top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 03, 2021



Sa may kaarawan ngayong Setyembre 3, 2021 (Biyernes): Itinalaga ka para sa matataas na posisyon. Ganundin sa buhay, ikaw ay makikitang mas angat kaysa sa mga pangkaraniwan.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mong lumayo ang loob sa iyo ng mga nakatulong sa pag-asenso mo. Huwag mong kalimutan na hindi kaya ng isang tao na magtagumpay nang siya ay nag-iisa lang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-20-24-38-40-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka mabibigo sa hangarin mong umangat ang iyong buhay. Simple lang ang susi sa pag-asenso, kung saan isa lang dapat ang iyong tutukan at ito ay ang pagpapayaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-24-26-30-36-38.


GEMINI (May 21-June 20) - Kung ikaw lang, mabagal ang iyong pag-angat pero sa pamamagitan ng masasayang pakikipagkaibigan, tiyak na maaabot mo ang pinakamataas na tugatog ng tagumpay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-18-24-27-35-43.


CANCER (June 21-July 22) - Bawasan mo ang lambing at paghihigpit. Ang dalawang ito, kadalasan ay nagreresulta sa mararamdamang nasasakal sa panig ng nagmamahal sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-11-18-24-31-33.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ibahagi mo sa iba ang mga biyayang kaloob sa iyo ng langit. Kaya ka pinagpapala ay dahil sa kakaibang kabaitan na taglay mo. Ipagpatuloy mo ang pagmamahal sa mga nasa ibaba mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-18-20-24-38-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kakayanin mo ang inakala mong hindi mo kaya sa nakaraan. Sa ngayon, wala kang hindi kakayanin kahit pa ang imposible at mahirap na mga pangyayari. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-10-23-39-41-46.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pakawalan ang pinanggagalingan ng masarap mong buhay. Ang kailangan mo ay ang lalong mapalapit sa kanya nang siya ay iyong maalipin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-18-22-26-30-33.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ka, ‘yun ang iyong ipakita. Ito ang susi para magtagal sa buhay mo ang mga bagong kakilala. Ang anumang pagkukunwari ay hindi magbubunga ng maganda. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-17-20-24-31-35.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Walang mahirap sa taong desidido. Napatunayan mo na ito kaya anuman ang mga gusto mong mapasaiyo, dapat ay seryoso at desidido ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-16-21-26-35-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dinidiligan na ng langit ang iyong nananamalay na kapalaran. Hindi magtatagal, sobrang mamumunga ito ng matatamis. Mawawala na rin ang lihim na tampo mo sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-24-20-35-40-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung hindi ka lalabas ng bahay, puwede ka ring gumalaw nang gumalaw. Linisin mo ang dapat linisin, lalo na sa iyong silid-tulugan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-16-20-21-25-39.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hamunin mo ngayon ang pinakamahigpit mong karibal at tiyak na iyong tatalunin. Hamunin mo rin ang iyong sarili at tiyak na makakagawa ka ng mga imposibleng pangyayari. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-9-13-18-28-30.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 02, 2021



Sa may kaarawan ngayong Setyembre 2, 2021 (Huwebes): Napabibilang ka sa nagtataglay ng napakalakas na karisma na mas malakas pa sa totoong gayuma. Kaya naman palagi kang mag-iingat dahil ang mga wala nang karapatan ay hindi ka titigilan.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipagpaliban mo ang pakikipagkontrata. Maghintay ka ng tamang araw kung kailan malaya kang makapagpapasya. Sa mga araw na ito, ang damdamin mo ay sagabal sa mga proyekto. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-10-12-19-20-24-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ito gabay ng kapalaran, ito ay tiyak na iyong mararanasan na ang minsang nandaya sa iyo ay muling lalapit at muli mong pagbibigyan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-11-17-27-35-39.


GEMINI (May 21-June 20) - Isip ang paganahin mo at hindi ang iyong puso. Mas mapabubuti ka kung isip ang magdidikta sa buhay mo. Liligaya ka kapag puso ang sinunod, pero ito ay pansamantala lamang. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-2l-27-35-38-42.


