top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 21, 2025



Horoscope


Sa ma kaarawan ngayong Nobyembre 21, 2025 (Biyernes): Mabilis at patuloy kang itataas ngayon, at ikagugulat ito ng mga taong walang bilib sa iyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung saan may magandang kita, iyon ang pasukin mo. Hindi ngayon ang panahon ng pakikipagsapalaran sa mga walang katiyakang bagay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-19-25-29-34-36.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang patatangay sa mga taong porke nakatikim ng suwerte, hihinto na agad. Ang pagpapayaman ay tulad ng panganganak—patuloy na iniiri hanggang ang sanggol ay maluwalhating lumuwal. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-12-26-30-37-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Dapat mabilis ka rin, at kung maaari ay ‘yong parang hindi ka na nag-iisip. Ang mga araw ngayon ay nangangailangan ng mabibilis na pag-aksyon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-11-17-29-31-38.


CANCER (June 21-July 22) - Hindi puwedeng maghalo ang damdamin sa pagpapaunlad ng negosyo. Kontrolado ng mga magagaling sa hanapbuhay ang kanilang emosyon. Ito ang paalala ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-15-26-33-34-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit labag sa loob mo, gawin mo. Ang ikonsidera mo ngayon ay ‘yung matagal nang pagsasama. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-15-20-28-32-37.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Labanan mo ang pakiramdam na ikaw ay angat na angat kesa sa iba. Sa katunayan, mas maganda pa rin na akalain nila na pantay-pantay lang kayo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-18-23-35-39-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang maiinip, dahil ang mga taong bilang nang bilang sa kanilang daliri ay madalas ‘di makakilos. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-16-21-34-37-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magsakripisyo ka ng mahabang oras para sa paghahanapbuhay. Sa ngayon, ang panahon ay angkop na angkop sa pagpaparami ng kabuhayan bilang paghahanda sa hinaharap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-17-20-22-28-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit pagod ka, ituloy mo lang ang hangarin mong mabago ang iyong buhay papunta sa mas lalo pang maganda at matatag na kinabukasan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-11-19-25-27-33.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Masaya ka ngayon dahil damang-dama mo ang pagganda ng takbo ng iyong kapalaran. Mas sasaya ka pa dahil higit na mas masuwerte ka sa darating na mga araw. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-15-20-28-39-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Limitahan mo muna ang iyong paglalakwatsa. Ang tutukan mo ay ang mga suliraning patuloy na gumugulo sa isip at damdamin mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-14-18-29-38-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ikaw ang bida ngayon sa sarili mong kasaysayan. Ang mga gustong sumingit dahil akala nila ay mahalaga rin ang papel nila sa buhay mo ay huwag mo munang intindihin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-12-21-24-35-40.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 20, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 20, 2025 (Huwebes): Nagbubunga ng magagandang kapalaran ang kabaitan ng isang tao. Tulad mo, ang mga suwerte ay laging nakaabang sa iyong nilalakaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bumaba ka para itaas ka. Ito ang pangako ng langit para sa iyo. Hindi naman kabawasan ang magpakumbaba. Sa halip, makakaani ka pa ng papuri at paghanga. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-11-19-25-30-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magpaliwanag sa mga kaibigan mo dahil ang tunay na kaibigan, lagi kang mauunawaan. Gayunman, hindi mo rin obligasyong magpaliwanag sa ibang tao. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-13-22-28-31-42.


GEMINI (May 21-June 20) -  Pipiliin mo ang mas bata. Ganundin sa kapalaran, sariwa at bago ang mga pagkakataong ihaharap sa iyo ng langit, upang mas mapabilis ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-5-16-21-23-29-32.


CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ka, iyon ang iyong ipakita. Sa ganitong paraan, malalaman mo kung tanggap ka nga ba ng taong nais ka makasama habambuhay. ‘Wag tumulad sa iba na mapagkunwari, plastik, at ayaw ipakita ang tunay na sarili. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-14-26-31-38-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Mahina ka ngayon at matatalo ka ng iyong damdamin. Sa una, magiging mahigpit ang pagsupil sa damdamin mo, pero ito pa rin naman ang mananaig. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-10-15-25-34-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ang tama, iyon ang ipaglaban mo. Ito ang lihim na utos sa iyo ng langit, na may kalakip na pangako na ang magagandang kapalaran ay mapapasaiyo bilang iyong regalo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-17-24-33-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - May katapusan ang lahat ng bagay sa mundo, pero ang pagmamahalang natapos ay mahimalang bubuhaying muli. Ito ang katotohanang nagpapagulo sa isipan mo ngayon. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-6-13-20-26-38-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Malulunod ka sa saya’t ligaya. Subalit, ang sobrang kaligayahan ang kadalasang nagpapalayo sa reyalidad. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-9-18-27-34-38-43.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hadlang ang problemang nasa iyong harapan. Gayunman, ituloy mo pa rin ang matagal mo nang pangarap. Masuwerteng kulay-old rose. Tips sa lotto-2-15-22-31-39-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Naghihiganti ang mahihina, habang ang malakas naman ay nagpaparaya. Piliin mo ang huli, dahil ang regalo ng langit sa sinumang mapagparaya ay malaking biyaya at mga pagpapala. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-9-16-25-28-37-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Takasan mo ang problema. Sa katunayan, hindi naman masamang takasan ang nagpapahirap sa damdamin at kalooban. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-1-17-21-36-39-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pagbigyan mo ang nakikiusap, dahil minsan din naman, bilang tao ay nakiusap ka rin sa kapwa mo. Ang pahabol na payo ay nagsasabing kapag nagbibigay ka sa nakikiusap sa iyo, ang nasa Itaas mismo ang gaganti. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-3-15-22-23-37-41.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 19, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 19, 2025 (Miyerkules): Bihira lang ang mga pinagpala. Ang masuwerteng balita ay nagsasabing isa ka sa mga pinagpala. Ito ang mensahe ng iyong kaarawan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dadalawin ka ng mumunting suwerte, na kung ikaw ay matatagpuang masaya, ang munting binhi ng magagandang kapalaran ay lalago pa nang lalago. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-16-28-32-44.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung sino ang may masayang personalidad, sa kanya ka dumikit. Bukod sa sasaya ka, maa-absorb mo rin ang maganda niyang kapalaran. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-6-12-19-25-36-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Mamumunga na ang kabaitan at pagtitiis na ginagawa mo ngayon. Kaya ‘wag kang mawawalan ng pag-asa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-14-22-31-39-45.


CANCER (June 21-July 22) - Tapos na ang kalungkutan. Sa katunayan, kahit pa maglungkut-lungkutan ka, wala ka rin namang magagawa dahil sasaya ka pa rin naman. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-15-20-32-37-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Mabilis mo nang makakamit ang mga pangarap mo. Kaya hangarin mo ang masagana at masayang buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-16-24-27-34-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kailangan mong pakitaan ng mabuti ang iyong kaaway para suwertehin ka! Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-13-25-33-39-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ididikit ka ngayon sa taong handa kang bigyan ng masarap na buhay. Nasa sa iyo ang pagpapasya, at hawak mo ngayon ang iyong kalungkutan at kaligayahan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-10-14-26-33-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Habaan mo pa ang pang-unawa mo. Kapag mahaba ang pang-unawa ng isang tao, nakikita agad niya ang tamang solusyon sa lahat ng bagay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-17-28-32-38-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi nagbabago ang langit, bagkus hinihintay lang Niya na yakapin mo ang landas na nais mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-15-20-23-37-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Suwerte ang dala mo sa sinumang didikit sa iyo, at kamalasan naman ang dala mo sa mga taong nasa malayo. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-16-19-29-36-44.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Muling dadagsa sa buhay mo ang magagandang bagay na pinangarap mong mapasaiyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-14-22-28-30-43.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kunin mo ang gusto mo. Sa buhay nating ito, may mga madali at mahirap kunin, pero kahit na ganu’n, mapapasaiyo pa rin naman ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-10-18-25-38-42.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page