top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 13, 2021



Sa may kaarawan ngayong Oktubre 13, 2021 (Miyerkules): Gawin mo kung ano ang makabubuti para sa iyo. Huwag kang mag-alala, palagi kang aalalayan ng langit. Ito ay ginagarantiyahan ng iyong kapalaran.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung may saloobin ka, sabihin mo. Kung may panukala ka, sabihin mo rin. Hindi makabubuti sa iyo at sa lahat ng mga nasa paligid mo na panatilihin sa isip mo ang anumang bagay na iyong iniisip. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-15-28-34-38-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bakit ka magpapatalo sa kalungkutan, gayung alam mo namang hindi maganda ang dulot nito sa buhay ng isang tao? Magsaya at maglibang ka kasama ang ilang kaibigan at kayo ay mamasyal. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-18-20-21-26-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka dapat mainip kapag hindi mo nakuha ang gusto mo. Rito sa mundo, ang mapaghintay ay mas binubuwenas kaysa sa nagmamadali pero nawawala sa lugar. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-15-18-25-28-33.


CANCER (June 21-July 22) - Namamahinga rin ang pagdating ng mga suwerte. Ito ay sa dahilang kumukuha sila ng malalakas na buwelo. Ihanda mo ang iyong sarili sa nakamamangha at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-10-11-15-23-39-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Unahin mo ang mas mahahalagang bagay. Ang mga nakakainis lang naman na ipinaririnig sa iyo ay palagpasin mo na lang. Muli, unahin mo ang mas mahahalagang bagay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-13-19-23-36-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagtuturo ang karanasan. Ang sabi nga, ito ang pinakamagaling na guro. Sa naranasan mo ngayon, ang mga aral sa buhay na iyong nakuha ay iyong tiyak na pakikinabangan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-22-24-28-31-35.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Baguhin mo ang iyong diskarte. Huwag mong ipilit ang bagay na hirap na hirap kang isagawa. Kadalasan, ang simpleng pagpapalit ng paraan ay nagbibigay ng mabilis at magandang resulta. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-21-26-28-30-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bago ka magtiwala sa iba, magtiwala ka muna sa iyong sarili dahil ang umaasa sa kapwa ay nadadaya. Pero ang umaasa sa sarili ay umaani ng mas malalaking biyaya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-11-14-27-30-38.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong unahin ang pagsasalita. Mas magandang mag-isip ka muna. Ang marunong magkontrol ng kanyang bibig at dila ay ang taong kontrolado rin ang kanyang kapwa at ang mga pangyayari. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-15-17-28-33-37.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw na pagbibigyan ng langit ang mga kahilingan mo, pero may kondisyon. Kailangang talunin mo muna ang kalungkutan at kapag sumaya ka na, ang lahat ng pangyayari ay makikita mong aayon sa iyong mga kagustuhan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-16-18-23-39-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ikaw pa rin ang magpapasya kahit nagdaratingan sa iyo ang magkakasalungat na payo. Para hindi ka magkamali, ibase mo sa sariling karanasan ang magiging desisyon mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-19-24-26-37-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon. Ito ay nagsasabing sundin at gawin mo ang ayaw mong paniwalaan. Magugulat ka dahil ang naglalakihang suwerte ay mapasasakamay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-17-25-26-35-45.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 10, 2021



Sa may kaarawan ngayong Oktubre 10, 2021 (Linggo): Hindi ka maaawat sa pagtulong sa kapwa dahil ito mismo ang ipinagagawa sa iyo ng iyong kapalaran. Ito rin ang dahilan kaya hindi mo napapansin na nagiging malapit sa iyo ang mga suwerte at magagandang kapalaran.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mabilis na aasenso ang nagtatrabaho nang masaya. Kaya hindi puwedeng matalo ka ng kalungkutan. Mas maganda na maghanap ka ng paraan kung paano ka sasaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-10-13-24-27-34.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mabuti sa kalusugan ang sikat ng Haring Araw at ang mga sikat na kakilala mong malapit sa iyo ay makabubuti naman sa iyong kapalaran. Ang payo ay dumikit ka sa kanila. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-14-19-20-21-23.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi totoo na kapag hindi ka nakinig sa mga payo ay magkakamali ka. Noon pa man at hanggang ngayon, maganda ang buhay mo, sarili mo lang naman ang iyong pinakikinggan. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-9-19-25-37-42-45.


