top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Oktubre 29, 2022


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 29, 2022 (Sabado): Malambot ang iyong damdamin, kung saan madali kang bumigay sa mga kabaitang ipinakikita sa iyo. Ito ang iyong kahinaan, kaya pag-aralan mo kung paano ito makokontrol.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito ang araw kung kailan pagbibigyan ang mga hindi mo pinagbigyan dahil matigas ang iyong kalooban. Ito ay makakaganda sa buhay mo. Gayundin, ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-9-11-16-20-25.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pagmamahal ang naghahari sa iyo, pero hindi kabilang ang pagmamahal sa mga meteryal na bagay. At ang pagmamahal sa sarili ay iyong iwasan, bagkus, mahalin mo ang kapwa mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-21-24-28-30-34.

GEMINI (May 21-June 20) - Masuwerte ka kapag bumagal ang galaw ng iyong mundo ngayon dahil palatandaan ito na hindi mo ipipilit ang iyong sarili sa walang katiyakang pakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-19-28-31-32-35.

CANCER (June 21-July 22) - Bumalik ang mga araw na mas masuwerte ka kaysa sa mga pangkaraniwan. Mapasasaiyo ang hindi mo hiniling, pero ito ay magpapaganda pa rin ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-22-24-28-39-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kung sino ang may kakayahan, siya ang dapat umalalay. Ngayon, ikaw ay may kakayahan, kaya alalayan mo ang mahihina at nangangailangan. Ito ang iyong obligasyon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-13-14-23-29-33-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagkakaroon ng espasyo kapag may nawala. Mahiwaga ang ganitong salita, pero para sa iyo, ang bagong espasyo ay para sa bagong kabanata ng buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-20-21-24-26-36.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ipahiram mo ang saya na nasa iyo na. Paano? Simple lang, makipagkuwentuhan ka sa may mabigat na problema at siya mismo ang magsasabi na, “Salamat sa pagpapasaya mo sa akin.” Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-18-27-30-35-37.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Higit kaninuman, ikaw ang puwedeng panggalingan ng mga biyaya para sa mga kapus-palad. Kahit hindi malaki ang magmumula sa iyo, labis ka nilang pasasalamatan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-21-24-29-32-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mag-ingat ka dahil mahina ka ngayon laban sa mga tukso. Huwag mong kalimutan na ang pagpapalit ng pasya ay tukso rin kapag hindi mo itinuloy ang matagal nang nakaplano. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-19-20-28-30-33.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Buhay na buhay ang iyong pag-asa. Ibig sabihin, magkakaroon ng katuparan ang iyong mga pangarap at ito ay magsisimula nang maganap ngayon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-11-16-27-33-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka ipinanganak na isang alipin. Kaya bakit ka magpapaalipin sa iyong kalungkutan? Walang kahit na sino at ano na puwedeng umalipin sa iyo. Ito ang paalala sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-15-21-24-28-30.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi maganda na makita mong lumuluha ang mga nagkamali sa iyo. Maaawa ka at makakalimutan mo ang mga nagawa nilang kasalanan. Ito ang babala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay- aquamarine. Tips sa lotto-7-18-20-23-28-39.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Oktubre 27, 2022


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 27, 2022 (Huwebes): Mananalo ka sa bawat laban ng iyong kapalaran, kaya walang dahilan para atrasan mo ang anumang hamon na ibinabato sa iyo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon mo puwedeng gawin ang mga hindi mo nagawa sa nakaraan. Puwede mo ring gawin muli ang mga bagay na nagparanas sa iyo ng kabiguan. Ang araw na ito ay para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-19-20-25-33-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tapang lang naman ang kailangan mo at hindi malaking puhunan. Kapag malakas ang iyong loob, uunlad ang buhay mo. Lakas ng loob ang isa sa mga susi ng iyong tagumpay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-21-25-27-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Puwede mong sugurin ang iyong pangarap. Oo, makukuha mo ito, pero ipinapayo pa rin na pag-aralan mo nang mabuti kung paano ito mahahawakan nang panghabambuhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-27-29-31-35-39.

CANCER (June 21-July 22) - Muli, ipinaaalala sa iyo na iwasan mong magalit. Nang minsang nagalit ka, para kang baha na rumaragasa at walang sinumang puwedeng humarang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-22-28-31-35-38.

