top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 18, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 18, 2025 (Martes): Ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang ay “Panalo sa bawat laban ng buhay.”


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon na ang araw kung saan puwede mo nang simulan ang mga naantala mong mga gawain at plano sa buhay. Makakaasa ka na aalalayan at gagabayan ka ng langit. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-11-19-22-28-36.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magdududa, dahil ang kapalaran mo mismo ang kikilos upang paboran ang mga kagustuhan mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-13-25-28-30-35.


GEMINI (May 21-June 20) - Kagalingan ang mapapasaiyo. Anuman ang nadarama mong hindi maganda, kusa itong mawawala dahil ang gusto ng langit ay magpatuloy ka sa mga aktibidad na magpapaunlad sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-17-24-26-38-41.


CANCER (June 21-July 22) - Ipakita mong matapang ka kahit sa totoo lang ay naduduwag ka. Magugulat ka, dahil mapapasaiyo rin ang tapang. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-21-23-30-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Init ang kailangan mo upang sumigla ka. Ito rin ang magbibigay sa iyo ng kagalingan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-14-22-34-38-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong hayaan na maapektuhan ka ng mga negatibong komento. Higit kaninuman, ikaw ang nakakakilala sa sarili mo at hindi sila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-13-24-31-39-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Marami ang nag-aabang at gustong maging bahagi ka ng kanilang buhay. Kaya hindi ka dapat manamlay dahil lang sa isang tao. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-9-14-25-34-43.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Muling bubukas ang pintuan at bintana ng magagandang oportunidad para sa iyo. Huwag na huwag mong kaliligtaan na magpasalamat sa Itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-16-20-28-31-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung bibilangin mo, marami ang mga araw na masuwerte ka. At ang isa pang masuwerteng balita ay nagsasabing sa mga araw ring ito, susuwertehin ka pa rin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-18-20-26-29-33.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dumikit ka sa mga malalakas ang loob upang lumakas din ang loob mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-26-29-32-37-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit ano’ng mangyari, huwag kang magbabago o magpapalit ng mga plano, sapagkat ang mga nauna mong plano ay iyon na mismo ang papaboran ng langit. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-13-27-34-39-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon, dahil ito ay nagsasabing mangulit ka para makuha mo ang gusto mo. Kaya ano pang hinihintay mo? Mangulit ka na ngayon! Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-16-28-30-33-43.



 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 17, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 17, 2025 (Lunes): Malalaking suwerte ang nakalaan sa iyo. Ito ang lihim na dahilan kung bakit pilit kang pinatitibay at pinatatatag.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kakailanganin mo ngayon ng inspirasyon mula sa taong nagpapasaya sa iyo. Kapag inspirado ang isang tao, lahat ay kaya niyang kayanin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-11-19-27-31-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Saan nga ba makikita ang suwerte? Saan pa nga ba, eh ‘di sa tabi mo! Kaya huwag ka nang maghanap sa malayo dahil muli, nasa tabi mo lang ang suwerte. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-18-23-24-39-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Lagyan mo ng kislap ang buhay mo para suwertehin ka. Ang mga ngiti mo, kahit munti lang ay tugma sa masaya mong kilos. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-17-21-34-38-44.


CANCER (June 21-July 22) - Kapag masaya ang love life mo, agad na darating ang mga suwerte sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-16-22-26-28-37.


LEO (July 23-Aug. 22) - Gusto mo bang suwertehin? Gumawa ka ng kabutihan sa taong hindi mo kakilala. Pagkatapos, makikita mo, susuwertehin ka na. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-19-27-30-32-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magsuot ka ng bago para magbago rin ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-10-15-25-31-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang patatangay sa mga taong gusto kang bihagin. Ang malayang pagpapasya ay magbibigay sa iyo ng tunay na ligaya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-12-19-22-38-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Naligaw ka dahil sa naranasan mong kalungkutan. Ang masuwerteng balita ay nagsasabing ibinalik na ng langit ang iyong tunay na kaligayahan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-13-24-26-30-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka bibiguin ng iyong kapalaran. Ikaw ay matatagpuang may malinis na hangarin upang umangat ang buhay ng iyong minamahal. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-18-20-28-31-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang takdang araw na kung kailan ay pakikinggan ng langit ang iyong kahilingan. Huwag mo nang habaan ang mga salitang gagamitin mo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-8-17-23-34-39-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakagulat ang iyong kapalaran. Ang lihim mong kaaway ay gagawa ng kabutihan ngayon. Kapag nagawa niya ito, walang duda, makatatanggap ka ng malaking biyaya mula sa nasa Itaas. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-16-24-27-30-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang tamang araw para sa pagbuo ng mga plano. Kaya samantalahin mo ang masuwerteng araw na ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-12-26-36-38-40.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 16, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 16, 2025 (Linggo): Malikhaing kaisipan ang regalo sa iyo ng iyong kapalaran. Magagamit mo ito para mapaunlad ang iyong buhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maraming aral na ang natutunan mo. Kaya huwag mo itong kalilimutan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-3-11-20-24-27-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lumayo ka sa hindi nagpapakatotoo sa iyo. Huwag mong sayangin ang iyong oras, araw, at panahon sa mga taong akala mo’y loyal sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-12-15-28-37-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Pansamantala lang ang kabiguan, at sa bawat kabiguan ay may matututunan ka. Ito ang iyong tandaan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-16-22-25-35-38.


CANCER (June 21-July 22) - Tapos na ang laban, at hindi na dapat magsisihan. Bagkus, hintayin muli ang isa pang laban at gawin ang lahat ng puwedeng gawin. Sa ganitong paraan, tiyak ang iyong tagumpay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-10-15-29-34-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ang labis na tiwala ay masama. Kaya sa uulitin, dapat pagbutihin mo na ang paghahanda. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-17-24-26-35-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Marami ang nalulungkot pero mas madami ang nagsasaya. Ito ang aral sa buhay na dapat mong malaman. Kapag ganito ka, patuloy na gaganda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-10-18-20-23-39.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ang talo ay talo, at ang panalo ay panalo. Pero pagkatapos ng lahat, dapat magkasundo pa rin ang magkabilang panig. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-15-21-29-32.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ituloy mo ang laban, lalo na kapag ang ipinaglalaban ay kapakanan ng mga mahihirap. Tandaan mo, hindi hadlang ang kabiguan upang hindi muling sumubok. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-9-12-25-37-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nabibigo ang hindi naghahanda. Kaya bago ka lumaban, paghandaan mo muna ang mga kailangang paghandaan. Sa pakikipagsapalaran, mas umaangat ang mga taong handa. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-19-26-30-35-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Minsan, hindi nakukuha ang tagumpay sa unang laban. Madalas ang panalo ay nasa muling tumatayo at muling lumalaban. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-14-22-29-34-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Talo ang kinakapos sa galaw. Kaya sa susunod, dapat hindi ka na kapusin sa lakas. Kumilos at palakasin mo pa ang mga proyektong binabalak mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-16-20-24-28-39.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung nagamit na ang nasa malayo, tiyak na hindi ka na matatalo. Sa digmaan, ang pagdating ng nasa malayo ang siyang nagdadala ng panalo. Huwag mo itong kalilimutan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-16-18-28-38-42.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page