top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 27, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 27, 2025 (Huwebes): Ginagabayan ka ni Marte, isa sa mga astrological planets na nasa kapalaran mo. Masayang ibinabalita sa iyo na ang panalo sa bawat hamon ng kapalaran ay regalo sa iyo ni Marte upang ito ay mapagwagian mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Noon pa nagpasya ang langit para sa maganda mong buhay. Masuwerteng kulay–pink. Tips sa lotto-3-11-26-36-38-44.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Yuyuko sa iyo ang mga karibal mo kapag nagpakita ka ng tapang. Alam nilang sila’y mahina sa mga araw na ito, kaya sila na rin mismo ang iiwas sa iyo. Masuwerteng kulay–beige. Tips sa lotto-9-14-23-30-32-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Kakaibang sigla ang madarama mo, ito ay isang hiwaga ng kapalaran na kaya ka sisigla ay dahil lihim kang inuutusan ng langit na sugurin, abutin at puntahan ang malalaking pangarap mo. Masuwerteng kulay–blue. Tips sa lotto-7-19-25-35-37-42.


CANCER (June 21-July 22) - Ituloy mo lang ang mga plano mo at huwag kang papaawat sa mga kontrabida sa buhay mo. Masuwerteng kulay–black. Tips sa lotto-3-12-23-26-34-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Malakas ka ngayon. Ang panalo ay para lang sa malalakas at ang pagkatalo ay para naman sa mahihina. Muli, malakas ka ngayon at ang panalo ay para sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay–violet. Tips sa lotto-1-18-20-24-29-39.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bawat sugod ay dapat bukas ang isip mo, ito ang sikreto upang makaiwas ka sa mga hindi inaasahang kabiguan. Muli, dapat bukas ang isip mo. Masuwerteng kulay–peach. Tips sa lotto-5-13-26-28-38-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hihinto ang ikot ng iyong mundo dahil sa taong magbibigay sa iyo ng kalituhan. Ito ang babala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay–red. Tips sa lotto-6-17-21-25-27-31.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bigla kang sasaya dahil makikita mo na ang mga pangyayaring tila sadyang nakikiisa sa mga plano mo. Masuwerteng kulay–orange. Tips sa lotto-2-18-25-28-37-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hawakan mo ang mga pinaninindigan mo. May magtatangkang sirain ang diskarte mo sa pamamagitan ng magagandang ideya, ‘wag kang maniniwala sa kanila, dahil mali lahat iyon. Masuwerteng kulay–white. Tips sa lotto-3-11-23-29-38-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung saan ka madadalian, iyon ang piliin mo. Ito ang sikreto ng kapalaran na hindi mo kailangan mamuhunan ng hirap para lang makuha mo ang gusto mo. Masuwerteng kulay–green. Tips sa lotto-7-15-20-24-27-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumabas ka sa isang sitwasyon na nahihirapan kang magdesisyon. Mas maganda kung manahimik ka na lang at lumayo sa mga taong nagpupumilit. Masuwerteng kulay–yellow. Tips sa lotto-4-11-13-22-29-33.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na kapag nagkaroon ka ng lakas ng loob kahit konti lang, makukuha mo na ang gusto mo. Hindi naman mahirap sundin ang nasabing payo, dahil muli, kahit konting lakas ng loob lang. Masuwerteng kulay–purple. Tips sa lotto-6-14-23-38-39-44.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 26, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 26, 2025 (Miyerkules): Dala mo ang suwerte at sa iyo dapat ito mapunta. Ito ang tandaan mo ngayon.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sa biglang tingin, mahihirapan ka. Pero ‘wag kang mag-alala, dahil gaganda pa nang gaganda ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-16-29-33-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang kumilos at magsalita na para bang inip na inip ka na gumanda ang iyong buhay, dahil mas makabubuti kung positibo ang pananaw mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-8-14-22-36-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Okey lang na mabagal ka ngayon. Mas makabubuti ito sa iyo dahil makikita at mapag-aaralan mo ang mga plano mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-18-24-34-37-41.