CANCER (June 21-July 22) - Aalalayan ka ng iyong kapalaran kaya wala kang dapat ikatakot. Ang payo ay gawin mo ang alam mong makabubuti sa iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-23-26-30-43-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Nagpasya ang langit na ang huling halakhak ay ibibigay sa iyo. Kaya hayaan mong pansamantalang makaporma ang mga kontrabida sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-13-16-20-28-32.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ingatan mong talunin ka ng labis na tiwala sa sarili. Isabuhay mo ang pagiging alerto sa bawat sitwasyon. Huwag mo ring kalimutan na ang nagpapabaya sa laban ay maaaring matalo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-15-18-28-30-31.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Napansin mo ba na may mga sandali na tahimik ka? Ito ay nagpapaalala na sa mga araw na ito, kailangang magdebosyon ka sa kinikilala at sinasamba mong banal na personalidad. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-7-13-23-25-30-36.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mo nang hanapin ang nawala at hindi ka rin dapat malungkot. Nag-aabang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran ang napakalaking suwerte na para sa iyo lamang. Basta ang mahalaga, umusad ka na ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-17-24-25-36-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pahinga ang iyong kailangan mula sa pag-iisip ng mga problema. Sa nakapagpahingang isip, ang mga bagay na mabigat at maselan ay madaling nahahanapan ng kaukulang solusyon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-11-13-29-34-38.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gawin mo lang kung ano ang kaya mo. Huwag kang lumabis at huwag ka rin sobrang magpagod. Isa pa, huwag kang maniwala na kapag tinutukan ang isang bagay ay tiyak na makukuha. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-19-21-25-27-36.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang mabahala sa kung ano ang kakainin sa susunod na mga araw. Kumbaga, ilagay mo sa iyong isip ang sinasabi na hindi pinababayaan ng langit sa paglipad ang mga ibon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-12-27-30-31-33.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumukuha pa ng malakas na buwelo ang mga suwerte mo, kaya mapapansin mong tila umatras at biglang nawala ito. Ngunit kapag nakakuha na ito ng buwelo, humanda ka dahil ang suwerte ay parang malakas na ulan na bubuhos sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-19-20-23-38-40.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 09, 2021



Sa may kaarawan ngayong Oktubre 9, 2021 (Sabado): Malalaking tagumpay ang nag-aabang sa landas ng buhay na iyong tinatahak. Malalaki at hindi maliliit kaya dapat ay malalaking pangarap ang iyong mithiin.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ngayon mo na hilingin sa langit kung ano ang pinakagusto mo. Kahit mahirap mangyari at may pagkaimposible, dahil mahal ka ng langit, gagawa Siya ng paraan para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-10-18-20-24-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kapag napansin mong bigla kang tumapang, panatilihin mo ang kahinahunan. Marami na ang nagsisi dahil hindi nakontrol ang tapang. Ito ang mesahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-19-21-24-35-37.


GEMINI (May 21-June 20) - Piliin mo kung saan ka madadalian. Mahalaga na magtagumpay ka kahit sa maliit na mga bagay muna. Sapagkat ang matututunan mo ay magagamit mo sa iyong malalaki at mahihirap na proyekto. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-15-26-31-32-39.


CANCER (June 21-July 22) - Mangyayari ang hindi mo gustong mangyari. Mapatutunayan sa buhay mo na ang langit ang tunay na nakakaalam sa kung ano ang mabuti sa tao. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-20-21-26-35-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit gumaganda ang takbo ng mga pangyayari sa buhay mo, mananatiling nakabantay ang langit sa iyo dahil hindi titigil ang mga inggitera sa buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-20-24-38-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ikaw ay magtataka sa iyong sarili. Dahil sa iyong kakaibang sigla, makikitang magagawa mo ang mga bagay sa nakaraan na inakala mong hindi mo kakayanin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-11-13-25-34-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumukupas ang lahat ng bagay sa ibabaw ng mundo. Hindi ka dapat magtaka kapag nabawasan ang pagtingin mo sa noon ay sinasabi mong hindi ka kahit kailan magbabago. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-18-21-31-38.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Wala kang lakas na gawin ang malalaking bagay na gustong-gusto mo. Ang masayang balita para sa iyo ay nagsasabing pahihiramin ka ng lakas ng loob at tapang ng isang bago mong kakilala. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-20-21-26-37-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Para hindi sumakit ang ulo mo, ipatupad mo ang batas o prinsipyo na ‘una-una lang yan’, na kung ano ang nauna ay hindi dapat mahuli. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-10-16-18-20-26.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muling lalakas ang loob mo. Gamitin mo ito sa paraan na mabilis kang aasenso. Iwasan mong magamit sa ibang bagay tulad ng pakikipag-argumento sa mga nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-11-12-29-30-35.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magtataka at mahihiwagaan ka sa iyong sarili dahil sa biglaang pagpapalit mo ng pasya. Gayunman, ipanatag mo ang iyong kalooban dahil ang totoo, dati ka nang nagpabago-bago. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-15-21-28-37-39.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mangarap ka, lakihan mo ang iyong ambisyon at itodo mo ang pagsisikap. Ito ang susi ng tulad mo na may kakayahang maabot ang mga dakilang tagumpay sa buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-17-22-28-39-43.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page