top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Dec. 5, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 5, 2024 (Huwebes): Mabilis ang galaw ng kapalaran mo ngayon. Kaya dapat mabilis ka rin sa lahat ng bagay para makamit mo agad ang iyong pangarap. 

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lumayo ka sa mga taong sobrang daldal, dahil baka sa huli hindi mo mamamalayan na sunud-sunuran ka na lang sa kanyang mga gusto. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-11-20-25-33-36.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Itapon mo na ang mga bagay na hindi mo kailangan upang magkaroon ka ng bagong oportunidad na puwede mong pagpilian para umasenso, lumigaya at yumaman ka. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-16-23-31-35-39-40.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Mabilis na aangat ang iyong buhay kapag nagawa mong iwan ang mga hindi magagandang bisyo. Mas maganda na simple lang ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-14-17-24-37-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong isara ang isip mo sa mga payong sinasabi sa iyo. Ang bukas na isipan ang susi sa paghahanap ng mga ideyang mapapakinabangan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-12-20-29-30-42.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Magpahinga ka. Ito ang kailangan mo ngayon para manariwa sa iyong kapalaran ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-15-28-36-40-41.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tanggapin mo ang ibinigay sa iyo. Sa huli matutuklasan mo na ang ibinibigay sa iyo ay ang pampasuwerte mo pala. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-2-19-21-25-39-42.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mabilis na dadapo sa iyo ang maganda mong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-12-22-31-39-44.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kusa kang umatras sa mga gawain na hindi maganda para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-13-16-18-27-34.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag bumabagal ang takbo ng iyong buhay. Huwag mong isipin na ito’y negatibong bagay. Minsan, umiikot ang gulong ng kapalaran na may mabagal na galaw. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-19-21-28-30-33.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kanino ka nga ba dapat maniwala? Kanino pa nga ba, eh ‘di sa sarili mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-14-22-25-35-41.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magagawa mo na ngayon ang mga bagay na walang kahirap-hirap. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-11-17-20-38-44.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Buksan mo ang puso mo, nang sa gayun ay maglabasan ang mga lihim na galit mo at para guminhawa na rin ang buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-15-24-29-30-42.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nov. 13, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 13, 2024 (Miyerkules): Hindi ka mauubusan ng oportunidad. Kung susunggaban mo ito, tiyak na aangat ang iyong kalagayan sa buhay.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong kalilimutan na ang multo ay walang laman at buto, kaya wala kang dapat ipag-alala. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-19-22-25-37-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong hayaan na hindi ka makakilos dahil lang sa iyong kabiguan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-14-20-26-31-43.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Nadadapa ang tao dahil siya ay may tuhod, pero ang kanyang tuhod din ang kanyang ginagamit sa pagtayo at paglalakad. Sapat na ang taglay mong katangian para makaahon ka sa kahirapan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-21-28-39-41-45.

 

CANCER (June 21-July 22) - Kapag may negatibo silang nasasabi tungkol sa iyo, hayaan mo na lamang sila at ‘wag ka nang magpaapekto pa. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-10-12-23-36-44.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Alam mo ba kung bakit tayo nakakaranas ng kabiguan? Para mabigyan daan ang magandang buhay na gusto sa atin ng Diyos. Iyan ang iyong tandaan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-14-22-30-33-41.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumilos ka, para lumakas ang iyong loob. Ito ang mensahe sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-16-21-27-32-45.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kadalasan, kusang lumalakas ang tao kapag galing siya sa sakit. Gayunman, dapat mong malaman na kusang lumiligaya ang taong galing sa kabiguan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-18-20-28-35-37.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Malalim ang iyong pagkatao, sinuman ang magtakang akinin ka ay hindi na makakaiwas sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-9-13-15-25-34-44.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Damhin mo ang tagumpay, dahil may karapatan ka upang lumigaya. Basta ‘wag mo lamang kaliligtaan na marami pang tagumpay ang naghihintay sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-10-17-18-23-38-45.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung wala kang tiwala sa isang tao, layuan mo na agad sila. Tandaan mo, walang nagkakagusto sa bulaklak na walang bango. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-14-22-35-37-43.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mahirap maunawaan ang hula, pero ‘wag kang mag-alala dahil makukuha mo rin naman ang kahulugan nito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-11-15-20-27-42.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi totoo na mas malakas sa iyo ang mga karibal mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-22-28-31-34.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 10, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 10, 2024 (Miyerkules): Mas mapalad ka kaysa sa mga pangkaraniwan. Tulungan mo ang mga taong nangangailangan para mas lalo kang pagpalain. 

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Malaki ang maisusulong ng buhay mo. Gawin mo lang nang gawin ang lahat ng gusto mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-15-21-24-33-39.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Malaking suwerte ang darating para sa iyo, kaya lang may kondisyon. Ang kondisyon ay pagsusuot ng magandang damit na kulay pink o red. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-17-20-27-33-45.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Aatras ngayon ang iyong kabuhayan. Pero ‘wag kang mag-alala dahil kapag nabigyan ka muli ng pagkakataon, mas malaki ang makukuha mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-14-23-28-32-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Hawakan mo ang magagandang katangian mo, dahil ito ang magiging susi mo para mas mapaunlad mo ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-7-16-25-34-40.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Araw lang ang nawala sa iyo, hindi ang galing at husay mo. Wala kang dapat ipag-alala ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-4-10-19-28-37.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maraming suwerte ang makukuha mo na dala-dala ng taong zodiac sign na Taurus. Anuman ang iabot at ipagkaloob niya sa iyo, sunggaban mo agad. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-14-19-26-35-43.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mahalaga ang ibang tao, ang isipin mo ngayon ang sarili mong layunin at kapakanan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-11-18-23-33-44.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Malapit na maubos ang pasensya mo. Mas magandang magsaya ngayon, dahil kapag ganito ang ginawa mo mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-17-22-25-34-40.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kailangan mong igalaw ang katawan mo. Mag-exercise ka rin! Sa pag-e-exercise gaganda na ang katawan mo, lulusog at susuwertehin ka pa! Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-15-18-27-33-39.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kasama ang iyong mga mahal sa buhay, maglibang kayo. Sa paglilibang makukuha ang magagandang oportunidad. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-7-16-24-36-45.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mayaman ang iyong imahinasyon at sa mayamang imahinasyon na ito magsisimula ang iyong suwerte at magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-8-17-22-26-35.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mayaman ka na sana ngayon kung nagagawa mo lang ang magagandang ideya na nasa isip mo. Magagawa at maipapatupad mo naman lahat ng ‘yan sa tulong ng Capricorn o Virgo. Huwag mong pilitin mag-isa, dahil hindi mo talaga ‘yan kaya! Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-11-20-29-34-40.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page