CANCER (June 21-July 22) - Habang lumilipad ang mga ibon, sila ay masayang namamahinga. Huwag mong seryosohin ang trabaho mo. Maganda na magsaya ka habang may ginagawa ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-15-23-36-38-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Iwasan mong magalit dahil lang ‘di ka nila maunawaan. Kahit kailan, ‘di mabuti sa iyo na pagharian ka ng inis. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-13-20-25-28-30.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Simplehan mo lang ang buhay mo. Kung ano ang kaya mo, iyon lang ang gawin mo. Kung ano lang ang magpapasaya sa iyo, ‘yon lang ang piliin mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-11-26-33-35-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Anumang sandali ay lalakas ang iyong imahinasyon. Kapag negatibo ang sumaiyo, bumalik ka sa reyalidad. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-17-23-31-39-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dadapo sa iyo ang mga suwerteng inayawan ng iba dahil sila ay abala sa mga walang kuwentang bagay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-1-12-19-22-32-36.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi dapat malaman ng mahal mo na pasasayahin mo siya. Kapag madami kang napasaya nang lihim—lihim ka ring bibigyan ng regalo ng langit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-14-21-28-38-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Araw mo ngayon mo at ang iba pang mga araw ay para pa rin sa iyo. Ang posisyon ng mga planeta ay makikitang pabor na pabor sa iyo at nakakontra sa mga lihim mong kaaway. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-16-27-30-34-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Saya at sigla ang dala-dala ng hangin. Kaya wala kang katuwiran kapag nalungkot ka. Tandaan mo, ikaw ang saya, sigla, at inspirasyon ng mga nasa paligid mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-11-17-26-35-43.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nasusugatan ang isda na sumasalungat sa agos. Sakyan mo lang ang mga pangyayari, tulad ng alon—lumilipas ang luma at araw-araw ay bago. Sa huli, magugulat ka, ikaw ay sasagana. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-15-20-22-37-41.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 25, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 25, 2025 (Martes): Sa malayo magmumula ang mga suwerte mo, pero hindi ibig sabihin nito ay hindi ka na suwerte sa malapit. Simpleng nagsasabi rin ito na saan mang lugar sa panahong ito ng iyong buhay, lalo ka pang susuwertehin nang susuwertehin.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nahahadlangan ba ang kabiguan? Kung mananatili kang lumalaban, hindi puwedeng sabihin na ikaw ay bigo na! Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-19-26-33-38-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung sino ang mahina, siya ang dapat na tulungan. Mahina ka ngayon, at ikaw ang nangangailangan ng tulong. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-11-17-20-35-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Mahinahon ang nagdadala ng kapayapaan. Itinuturo rin niya ang mga nararapat na ikilos. Huminahon ka nang sa gayun ay pumabor sa iyo ang mga pangyayari. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-12-19-24-34-45.


CANCER (June 21-July 22) - Masuwerte ka! Dapat alam mo kung ano ang gagawin ng taong sinusuwerte. Kung alam mo, gawin mo na agad ngayon; huwag mag-alinlangan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-10-25-34-37-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Sobrang lakas ngayon ng iyong karisma. Hawakan mong mabuti ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-14-23-27-30-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Masyadong malayo ang nararating ng isip mo. Awatin mo ang sarili mo na mag-isip ng malayo sa reyalidad. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-18-20-25-33-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ngayong nalulungkot ka, ihip ng sariwang hangin ang kailangan mo. Subukan mo’t magugulat ka dahil ikaw ay biglang sasaya kapag nadampian ka ng sariwang hangin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-15-21-24-38-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Simple lang naman ang pormula ng tagumpay, gawin mo ang ginagawa ng mga nagtagumpay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-17-22-29-32-43.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Masuwerte ngayon ang may inaalagaang hayop sa bahay. Pakitaan mo ang mga alaga mong hayop ng espesyal at makakaasa ka, bubuwenasin ka. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-4-18-25-28-36-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang babalik sa nakaraan, bagkus, pagmasdan mo ang sarili mo at ang kapwa mo. Ano ang nakikita mo? Hindi ba’t ikaw ang nakaharap sa harapan? Ibig sabihin nito, ikaw dapat ay laging papasulong sa hinaharap. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-14-19-26-37-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung sino ang nakatulong sa iyo minsan, siya ang muling tutulong sa iyo. Huwag ka nang lumapit pa sa mga alam mo namang nagtatago at hindi mahagilap kapag kailangan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-11-29-35-38-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muli kang susuwertehin! Pero may kondisyon na nagsasabing iwasan mong makasakit ng damdamin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-6-16-24-32-44.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page