top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 30, 2021



Sa may kaarawan ngayong Agosto 30, 2021 (Lunes): Itinalaga ka para mamuno at mamahala. Ito mismo ang papel mo sa mundo at ito rin ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mahalin mo ang nasa ibaba. Kaya ka nasa itaas ay dahil sa kanila. Pakitaan mo sila ng maganda at bigyan mo ng saya at ligaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-20-25-39-40-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maging matatag ka. Hindi maganda kung magpapaapekto ka sa mga pangit na kaganapan sa iyong kapaligiran. Maghintay-hintay ka lang dahil matatapos din ang lahat ng ‘yan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-11-15-28-30-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Kapag mabilis kang magpasya, ito ang magdadala sa iyo ng maraming biyaya at pagpapala. Kaya ‘wag kang mag-alinlangan, mas dapat na bilisan mo ang pagpapasya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-14-15-22-25-36.


CANCER (June 21-July 22) - Nakagugulat ang mga kaganapan na iyong mararanasan. Gayunman, sa huli ay nakikita mong ikaw ay nagkaroon ng malalaking pakinabang mula sa mga ito. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-21-28-30-31-38.


LEO (July 23-Aug. 22) - Muli, ikaw ang masusunod. Pero pakaingatan mong lumabis ka sa pag-uutos dahil hindi naman mahalaga kung nasusunod ka, ang mas importante ay ang magandang relasyon sa mga tao. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-10-18-28-38-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kusang mapapalapit sa iyo ang may mas mataas na ranggo. Ito ay sa dahilang hahanga sila sa mga kilos at pag-iisip mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-19-24-30-41-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang magpapasaya sa iyo, gawin mo. Hindi maganda na nalilimitahan ng iba ang iyong mga kilos, kalayaan at pagpapasya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-12-20-27-31-33-34.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pangkaraniwang nagkakaproblema ang isang tao. Muli, mararanasan mo na ang mga suliranin, gaanuman ito kalaki ay nawawala rin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-11-15-26-39-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Papaganda nang paganda ang kapalaran hanggang sa maabot mo ang pinakamataas na antas ng magandang kapalaran na para lang sa mga taong sobrang sinusuwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-16-18-21-29-32.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dumikit ka sa mga taong positibo. Hindi ka dapat mabuhay sa pag-aalinlangan. Malaki ang maitutulong sa iyo ng mga may magagandang pananaw sa buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-14-23-33-37.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakatutuwa ang paraan para ikaw ay suwertehin dahil ito ay nagsasabing, magsuot ka ng sapin sa paa na nakaangat o matataas. Gawin mo ito kahit nasa loob ka lang ng tahanan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-15-20-21-24-33.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon mo na simulan ang iyong mga plano na mag-aangat sa iyong buhay. Makakaasa ka na ang langit ay hindi ka bibiguin at tiyak na Siya ay aagapay at magdadala sa iyo ng malaking tagumpay at kasiyahan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-11-14-27-30-34.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 29, 2021



Sa may kaarawan ngayong Agosto 29, 2021 (Linggo): Totoong maganda ang maging mabait sa kapwa, pero ang higit na mainam ay ang hindi nakakalimutan ang sarili at ang mga mahal sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung ano ang gusto mo, ‘yun ang tutukan mo. Hindi ka puwedeng maligaw sa bagay na hindi mo naman gusto pero sa tingin ay maganda at iyong ipagpapalit sa talagang gusto mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-11-14-20-34-38.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakikita ng nakabukas ang isip ang mga mabilisang solusyon. Talasan mo ang iyong isip kahit maraming gumugulo sa kalooban mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-18-21-27-34-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magpapadaya! Hindi ka puwedeng maisahan ng dahil lang sa isang kabutihan, pero ang motibo ay makuha ang loob mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-15-25-33-36-41.


