top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 06, 2021



Sa may kaarawan ngayong Setyembre 6, 2021 (Lunes): Patuloy ang dating ng iyong mga suwerte. Walang magagawa ang mga lihim mong kaaway kundi ang patuloy na mabuhay sa inggit at galit.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pag-aralan mo ang iyong buhay at hanapin mo kung saan puwedeng magkaroon ng pagbabago. Kung may kailangang ayusin, ayusin mo at kung may puwede pang pagandahin, pagandahin mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-20-24-29-34-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ikaw pa rin ang mas masuwerte kaysa sa mga naghahangad na sila ay buwenasin. At dahil likas kang mabait, magandang ibahagi mo sa kapus-palad ang ilang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-19-25-29-30-33.


GEMINI (May 21-June 20) - Talasan mo ang iyong pakiramdam nang hindi makalagpas ang isang malaking magandang pagkakataon na mabilis na lalagay sa iyong harapan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-10-14-20-27-35.


CANCER (June 21-July 22) - Unahin mo ang pagpapalaki ng kinikita. Ang iba pang bagay ay pansamantala mong kalimutan dahil dito sa mundo, kung sino ang makapal ang bulsa, siya ang kinikilala. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-13-19-28-31-32.


LEO (July 23-Aug. 22) - Tulungan o pasayahin mo ang hindi mo kakilala. Magugulat ka dahil biglang magdaratingan sa iyo ang mga suwerteng hindi mo akalain na para pala sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-18-26-30-37-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakadarama ka ng hindi maipaliwanag na lungkot. Balewalain mo lang dahil ang ganitong bagay ay mula sa mga araw na puro kasiyahan na makikitang may dala ring lungkot. Ngunit pagkatapos ng lahat ng ito, ang ligaya at tagumpay ay muling mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-1-14-16-20-27-35.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sundin mo ang payo ng iyong sarili. Ang nakikinig sa sariling payo ay nagkakaroon ng magagandang kapalaran. Pero ang nakikinig sa iba, kadalasan ay napapahamak lang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-21-31-32-38.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong ipagpaliban ang iyong mga plano sa ikagaganda ng buhay mo. Labanan mo ang nangyayaring ikaw ay nalilibang ngayon sa mga bagay na nag-aaksaya lang ng kabuhayan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-20-29-31-38-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pahinga pa rin ang kailangan mo. Kung magtatrabaho ka, hinay-hinay lang. Kailangang manariwang muli ang iyong lakas at isipan nang gayun ay hindi ka makagawa ng malaking sablay at pagkakamali. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-22-28-33-37-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi para sa iyo ang mga bagay na hindi mo pa hawak. At sabi pa ng iba, hindi mo dapat bilangain ang hindi mo pa hawak. Ngunit ang totoo, puwede mo nang bilangin ang bunga ng iyong mga plano at pangarap. Sabi ng langit, “Kung ano ang bilangin mo, tiyak na ito ay mapasasaiyo.” Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-25-32-38-44-46.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nasobrahan ka sa saya, kaya ngayon ay nalulungkot ka. Pansamantala lang naman ito dahil ang totoo, kakambal mo ang saya at sarap ng buhay sa ibabaw ng mundong ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-19-20-25-30-36.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magplano ka para sa gagawin mong paglalakbay. Ito ay nang hindi na maulit pa ang nakaraan na hindi ka nakapaghanda kaya hindi ka rin gaanong naging masaya sa iyong paglalakbay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-10-17-21-25-31.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 05, 2021



Sa may kaarawan ngayong Setyembre 5, 2021 (Linggo): Negosyo ang magpapayaman sa iyo. Yayaman ka rin sa ibang bagay pero sa huli, magnenegosyo ka pa rin dahil ito ay isang utos ng iyong kapalaran.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Samantalahin mo ang masusuwerteng araw ngayon kung kailan puwede mong palaguin nang palaguin ang iyong pinagkakakitaan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-14-29-34-37.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Makikitang ikaw ay palakuwento, na isang malinaw na senyales na natutuwa ang sarili mo dahil nasasagap niya na magdadagsaan sa buhay mo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-15-24-39-40-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Lalapit sa iyo ang mga suwerte, pero may mga suwerte ka rin na kailangan ay ikaw ang lumapit. Isabuhay mo ang nasabi sa unahan nang hindi masayang ang iyong masusuwerteng araw. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-12-15-34-42-45.


