top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 03, 2021



Sa may kaarawan ngayong Oktubre 3, 2021 (Linggo): Nakagugulat ang iyong kapalaran dahil kahit wala ka nang interes sa mataas na puwesto, nakukuha mo pa rin ito kapag talagang iyong ginusto at sinasabi pa ng langit na malayo ang mararating mo.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Isang hakbang pasulong. Huwag mong sundan agad ng ikalawa, sa halip ay pag-aralan mo muna ang sitwasyon saka ka sumulong. Ito ang sikreto ng kapalaran mo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-18-20-31-34-35.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kikilos nang kusa ang kapalaran mo kahit wala kang gawing anuman. Ang magagandang bagay ay magaganap sa iyo na para bang ang dating hiling mo sa langit ay isa-isa nang pinagbibigyan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-22-25-39-40-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Gumaganda ang mga bato sa mabilis na palo ng mga alon sa dalampasigan. Sa bilis ng mga pangyayari, magugulat ka na lang dahil gumanda nang gumanda ang iyong kapalaran nang hindi mo namamalayan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-16-23-29-35-40.

CANCER (June 21-July 22) - Sisilip ang liwanag sa iyong kabuhayan. Ibig sabihin, matatanaw mo na ang tuloy-tuloy na paglago, ngunit noon ay parang babagsak na nang tuluyan ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-12-26-33-37-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Iwasan mong lumabis ang tiwala mo sa sarili. Dahil ang totoo ay langit at hindi ikaw ang nagpapaganda ng iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-18-29-38-40-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi masama ang sumuko, dahil ang masama ay ang hindi ka marunong kumilala sa pagkakamali. Ibaba mo ang iyong bandera dahil sa pagkakataong ito, mali ang inakala mong tama. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-13-16-21-22-28-39.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Napapahamak ang sumusuway at ang masunurin ay umaani ng tagumpay, paghanga at pagpapahalaga. Iwasan mong tumigas ang loob mo dahil hindi maganda ang sarado ang isipan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-20-24-27-33-41-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumaban ka. Huwag mong atrasan ang hamon ng kapalaran na nasa iyong harapan. Mas mahihirap at mabibigat na pagsubok ang iyong pinagtagumpayan sa nakaraan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-17-26-37-41-46.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magbawas ka ng pasanin. Hindi puwede na matagal mo nang pinapasan ang ayaw namang ayusin at pagbutihin ang kanilang sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-15-16-24-37-47.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Piliin mo ang mga salitang iyong gagamitin. Mas malakas ang dating ng nagsasalita nang may kahulugan kaysa sa salita lang nang salita tungkol sa walang kuwentang bagay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-10-16-21-22-26-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit mabigla ka, kalmado ka lang. Madalas, ang nakagugulat na sitwasyon ay nagreresulta sa paglabas ng kahinaan. Ito ang iyong pakaingatan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-20-25-28-30-33.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makakabahagi ka sa mga suwerteng ihuhulog ng langit ngayon. Para mas malaki at marami ang mapasakamay mo, alisin mo ang iyong lungkot. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-11-18-23-38-41.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 29, 2021



Sa may kaarawan ngayong Setyembre 29, 2021 (Miyerkules): Malambot ang puso mo kaya marami ang mananamantala sa kabaitan mo. Gayunman, pagkakalooban ka ng langit ng hindi matapos-tapos na saya at suwerte.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nakamasid sa iyo ang langit. Ang mga pagtulong mo sa kapwa ay tatapatan ng maraming biyaya. Ipagpatuloy mo ang iyong paglilingkod sa mga tao. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-13-29-30-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lolobo pa ang iyong kaban-yaman hangga’t patuloy kang nagsisikap. Sa huli, ang yaman mo ay aabot pa sa maraming salin at saling lahi. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-16-21-25-34-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Magmadali ka nang sa gayun ay marami kang makuhang pakinabang. Sa pagmamadali mo, marami rin ang iyong malalagpasan. ‘Wag kang mag-alala dahil sa huli, sobra-sobra ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-13-15-23-33-36.


CANCER (June 21-July 22) - Mayayanig ka sa galaw ng iyong kapalaran dahil malalaking suwerte ang nag-aabang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-26-31-39-40-46.