CANCER (June 21-July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ang sinumang sumalungat sa kagustuhan mo ay aani ng hindi magagandang pangyayari. Gawin mo na ang anumang gusto mong gawin. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-20-28-30-32-36.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ibahagi mo sa iyong mga mahal sa buhay ang ilang oras mo. Hindi makabubuti na ikaw ay nagpapaalipin sa trabaho. Higit na masaya ang buhay ‘pag kasama ang minamahal. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-15-16-21-24-38.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon mapatutunayan sa iyong magiging karanasan na totoo pala na mas masuwerte ang nagbibigay kaysa tumatanggap. Huwag kang magdalawang-isip na tumulong sa kapwa. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-18-22-23-30-31.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bantayan mo ang iyong sarili dahil makikitang sobrang nadidikit ka sa isang nagpapakita sa iyo ng pagtingin. Hindi maganda na maaga nilang malaman ang iyong damdamin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-11-16-20-21-35.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magkarga ka ng mga sustansiya sa katawan. Pakainin mo ng mga positibong pananaw ang iyong isip. Ang kambal na payong ito ang tunay na nagpapagaling sa anumang karamdaman. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-22-24-33-35-43-46.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mag-ingat ka. May babala na maiisahan ka na naman ng paladaing at palahingi. Walang pinakamagandang gawin kundi ang umiwas sa kanya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-18-20-25-26-34.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi maganda ang dumikit ka pa sa isang napakahirap unawain. Kung hindi ka makakaiwas, huwag ka na lang magsalita dahil hindi naman siya makakaunawa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-19-20-27-41-44.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis na mahuhulog ang loob mo sa isang may mabuting kalooban. Biglang magbabago ang pananaw mo sa buhay na noon, ang mas tinitingnan mo ay ang panlabas na kaanyuan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-11-17-22-28-31.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hawak-hawak mo ang kapalaran ng isang malapit sa iyo. Hindi ka puwedeng magkamali dahil masasaktan ka rin ‘pag siya ay nabibigo. Ibigay mo ang tulong na kanyang kinakailangan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-12-26-30-35-41.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 28, 2021



Sa may kaarawan ngayong Agosto 28, 2021 (Sabado): Tulad ng mga halaman na tinalbusan, lalo pang lumalago ang iyong kapalaran. Ito ang sikreto ng araw ng iyong pagsilang.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi maganda para sa iyo ang mapalapit sa malungkutin. Makikitang nakukuha ang loob mo at kapag nangyari ito ay babagal ang pag-usad ng iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-10-13-28-32-38.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dumarami ang mga gustong mapalapit sa iyo. Huwag kang maduwag! Mas maganda ang maraming umaalalay kaysa nag-iisang nilalabanan ang mga hamon ng kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-9-16-28-34-36.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka dapat malibang sa masasayang kaganapan. Madalas, ang pagsasaya ay dahilan ng kawalan ng interes na ipagpatuloy ang pagsisikap hanggang sa maabot ang pangarap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-12-14-32-41-44.


CANCER (June 21-July 22) - Biglang sasaya ang buhay mo. Mawawala na ang mga lungkot at magsisimula na rin ang bagong kabanata kung saan makikitang desidido ka nang paunlarin ang buhay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-27-29-31-30-35.


LEO (July 23-Aug. 22) - Tanggapin mo ang premyo mula sa langit dahil sa ipinakita mong kabutihan sa kapwa. Magiging huwaran ka ng marami at magbabago rin ang ilang mga nasa paligid mo at gagaya na sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-9-14-25-36-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iba ka sa lahat dahil ang hindi kaya ng marami ay kaya mo. Ang hindi masolusyunang maseselang problema ay nasa iyo ang susi. Aani ng pagkilala at marami ang sasaludo sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-20-21-25-26-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pangunahan mo ang masayang pagbabago. Matatapos na ang napakahirap na sitwasyon na pinagdadaanan ng marami, ito ay mangyayari dahil sa magiging papel mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-5-31-32-33-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lakasan mo ang iyong loob at pasukin mo ang proyektong nasa harapan mo. Huwag kang matakot dahil aalalayan ka ng langit at makakaasa ka na magtutuloy-tuloy ang pag-asenso ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-11-18-21-28-34.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Masasaksihan mo na aanihin ng masamang tao ang bunga ng kanyang kasamaan. Maawa ka, pero huwag kang makigulo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-25-28-30-34-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Purihin mo ang dapat purihin. Pasalamatan mo ang dapat pasalamatan. Maging tapat ka at aminin mo na malaki ang natutunan mong aral sa buhay mula sa iyong nakabangga. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-13-22-26-34-39.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kakaibang pormula ang hanapin mo. Huwag mong piliin ang mga pangkaraniwang ginagawa ng mga taong nagsisikap. Mas magandang kunin mo ang hindi pa nasusubukan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-20-25-28-31-32.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Malaki ang maitutulong sa iyo ng maiksing pagsasaya na pagtakas sa mga problema. Makakapagpahinga ka at sa iyong pamamahinga, makakaasa ka na mananariwa ang iyong talino at lakas. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-11-17-21-28-39.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page