CANCER (June 21-July 22) - Bibilis ka ngayon. Ingatan mo ang iyong bilis na mapunta sa mabilisang pagpapalit ng desisyon. Mas maganda na ang iyong bilis ay ituon sa pagpapatupad sa naunang plano. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-17-26-30-37-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Malaya mong magagawa ang anumang gusto mo. Ang payo ay nagsasabing ang dapat mong gustuhin ay ang makikinabang ka at hindi ang mababawasan pa ang nasa iyong bulsa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-13-15-18-22-31.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dagdag na suwerte ang mapasasaiyo. Kumbaga, ang mga naunang suwerte ay puwedeng lumaki at dumami pa. Muli, lakas ng loob ang kailangan sa anumang pakikipagsapalaran sa buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-19-20-23-38-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pag-isipan mo munang mabuti ang gagawin mong pagpapasya. Ang unang basehan ay kung hindi ka ba mahihirapan sa buhay at paano na ang iyong pinansiyal na pangangailangan? Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-22-24-25-38-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sakyan mo lang ang mahaharot at palabiro dahil ang hindi nila alam ay lihim na malilipat sa iyo ang ilang mga suwerte na nasa kanila na. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-20-23-37-41-46.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magbawas ka ng hawak mo. Ito ang paraan para mahawakan mo ang mga paparating na malalaking suwerte. Muli, kailangang magbawas ka ng hawak mo na. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-17-25-26-34-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Isuot mo ang paborito mong kasuotan kahit nasa loob ka ng iyong bahay. Ito ang magsisilbing pampasuwerte mo na tatapos sa mga kamalasan na akala mo ay nakakapit sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-26-27-30-33-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakagugulat ang paraan kung paano ka susuwertehin dahil ito ay nagsasabing, makipagkuwentuhan ka lang sa mga may kaya, mayaman, angat sa buhay at sa mga may sinasabi. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-18-28-35-36.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka puwedeng manatili sa bahay nang may katagalan. Una, magkakasakit ka at pangalawa, ang mga suwerte mo ay dadapo sa iyo kapag ikaw ay namamasyal at naglilibang. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-11-19-20-27-33-38.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 04, 2021



Sa may kaarawan ngayong Setyembre 4, 2021 (Sabado): Hindi maiaalis na mag-alala ka para sa iyong kinabukasan. Gayunman, ginagarantiyan ng araw ng iyong pagsilang na ikaw ay magtatagumpay.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nasa hangarin mong umunlad pa nang umunlad ang susi ng iyong ganap na pagyaman. Kaya ‘wag kang susuko, sa halip ay patuloy kang lumaban. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-24-39-40-44.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kailangang maipaalala sa iyo na ang pampasuwerte mo ay hindi bagay kundi ang paglalakad nang walang sapin sa mga paa habang nasa bahay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-14-28-30-32-35.


GEMINI (May 21-June 20) - Simple lang at madalas mo ring ginagawa ang sikreto kung paano ka sinuwerte. Ito ang ‘pag nag-alinlangan ka, lalo mong sinusugod ang mga pangarap mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-17-21-27-36-42.


CANCER (June 21-July 22) - Nakakagulat at mahirap paniwalaan na kapag napatakan ka ng ulan o ang iyong gamit ay nabasa ng ulan, ang mga suwerte ay magdaratingan nang mabilis sa buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-18-28-36-40-46.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit malabo pang mapasaiyo ang gustong-gusto mo, kumilos ka na parang hawak mo na ito. Hindi magtatagal at magkakatotoong ito ay mapapasakamay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-20-25-37-40-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magsuot ka ng may makislap na kulay at ihanda mo ang iyong sarili sa malalaki at biglaang pagdating ng iyong suwerte. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-12-28-30-38-46.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit lubhang nakakabahala at nakakatakot ang panahon dahil sa pandemya, huwag mong kaliligtaan na ang iyong labi ay may mga ngiti. Ito ay nagpapaalala na ang ngiti mong ito ang pampasuwerte sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-19-29-33-38-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dumarami ang mga lihim mong kaaway. Huwag kang matakot at tulad ng iba, sila ay sabay-sabay na mapapahiya sa kanilang mga sarili dahil ang mga suwerte ay dadapo sa iyo nang sunod-sunod habang ito ay nag-aalisan sa mga kaaway mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-18-25-26-43-46.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Itaas mo ang iyong ulo, lumakad ka na parang isang sundalo. Gawin mo ito dahil ang ganitong mga pagkilos ang iyong pampasuwerte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-22-27-31-33-36-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang magtaka sa katotohanang madalas mangyari sa iyo na nasa bahay ka lang at puwede kang yumaman. Ikonsidera mo ito nang magtuloy-tuloy na ang pag-asenso mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-21-25-34-38-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag wala kang kaaway, wala kang suwerte. Mahirap maunawaan, pero kapag binalikan mo ang iyong mga nagdaang karanasan, ito mismo ang katotohanan na iyong mapapansin at makikita. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-11-14-16-25-38.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tayo-lakad, lakad-tayo, ganu’n nang ganu’n, puwede mo itong gawin sa bahay at kailangang isagawa mo talaga. Ito ang susi nang maglabasan ang mga suwerteng natutulog sa iyong katawan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-19-21-27-33-36.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page