LEO (July 23-Aug. 22) - Talo mo ang iyong mga kalaban, pero mas maganda na hindi ka mapalaban dahil ang sinumang nakakalaban mo ay talo at nasisira ang kapalaran. Ito ang babala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach .Tips sa lotto-14-20-22-24-35-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kikilos ka na parang hindi taong negatibo kahit marami kang ipinag-aalala. Higit kailanman, ngayon mo na kailangang tahakin ang landas papunta sa dulo ng iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-15-16-27-33-36.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - May kani-kanyang takdang panahon ang bawat aktibidad sa ibabaw ng mundo. Para sa iyo, ngayon ang panahon para paramihin ang iyong kabuhayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-18-20-23-27-30-32.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ito ang araw na madadama mong paparami at papalapit sa iyo ang mga suwerte. Gayunman, kailangan mong itago ang iyong hindi magagandang gawi nang matiyak na dadapo sa iyo ang mga suwerteng ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-15-17-25-27-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagsimulang muli ang mga araw na papabor sa mga plano mo ang kapalaran. Gayunman, ituloy mo ito dahil hindi maganda ang puro lang plano. Ito ang mensahe para ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-21-24-27-33-37.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong buhayin ang iyong kaduwagan. Kahit kailan, ang mahina ang loob ay nauunahan ng kanyang mga kakumpitensya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-7-21-25-34-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis ang daan sa iyo ng mga suwerte. Kung hindi ka marunong magsinop, sa huli ay wala kang maiipon. Pinahahalagahan at iniingatan ang mga suwerte na dumarating sa buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-21-27-34-38-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lalakas ngayon ang loob mo na parang lahat ay kaya mo. Ito ba ay totoo? Ang sagot ay oo, wala kang hindi kaya dahil sa lakas ng loob mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-20-30-39-40-42.


 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Agosto 22, 2022


Sa may kaarawan ngayong Agosto 22, 2022 (Lunes): Mananatiling nakasubaybay sa iyo ang langit. Hindi ka Niya pababayaan kahit may mga pagkukulang ka. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon ang panahon para mas tutukan mo ang mga hindi natapos na gawain. Hindi puwede na manatiling nakabitin ang mga proyektong mag-aangat sa buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-18-20-26-40-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi masama ang manghiram. Hiramin mo ang epektibong pormula na nagpapaunlad sa buhay ng iyong kakilala. Sa ganitong paraan, uunlad ka rin tulad niya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-13-21-25-29-34-38.

GEMINI (May 21-June 20) - Madarama mo na hindi madaling makausad ang mga proyketo. Hindi ka dapat maging negatibo. Simpleng nagsasabi ito na kailangan mo ang tulong ng iba. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-25-26-29-30-31.

CANCER (June 21-July 22) - Pansinin mo ang nagpapapansin. Mahirap paniwalaan, pero magandang makapasok siya sa iyong kapalaran dahil ikaw ay tiyak na makikinabang sa kanya. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-11-19-21-25-27-33.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hihilain ka pababa ng mga nakadikit sa iyo na noon mo pa alam na pabigat lang sila sa buhay mo. Kailangan mong makagawa ng paraan para makalaya sa kanila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-15-26-29-30-32.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Muling makikita na nagtatalo ang isip at puso mo. Muli kang nag-aalinlangan, kaya muling maaantala ang iyong pag-abante sa buhay kung saan uunlad ka. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-20-28-31-37-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung naguguluhan ang isip mo, pumunta ka sa lugar kung saan mahihipan ng sariwang hangin ang iyong pisngi. Gawin mo ito kahit nag-aalinlangan ka sa payong ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-17-24-27-30-36.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi nabubuhay ang tao nang masaya sa sarili lang. Makipagkaibigan ka sa mga bagong kakilala. Oo, sa bagong mga kakilala at kabiruan dahil magbabago rin ang takbo ng buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-20-22-25-29-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahaharap ka sa mga hamon ng iyong kapalaran. Tulad ng dati, mananalo ka dahil sa matinding hangarin mo na mas paangatin pa ang iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-21-25-26-33-34.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumapit ka sa mga salitang mas mahal ng langit ang nagsasakripisyo alang-alang sa mga mahal niya sa buhay. Ito ang iyong panindigan dahil dito ka susuwertehin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-18-20-21-28-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tanggapin mo nang maluwag sa loob ang anumang mangyayaring pagbabago sa buhay mo. Lahat sa mundo ay nakakaranas ng pagbabago. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-23-24-28-39-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ihanda mo ang iyong sarili sa malaking suwerte na darating sa buhay mo. Isabuhay mo ang pagpapahalaga sa mga biyayang kaloob ng langit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-12-25-26-30-31-40.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page