CANCER (June 21-July 22) - Kaunting kulit lang, makukuha mo na ang malaking gusto mo. Hindi ka mahihirapan ngayon. Ang mga nasa paligid mo ay susunod sa utos ng langit na bigyan ka ng saya at ligaya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-18-23-24-39-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Lalo kang napapalapit sa nagpapakita sa iyo ng kakaibang bait. Kung sakaling magkakaunawaan kayo, hindi naman tututol ang langit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-24-28-33-37-46.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong pansinin ang nanghihimasok sa iyong buhay. Ang hindi niya alam, kapag hindi ka niya tinigilan, sa huli ay mahuhulog ang loob niya sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-18-21-24-30-35.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Babagal ang galaw ng iyong mundo. Ang makikitang pagkakaabalahan mo ay ang aspetong pandadamin, na ang dapat tutukan ay ang pangkabuhayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-18-22-23-30-35.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Abala ang isip mo sa mga palaisipan ng buhay. Abala ka rin sa trabaho. Ang payo ay dapat limitahan mo ang unang nabanggit at ituloy lamang kapag ikaw ay nasa bahay na at nag-iisa. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-15-18-27-30-31-32.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nag-iipon ng lakas ang iyong mga suwerte. Ito ang dahilan kung bakit inaakalang walang paggalaw ang buhay na parang hindi ka na bubuwenasin pa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-19-20-24-25-34.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung sino ang madikit sa iyo, siya na mismo ang suwerte. Puwede ring ikaw na mismo ang dumikit sa alam mong sinusuwerte. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-17-21-28-35-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nagbababala ang araw na ito na tutulo ang mga luha mo. Ang ilang dahilan ay kabiguan, pero mapapaluha ka rin dahil sa biglang pagdapo ng malaking suwerte sa buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-13-20-21-38-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon. Muling ibinalik ng langit ang mga araw na ikaw ay mapalad nang sa gayun ay mapahiya ang mga walang hinangad kundi ikaw ay mabigo at masaktan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-17-28-30-33-44.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 01, 2021



Sa may kaarawan ngayong Setyembre 1, 2021 (Miyerkules): Pabalik-balik sa iyo ang mga suwerte. Kaya kahit pinalagpas mo na, dahil magbabalikan pa ito, malaki ang pagkakataon na mapasaiyo ito nang paulit-ulit.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kikita ka nang malaki sa aktibidad na may kaugnayan sa sakahan, taniman o sa mismong lupa at mga bagay na may kaugnayan sa lupa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-18-20-22-28-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hawakan mo nang mahigpit ang mga biyayang mapasasaiyo. Huwag kang tumulad sa iba na kapag binuwenas ay inuubos sa pagpapasaya sa kapwa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-13-27-35-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag ka nang lumayo pa dahil may suwerte ka kahit hindi ka lumayo. Kung sakali namang mapalayo ka, hindi rin maiiwasang ang ilang suwerte ay susunod-sunod sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-20-29-30-31-38.


CANCER (June 21-July 22) - Ingatan mo ang iyong kalusugan dahil totoo ang naririnig mo na ang magandang kalusugan ay katumbas ng kayamanan. Tandaan mo rin na ang hindi magandang kalusugan ay katapat ng kahirapan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-10-14-15-21-36-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Titigas ang ulo mo, hindi mababali ang paninindigan mo, pero sa una lang ‘yun dahil bubukas ang iyong isipan at tatalunin ka ng kapangyarihan ng pagmamahal. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-12-18-22-26-34.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mabagal ang galaw ng orasyon ng iyong kapalaran. Sa iba, ito ay hindi magandang balita pero sa iyo na nagtatamasa ng masarap na buhay, ito ay isang pagkaganda-gandang balita. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-19-25-31-32-37.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dalawa lang ang puwede mong piliin. Ang isa ay sugurin mo ang iyong pangarap at ang pangalawa ay maghintay ka ng tamang panahon pero ang pag-atras ay hindi umubra. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-27-34-36-44-46.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi nagbabago ang pagtingin sa iyo ng langit, kaya nananatili kang espesyal dahil sa iyong pagiging kakaiba. Ito ay nagbabalita na ang mga kakaibang buwenas sa iyo ay inihahanda na. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-19-20-29-33-35.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Atras-abante ang alon sa dalampasigan. Ang dala-dala ay yaman sa tabing-dagat. Tulad mo, atras-abante ang pangyayari sa iyong harapan at sa huli ay napakayaman mo na. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-25-33-39-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagbubunga ng maganda ang mga pananim kapag inaalagaan. Huwag kang magsasawa na mahalin ang iyong pinagkakakitaan dahil ito ang susi sa pagpapayaman. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-20-21-24-25-32.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang matakot sa malakas na ihip ng hangin. Ganito rin ang mga suwerteng dadapo sa kapalaran mo, kasing lakas ng malakas na ihip ng hangin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-13-17-23-30-33.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang magtiwala dahil malakas ka, ayon sa iyong pakiramdam. Anumang mangyari, huwag mong kaligtaan ang pagkain ng masusustansiyang prutas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-15-27-34-35-40.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page