil ito ang daan upang gumana ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-19-23-26-33-37.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon, dahil hindi ka makakakilos sa rami ng iniisip mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-16-18-20-22-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Huwag kang makinig sa utos ng isip mo na maghanap ka ng ibang pagkakakitaan. Hindi sa mga araw na ito ang pagpapalit ng hanapbuhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-12-17-21-24-34.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Mahirap maunawaan ang buhay sa mundo. Katulad na lamang ng mga taong nililigaw ang kanilang sarili, ‘yun bang nasa tama na, pupunta pa sa mali. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-13-24-34-38-42.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page