LEO (July 23-Aug. 22) - Maaawa ka sa hindi dapat kaawaan. Madalas na itong nangyayari sa iyo, pero hindi ka naman nagbabago. Tulad noon, pagsisisi ang aabutin mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-25-27-34-38.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ikaw ang taga-hatol ngayon sa dalawang hindi magkaintindihan. Magagawa mo silang pag-ayusin dahil sa kakaibang talino na paiiralin mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-22-24-29-41-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka pa rin magbabago. Kung ano ang maganda sa paningin, ‘yun ang gugustuhin mo. Ang sinasabi ng iba, babalewalain mo dahil ikaw ang higit na may karapatan pagpili sa gusto mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-18-24-25-34-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mahirap kang kalaban dahil hindi ka basta-basta sumusuko. Sa pagmamahal ay ganu’n ka rin, ang pagsuko ay wala sa iyong bokabularyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-13-15-20-23-32.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bababa ka. Tanggapin mo ito nang naluwag sa loob dahil muli kang tataas at mas mataas ka pa kaysa dati mong posisyon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-12-27-34-35-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakagugulat ang iyong kapalaran dahil ikaw ay mababawasan, pero ikaw din ay madadagdagan. Ang madadagdag sa iyo ay may dala-dalang napakaraming pakinabang. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-13-15-20-21-25-31.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis na maglalaho ang lungkot. Kaya matatawa ka sa iyong sarili dahil sa una, akala mong natabunan ka na ng mundo dahil sa mabibigat na problema, pero biglang mapasasaiyo ang kaligayahan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-20-23-29-30-33-37.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumuha ka ng isa at magugulat ka dahil dalawa ang mapasasaiyo. Kaya naman kumuha ka ng dalawa at tatlo ang mapasasaiyo. Ito ay nagsasabing kailangang ikilos mo ang iyong mga kamay nang doble, siksik, liglig at mas marami pang biyaya ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-9-11-14-15-23-30.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 28, 2021



Sa may kaarawan ngayong Setyembre 28, 2021 (Martes): Kinagugulatan ka dahil sa mga biglaang pagdating ng mga suwerte mo. Ingatan at pahalagahan mo ang mga ito nang sa gayun ay hindi agad mawala sa iyo.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maglaan ka sa iyong sarili ng ilang sandali na ikaw ay nag-iisa at tahimik. Sa ganitong paraan, papasok sa isip mo ang bagong pormula ng tagumpay na magpapayaman sa iyo nang husto. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-20-30-39-39-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagmamadali ang ilang malalaking suwerte na lumapit sa iyo. Itakwil mo ang mga hindi magandang gawi at nakatagong sama ng loob sa puso mo. Buksan mo rin ang iyong isipan para sa pagbabago at pagmamahal sa kapwa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-24-29-30-35-44.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi malalaki ang mga suwerteng mapasasaiyo, pero dahil ang mga ito ay marami at sunod-sunod, ang iyong kaligayahan ay mag-uumapaw. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-19-21-25-34-35.


CANCER (June 21-July 22) - Malaking alalay ang ipagkakaloob sa iyo ng langit nang walang kapalit o bayad. Ang inaasahan lang ay hindi ka magbabago sa mga kabutihang loob sa iyong kapwa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-18-20-26-37-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon at sa mga susunod na araw, ang maliliit at malalaking suwerte mo ay parating. Upang hindi masayang ang mga ito, mas magandang ilagay mo sa gusto mong negosyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-18-20-24-30-35.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon dahil ito ay nagsasabing, kapag masaya ka, susuwertehin ka. Kaya magsaya ka at ang lungkot ay huwag mong yakapin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-10-16-21-25-34.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ito gabay. Sa ayaw o sa gusto mo, ito ay hindi mo mapipigilan. Ikaw ay matutuksong gumastos kung saan sa huli, masasabi mong ayaw mo naman pala sa mga bagay na iyong ginastusan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-29-30-35-41-46.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang manghinayang sa mawawala sa iyo. Magkakatotoo sa buhay mo ang sabi-sabi na kapag natalbusan ang mga halaman, lalo itong lumalago at gumaganda. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-26-30-33-36-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Minsan, nakapagtataka ang buhay ng tao. Tulad ng buhay mo ngayon, ang tutulong sa iyo ay nasa ibaba kung saan sa biglang tingin ay walang mga kakayahan na ikaw ay tulungan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-25-28-31-39-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag puno ang lalagyan, hindi na puwedeng dagdagan pa ang laman. Kaya naman ang ibang bagay na nasa iyo pero hindi mo na gusto ay ipamigay mo na. Sa ganitong paraan, papasok ang mga suwerte at magagandang kapalaran sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-22-25-39-40-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumilos ka na parang nasa iyo na ang gustong-gusto mong matupad. Magugulat ka dahil mabilis na mapasasakamay mo ang mga ito. Ito ang tunay na kahulugan ng positibong pamumuhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-17-21-25-34-38.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon, masasabi mong hindi pala bingi ang langit dahil mapasasaiyo ang noon mo pa gusto. Sa mga nakaraang araw, naantala ka at naghintay lang ng tamang panahon at ito ay dumating na ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-11-18-20-25-30.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page